Uri NG Pamahalaan Na Itinatag NG Mga Amerikano

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Uri ng Pamahalaan na itinatag

ng mga Amerikano sa bansa at


mga patakaran na ipinapatupad
sa panahon ng kanilang
pamamahala
• Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga
Amerikano ang Pilipinas, itinatag kaagad nila
ang isang Pamahalaang Militar. Inaatasan ng
pangulo ng Amerika na si William McKinley
si Hen. Wesly Merritt na manungkulan sa
Pilipinas bilang unang gobernador–heneral.
• Ang Pamahalaang Militar ay
pinamunuan ng mga sundalo na ang
layunin nito ay mapigilan ang mga
pagaalsang maaring sumiklab sa bansa.
• Binigyan si Hen. Wesly Merritt ng
kapangyarihang tagapaghukom,
tagapagbatas, at tagapagpaganap.
Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang pagtatag ng
Unang Republika ng Pilipinas ngunit hindi rin
ito kinilala ng Amerika kahit man si Emilio
Aguinaldo ay hindi pinakinggan ng mga
Amerikano.
• Patuloy na lumaban ang mga bayaning
Pilipino kasama ang pangulong Emilio
Aguinaldo ngunit nagpatupad ng mga
patakaran ang mga Amerikano upang masupil
ang Pilipinong hindi sumuko sa kanilang
kapangyarihan.
A . PATAKARANG PASIPIKASYON
(PANUNUPIL)
Ito ay mga patakaran at batas upang masupil
ang mga diwang makabayan ng mga Pilipino.
Nagpatupad din ang mga Amerikano ng mga
batas na puspusang tumugis at nagpataw ng
mabigat na kaparusahan sa kanila.
1. Batas Sedisyon o Sedition Law ng 1901
noong Nobyembre 4, 1901
Ito ay batas na nagpapataw ng parusang
kamatayan o habambuhay na pagkabilanggo sa
mga taong nagpapahayag ng paglaban at
pagpuna sa pamahalaan at pangangasiwa ng
mga Amerikano
2. Batas Brigansiya o Brigandage Act ng
1902 Ito ay nagpalaganap ng katawagang
Bandido o Ladrones (magnanakaw) sa mga
Pilipinong rebolusyonaryo. Dahil dito, dinakip
ang sinumang mapaghinalaang naghangad ng
kanilang sariling pamahalaan.
Kabilang sa mga naging biktima ng
batas na ito si Macario Sakay, na nagtatag ng
Republika ng Katagalugan sa Timog Luzon.
3. Batas Rekonsentrasyon o Reconcentration Act
noong 1903 Sa batas na ito binigyang awtoridad ng
Gobernador Heneral ng Amerika ang mga gobernador
na ilipat o irekonsentra ang mga residente sa mga
bayan at lalawigan. Pinaniwalaan na pinamumugaran
ng mga rebelde o ladrones (magnanakaw) ang
malaking bayan ng munisipyo. Ito ang maging
mabisang paraan upang dakpin ang mga rebeldeng
pinuno at ilayo sa simpatiya at tulong ang mga
mamamamyang Pilipino.
4. Batas Ukol sa Watawat o Flag Law ng 1907 Ito
ay nauukol sa pagbabawal ng pagwagayway o
paglabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag o
anumang ginamit ng mga kilusan laban sa
pamahalaang Amerikano. Nagbago ang kaisipan ng
mga Amerikano at pinayagang gamitin ng mga
Pilipino ang sariling watawat sa anumang okasyon
matapos ang pag-amenda sa batas makalipas ang
labindalawang taon.
B. Ang Pamahalaang Sibil
Ang Pamahalaang Sibil ay itinatag ng Amerika sa
ating bansa upang mailipat ang pamamahal sa
Pilipinas sa kamay ng mga sibilyan. Layunin sa
pamahalaang ito na sanaying makilahok ang mga
Pilipino sa pamamahala ng sariling bansa at
palawigin ang demokratikong pamumuno. Kaya
nagtatag ang mga Amerikano ng patakarang
Kooptasyon. Ano nga ba ang Kooptasyon?
C. PATAKARANG KOOPTASYON (PILIPINISASYON)

Ito ay naglalayong unti-unting sanayin ang mga


Pilipino na maging kawaning pamahalaan. Binuo
ang patakarang ito upang higit pang mapatatag ang
patakarang pampulitika at pangkabuhayan sa
unang dekada ng kanilang pananakop.
1. Reorganisayon ng Pamahalaan
Iniutos ni Pangulong William McKinley ang
paglalagay ng mga Pilipinong kawani sa mga
Pamahalaang Munisipal sa pamamagitan ng
pagboto. Ang mga Ilustrado ang karaniwang
nahalal sa posisyon ng Pamahalaang Munisipal.
Mga kwalipikasyon ng mga botante:
• lalaking may edad 20-30 gulang
• naninirahan ng higit kumulang anim na buwan sa
lugar na pagbobotohan
• nakahawak na ng lokal na posisyon sa bayan
• may ari-arian na may halagang P500.00
• nagbabayad ng taonang buwis na P30.00
• higit sa lahat, nakababasa, nakasusulat at
nakapagsasalita ng Ingles o Kastila
2. Unang Halalan sa Asembliya
Ang pinakaunang halalan sa Asembliya ay nangyari
noong Hulyo 1907. Ito ay pinasiyaanan noong
Oktubre 22,1907 sa Manila Grand Opera House.
Nahalal si Sergio Osmena Sr. bilang Ispiker at si
Manuel L. Quezon bilang Lider ng Mayorya.
3. Pagbili ng mga Lupain ng mga Prayle
Binili ng mga Amerikano ang naglalakihang
lupain na pag-aari ng mga prayleng Kastila. Ang mga
nabiling lupain ay naipagbili sa mga Pilipinong
kasama sa bukid ngunit mas malaking bahagi ang
naipagbili sa mga maykaya at dati ng may maraming
lupa. Kasama rin sa kasunduan na unti-unting
mapalitan ng mga Pilipino ang mga Kastilang pari sa
praylokasya

You might also like