Ang pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita ay gawain ng espesyalistang editor upang lalong mapabuti at mapaganda ang istorya at magiging karapat-dapat na magkaroon ng espasyo sa pahayagan. Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya 1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo.
2. Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at
pagbabaybay ng mga salita.
3. Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan
nito. Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya 4. Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa akda.
5. Pumutol o magkaltas ng di-mahalagang datos
6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng mga opinyon kung
ang winawasto ay balita. Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya 7. Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.
8. Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng “bangkay na
di na humihinga”, “hawak ng kamay”, “pasan sa balikat” at iba pa.
9. Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan.
Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya 10. Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag ang akda.
11. Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo.
12. Sumusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya nito.
Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya
13. Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa
laki at tipong gagamitin, kolum at bilang ng ems. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya 1. Makinilyahin ang kopya sa doble at tripleng espasyong 8 at 11 pulgadang papel. Ito ay upang may masulatan ng mga pagwawasto at pagbabago ng kopya. 2. Sa itaas na kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada mula sa pinakaitaas, isulat ang iyong pangalan at gabay o slug. Ang slug ay karaniwang isa o dalawang salitang kumakatawan sa pinakanilalaman ng balita. Halimbawa, balyena para sa balita tungkol sa balyenang sumadsad sa baybay-dagat at kidnap para sa balitang tungkol sa kidnapping. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya 3. Simulan ang pagsulat ng istorya mga tatlo hanggang apat na pulgada mula sa pinakaitaas ng pahina at maglagay ng isang pulgadang palugit sa kaliwa at kanang bahagi ng papel. Ang malaking palugit sa itaas ay para sa tagubilin para sa typesetter at sa ulo ng balita. Ang isang pulgadang palugit sa bawat gilid ng papel ay upang matantiya ang kahabaan ng istorya. Ang apat na makinilyadong linya ay katumbas ng mga isang pulgadang makinilyadong kolum na laki sa pahayagan. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya 4. Lagyan ng lima hanggang 10 espasyong palugit sa simula ng bawat talata. 5. Wakasan ang bawat pahina sa talata. Huwag putulin ang talata at ituloy sa kasunod na pahina. Ang dahilan nito ay maaaring mapunta sa ibang istorya ang karugtong ng talata. 6. Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng “pa” sa ibaba at itulay ang istorya sa ikalawang papel . Huwag ang likuran ng pahina. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya 7. Sa halip na sulatan ng ikalawang pahina, labelan ito ng Unang dadag o Dagdag isa at susdan ng slug. Halimbawa, unang dagdag , Kidnap.
8. Lagyan ng markang binilugan dobleng krus o sharp #
o binilugang bilang na 30 ang wakas ng istorya bilang panapos. Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya 9. Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa pamamagitan ng lapis ang mga mali. Gamitin ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi.
10. Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming
panahon at dagdag, imakinalyang muli kung mayroon pang panahon. Ang maruming kopya ay mahirap iwasto, nagpapatagal sa typesetting at maaaring magbunga ng mga kamalian sa pag-imprenta ng teksto. Mga Pananda sa Pagwawasto ng Kopya Mga Pananda sa Pagwawasto ng Kopya Mga Pananda sa Pagwawasto ng Kopya