Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang Paggawa

bilang Paglilingkod
at Pagtataguyod sa
Dignidad ng Tao
Balik Aral
• Ang Karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin,
hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay
• Ang tungkulin ay ang obligasyong moral na gawin o
hindi gawin ang isang gawain
• Kaakibat sa Karapatan ng isang tao sa kanyang kapwa
na igalang ito at obligasyon niyang tuparin ang
kanyang mga tungkulin.
Panimula
•Ang paggawa ay isang bagay na hindi
matatakasan at kailangang harapan ng tao sa
bawat araw. Ito ay isang reyalidad ng buhay.
•Mahalagang kilalanin ang paggawa bilang
malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao.
•Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang
isagawa ng may pananagutan (Esteban, S.J. 2009)
Paggawa
• Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa
• Ito ay isang aktibidad ng tao. Maaaring ito ay mano-mano o
nasa larangan ng ideya
• Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay
para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute or
Development Education, 1991)
• Ang paggawa ay isang gawain na nangangailangan ng
orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto
nito, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay
Mga Layunin ng Paggawa
1. Kumita ng salapi na kanyang kailangan upang
matugunan ang kanyang mga
pangangailangan.
- Kailangan ng taong gumawa para mabuhay.
Hindi maaaring maging katulad siya ng isang
parasite na lagging iniaasa sa iba ang kanyang
ikabubuhay. Sa pamamagitan ng paggawa,
napagyayaman ng tao ang kanyang dangal
Mga Layunin ng Paggawa
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago
ng agham at teknolohiya
- Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na
pagnanais na maibahagi ang kanyang kakayahan para sa
ikauunlad ng lipunan
- Mahalagang pagyamanin ang agham at teknolohiya ngunit
kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito upang
mawalan ng silbi ang tao. Ang mga teknolohiya ay ginawa
bilang katuwang ng tao at hindi kapalit ng mga ito.
Mga Layunin ng Paggawa
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng
lipunang kinabibilangan
- Ang paggawa ay nararapat na patuloy na
nagpapayaman sa kultura ng lipunang
kinabibilangan. Hindi nito dapat na pinapatay
ang ating pagkakakilanlan para lamang
makasunod sa agos ng modernisasyon
Mga Layunin ng Paggawa
4. Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan
- Kailangan ng taong gumawa upang tumugon
sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang
sangkatauhan. Ang paggawa ay isang moral na
obligasyon para sa kapwa at sa lipunan na
kanyang kinabibilangan
Mga Layunin ng Paggawa
5. Upang higit na magkaroon ng
kabuluhan (Purpose) sa pag-iral ng tao
- Ang buhay na walnag patutunguhan
ay walang katuturan at ang paggawa
ang nagbibigay ng katuturan dito
Subheto at Obheto ng Paggawa
(Subject and Goal of Labor)
• Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng nga Gawain,
resources, intrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao
upang makalikha ng mga produkto.
• Ang subheto ng paggawa ay ang mismong tao.
• Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa, ngunit
binibigyan-diin ang paggawa para sa tao at hindi ang tao para
sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang tao bilang isang
kasangkapan na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa;
bagkus, kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang
kanyang kaganapan
Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa
• Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
- Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba
- Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa
pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa
- Ang panlipunang kalikasan ng paggwa ang tunay na tataya sa
paggawa
- Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, pagpapahirap, pangarap
at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat
ng tao habang gumagawa.
Tandaan
•Ang paggawa ay higit sa pagkita
lamang ng salapi; tunay na
pinakamataas na layunin ng
paggawa ay pagkamit ng
kaganapanbilang isang tao

You might also like