Professional Documents
Culture Documents
DEMO
DEMO
ANG ALAMAT
NG PERLAS SA
MINDANAO
z
LAYUNIN
SAGUTAN :
Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-sakaling magkita
sila ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa
daungan, hanggang sa iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.
Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina’y nakatayong walang kibo na animo’y isang rebulto.
Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y
humahalakhak. Dumating ang saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.
Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato.
Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila’y manlimot
ng perlas.
Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya ang anak
na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t nagmakaawa, “Bigyan mo kami
ng iyong perlas.” Nang ang ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya
makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap
subali’t nawalan ng saysay.
Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang
kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato. Hindi
niya naratnan doon ang kanyang ina.
“Inay, inay, narito ako…! Saan ka naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng
rebulto.
Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang
kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.
Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang
mga perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang
nawalay na anak.
“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw ay aking
hihintay!”
“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo’y wala na roon!”
“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”
“Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako’y
kanyang ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”
“Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.
Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang
rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.
Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng
Mindanao.
Ang inyong nabasa ay isang alamat tungkol sa mga perlas ng Mindanao. Ngayon ay
makakabasa tayo muli ng isa pang kwentong bayan.
PAGSASANAY BILANG 1
z