Aralin 1 (Ano Ang Panitikan)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

“Ano ang Panitikan?


ARALIN 1
slidesmania.com
Ano ang Panitikan?
Mga Layunin

Layunin 1 Layunin 2 Layunin 3 Layunin 4

Naipaliwanag ang Natukoy ang Naihambing ang


mga konseptong may kahalagahan ng tradisyunal na Patuloy na naipakita
slidesmania.com

kaugnayan sa panitikang Filipino panitikan at ang pagpapahalaga sa


kahulugan ng sa pamumuhay ng kontemporaryong panitikang Filipino.
panitikang Filipino; bawat Pilipino; panitikan; at
Ano ang
Panitikan?
slidesmania.com
Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula.
slidesmania.com
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa
salitang “pang-titik-an” na kung saan ang
unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an”
Ang salitang “titik” naman ay galing sa Latin
na “literature” (literature)
slidesmania.com
Sa pagbabago ng morponemikong
asimilasyong ganap, ang pang “pan” at
kinaltas ang unang letrang “ti” sa titik at ito
ay naging “Panitikan”
slidesmania.com
Mga tanyag na manunulat na
may kanya-kanyang
pagkakahulugan sa Panitikan
slidesmania.com
Ayon kay Sonquit (1982)
- Ang panitikan sa kumbensyonal na
pagkaunawa ay sumasaklaw sa iba’t-ibang
anyo o sangay tulad ng tula, dula, maikling
slidesmania.com

kwento, nobela at sanaysay


Ayon kay San Diego (1980)
- Salamin ng kaparaanan ng pamumuhay ng
mga Pilipino, ang katauhang Pilipino, ritmo
ng buhay at ang katutubong pambansang
slidesmania.com

pagkakakilanlan ng mga Pilipino .


Ayon kay Campos (1997)
- Ang panitikang Pilipino ay hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan,
paniniwalang pampulitika at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.
slidesmania.com
Ayon kay Hontiveros (1982)
 Ang panitikang alam ng nakararami ay ang
panitikang Tagalog. Ito’y dahil sa dala ng
pangyayaring Tagalog ang naging batayan ng
wikang Pambansa. Kaya madalas ang panitikang
slidesmania.com

Tagalog ay ipanagmamalaking panitikang


Pambansa.
 Ang paniniwalang ito’y mali dahil ang wikang
Tagalog ay wikain ng mga tao sa katagalugan
samantalang ang wikang Pambansa ay Filipino
 Ang panitikang Tagalog ay isang bahagi
lamang ng panitikang Filipino.
slidesmania.com
Dalawang Anyo ng Panitikan
Tuluyan o Prosa Patula

Ito’y pagbubuo ng Ito’y pagbubuo ng pahayag sa


pamamagitan ng pagsama-sama
pahayag sa pamamagitan
ng mga maaanyong salita sa mga
ng malayang pagsama- taludtod na may sukat o bilang
sama ng mga salita sa ng pantig at pagtutugma ng
pangungusap. bawat salita sa hulihan ng bawat
slidesmania.com

taludtod.
Kahulugan ng Panitikan
1. Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng
mga tao hinggil sa mga bagay- bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
slidesmania.com
2. Ang panitikan ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at
mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa
mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na
nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi
nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay
nakaiimpluwensiya sa panitikan nito
slidesmania.com
3. Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng
pahayag – nakasulat man ito, binibigkas o kahit
ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may
takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling
kwento, dula, nobela, at sanaysay.
slidesmania.com
4. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula.
slidesmania.com
Ang Panitikang Filipino
 Pahayag na pasalita o pasulat ng mga
damdaming Filipino tungkol sa pamumuhay,
pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang niyakap ng
mga Filipino.
slidesmania.com
Bakit Mahalagang Pag-aralan
ang Panitikang Filipino
1. Upang makikilala ang kalinangang
Filipino, malaman ang ating minanang
yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
slidesmania.com
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y
may dakila at marangal na tradisyon na ating ginawang sandigan ng
pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng


panitikan at makapagsanay upang maging matuwid at maayos.
slidesmania.com
4. Upang makilala at magamit natin ang mga kakayahan sa
pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad pa lalo.

5. Ang pag-aaral ng iba't ibang panitikan ay


nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa
paraan ng pagbabasa at pagsusulat.
slidesmania.com
6. Ang pag-aaral ng panitikan ay nakatutulong upang mararanasan
na makita ang buong mundo.

7. Sinasalamin din ng panitikan ang pagkakaiba at pagkakapareho


ng pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang lugar. Binibigyan tayo nito
ng kaalaman tungkol sa iba't ibang kultura, pinahuhusay din nito ang
slidesmania.com

kakayahan natin sa pakikipag-usap sa iba.


8. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay naglilikha
ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay
na akda ay tumutulong upang mapalawak ang karanasan ng isang tao.

9. Dahil sa panitikan, nakapag-iisang damdamin ang tao sa kapwa at


nagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang
nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang panitikan ay parang
slidesmania.com

isang mahabang tulay na nagdudurugtong sa sangkatauhan.


10. Higit sa lahat, bilang mga Filipinong
nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang
maipamalas ang pagmamalasakit sa ating
sariling panitikan
.
slidesmania.com
Kontemporaryong Panitikan
 Ang kontemporaryong panitikan ay tumutukoy sa
uri ng panitikang modern o makabago. Ilan sa mga
kilalang kontemporaryong panitikan ay yaong
nakikita, nababasa at naririnig sa kultura o
panitikang popular, na pinapalawig ng makabagong
slidesmania.com

teknolohiya.
 Nakapapahayag ng mga tunay na saloobin nang walang
takot o pangamba ang tagapagsalita.
 Naging malikhain ang palabas sa radio dahilan ng
pagkakaroon ng napakaraming genre at programa kasama
na rito ang mga reality programs, fantaserye, anime atbp
.
slidesmania.com
Dahil sa kontemporaryong
Panitikan:
1. Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling
bernakular. Namulat ang mga Filipino sa kahalagahan ng
wikang pambansa;

2. Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang sinulat.


Malaki ang impluwensiya ng agham at teknolohiya.
slidesmania.com

Nagbabago ang mga wikang ginagamit;


3. Ang mga panitikan sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos
walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga
makata; tulad ng:

a. kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga panunungkulang


may tiwaling gawain;
slidesmania.com

b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan; at


c. makabagong damdamin/emosyon na nararamdam.
Ano ang anyo, hugis at kulay ng
kasalukuyang panitikan?
 Ang wika sa kasalukuyang panahon ay
chat, facebook, tweet, Instagram, blog,
jejemon, unli, website, usb, e-mail,
download, wifi, connect, burn, scan, cd
atbp.
slidesmania.com
 Sa kasalukuyan umunti na ang bilang ng mga
panitikang Filipino na tumatatak sa mga utak ng
mga Filipino, lalo na sa mga kabataan. Kadalasan
ay galling Amerika o ibang bansa ang panitikang
ginagamit ngayon.
slidesmania.com
Mapapansin din ang pagbilis na
paglaki ng kabataan, kasama narin dito
ang mabilis na paglimot sa likhang
gawa ng Filipino atbp.
slidesmania.com
Maraming Salamat
slidesmania.com

You might also like