Isipin Mo. • Sinasabing ang ating mundo ay mandaraya. Ang ating pagtrato kasi sa kapwa ay nakabatay sa kanyang kalagayan sa buhay. Kapag masalapi ang tao ay karaniwang iginagalang o tinitingala at gusto maging kaibigan ng lahat kahit pa nga ang kanya palang yaman ay galling sa masama samantalang ang taong mahirap kahit gaano kabuti ang kalooban ay hindi nabibigyan ng gayong pagkilala dahil lang sa kanyang kahirapan. Alam mo ba? • Lalong dumarami ang mga tao sa buong mundo na naninirahan sa tinatwag na slum are o lugar ng mga informal settler kung saan kakambal din nito ang paglaki ng problema sa maayos na satinasyon, pabahay, at mga isyung pangkalusugan. Nagbabala ang UN Word Economic and Social Survey 2013 na ang kasalukuyang bilang ng mga taong nasa kalagayang ito na nasa isang bilyon ay lolobo ng hanggang tatlong bilyon sa taon 2050 kung hindi maaawat ang mabilis na urbanisasyon o pagdami ng populasyon sa mga lungsod o siyudad. Sa Pilipinas, umaabot sa 22.8 milyon ang bilang ng mga maralitang tagalungsod na naninirahan sa mga slum area. Ito ay ayon sa pagtataya ng UN habitat, ang ahensiya ng United Nation na nangangasiwa sa pabahay. Uri ng Maikling Kuwento 1. Kuwento ng Katutubong Kulay- sa kuwentong ito binibigyang-diin ang mga tagpuan na kinabibilangan ng lugar at panahon kung kalian naganap ang kuwento. 2. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa mga kapanapanabik na pakikipagsapalaran at nakasasabik na mga pangyayari ang binibigyang- diin at wala sa tauhan ang kawilihan o interes sa kuwentong ito. 3. Kuwento ng Kababalaghan-Mga di-kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katatakutan ang siyang diin ng kuwentong ito. Uri ng Maikling Kuwento 5. Kuwento ng Katatawanan- Ang diin ng kuwentong ito’y mga pangyayari at diyalogong nakapagpapatawa at nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa. 6. Kuwento ng Pag-ibig- Nangingibabaw sa kuwento ang pag-ibig na karaniwang sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal 7. Kuwento ng Kaisipan o Sikolohikal- Sa kuwentog ito sinisikap pasukin ang kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa. 8. Kuwentong Talino- ang kuwentong ito ay punompuno ng suliranong hahamon sa katalinuhan ng babasa. 9. Kuwentong Pampagkakataon- kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari o pagkakataon gaya ng Pasko, Bagong Taon, at iba pa. 10. Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay ang mga pang-yayaring mahalaga sa lipunan.