Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Magandang

Umaga!
Baitang 9
Prayer
Our Heavenly Father,
We offer you this day
Our thoughts, our actions
And the words we say.
Help us to understand
Our classmates and friends,
Inspire us to study and learn,
Teach us to be humble and obedient,
Make us love You more.

Amen
Balitaan
Pasukat ng
Pambansang Kita
at Produkto
1.Ang kapasidad ng ekonomiya na umuunlad ay nakasalalay sa
kakayahan ng iba’t-ibang sektor na magprodyus ng kalakak at
serbisyo.

2.Umaangat ang pambansang ekonomiya kapag lumalaki ang antas ng


lokal na produksiyon at sa pamamagitan ng pagsukat ng
pambansang kita at produkto ito nalalaman.

3.Taon-taon, milyon-milyong produkto na iba’t-ibang uri ang


pinoprodyus sa ekonomiya at may kanya-kanyang presyo.

4.Ang presyo ay ang katumbas na halaga ng produkto na


binabayaran ng mga konsumer sa pamilihan tuwing sila ay
namimili kaya madali sa mga ekonomista na gamitin itong
basehan ng pagsukat ng pambansang produksiyon.

5.Ayon kay Wonnacott, ang pambansang produkto ay ang halaga ng


kalakal at serbisyo na pinoprodyus ng ekonomiya sa loob ng
takdang panahon.
PANGUNAHING PARAAN NG PAGSUKAT SA PAGLAGO NG PAMBANSANG
EKONOMIYA

May dalawang pangunahing paraan ng pagsukat sa paglago ng ekonomiya;


pagsukat sa pambasang produkto (national product approach) at ang
pagsukat ng pambansang kita (national income approach).
Sa diagram, ang lahat ng
kinita ng mga tahanan at
mga negosyo ay
ginagastos. Ginagamit ng
mga tahanan ang kanilang
kita sa personal o
pribadong pagkonsumo,
samantalang ginagamit
naman ng mga negosyo
ang kanilang kita sa
pamumuhunan. Walang
perang nasasayang sa
serkulasyon at ito ay
nagpapalipat-lipat lamang
sa kamay ng mga mamimili
at mga prodyuser.
Ang Konsepto ng Value Added
Mga Bahagi ng Pambansang Produkto
1.Personal na Pagkonsumo – ito ay tumutukoy sa gastusin ng mga
pribadong indibidwal at tahanan na may pinakamalaking bahagi
ng pambansang produkto. Halimbawa nito ay mga durable goods
gaya ng mesa, non-durable goods gaya ng pagkain, at service
gaya ng kuryente.

2.Paggugol ng Pamahalaan sa Pampublikong Kalakal at Serbisyo –


Pamahalaan ang natatanging organisasyon na may pinakamalaking
paggugol taon-taon. Kabilang sa mga gastusin ng pamahalaan ay
ang pagpapagawa ng tulay, kalsada, ospital, pagbili ng armas
at uniporme ng sundalo at pulis, pagpapasahod, at marami pang
iba.

3.Paggugol para sa Kapital o Pamumuhunan – Ito ay gastusin para


sa pagbili o pagkalap ng kapital.
Mga Bahagi ng Pambansang Produkto
3. Neto ng Export (Net Export) – Ang export ay tawag sa mga
produktong ibinibenta sa labas ng bansa. Ang import ay tawag sa
mga produktong iniaangkat para sa kapakinabangan ng isang bansa.
Ang neto ng export ay ang balanse ng mga kalakal na iniluluwas at
inaangkat. Ito ay tinawatag ding balance of Trade.

4. Gross Domestic Expenditure (GDE) – Ito ang pinakamalaking


national product account ng isang saradong ekonomiya. Ito ang
bansang hindi nakikipagkalakalan sa alin mang bansa.

5. Gross Domestic Product (GDP) – Ito ang halaga sa pamilihan ng


mga produkto na gawa sa loob ng teritoryo ng isang bansa kasama
ang neto ng eksport.

6. Gross National Product (GNP) – Ito ang pinagsama-samang ambag


sa kita ng bansa ng mga Pilipinong nagtatrabaho at namumuhan sa
bansa, gayun din ang mga nagtatrabaho at namumuhunan sa ibang
bansa sa pamamagitan ng remittances.
Lagumang Pagsusulit #1
January 27, 2022 Thursday

1.Pambansang Ekonomiya:Makroekonomiks
2.Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto
PAALALA SA MGA
SUMUSUNOD NA PANGALAN
Wala pa pong mga PETA
(One Minute Trivia Video)

You might also like