Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PAGPOPROSESO NG

IMPORMASYON PARA
SA KOMUNIKASYON
PAGPILI NG BATIS
(SOURCE) NG
IMPORMASYON
Ang batis ng impormasyon ang pinanggagalingan ng
mga katunayan (facts, and figures at datos,
obserbasyon, berbal at biswal na teksto) na kailangan
upang makagawa ng mga pahayag ng kaalaman
hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang
realidad.
PRIMARYANG BATIS

Naglalaman ito ng impormasyong galing mismo sa bagay o taong pinag-uusapan.


Ito ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmumula sa
isang indibidwal, grupo, o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno.

• Halimbawa: pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan, panayam o interbyu,


Tesis at disertasyon, sarbey at artikulo sa journal.
SEKONDARYANG BATIS
Karaniwang gumagamit ng pangunahing batis bilang sanggunian.
Ito ay mga pahayag ng interpretasyon, opinyon, at kritisismo
mula sa mga indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang
nakaranas, nakaobserba, o nakasaliksik sa isang paksa o
penomeno.

Halimbawa: komentaryo, sanaysay, sipi mula sa orihinal na


hayag o teksto, Abstrak.
ANO ANG KOMUNIKASYON?

Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng impormasyon sa paraan ng pakikipag


usap, paglalarawan, pagpapahayag, pakikipag ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga
tao. Sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang kahalagahan ng buhay at nailalabas
niya ang kanyang saloobin ukol sa isang isyu.

• Nagmula sa salitang latin "communis" na nangangahulugang karaniwan o panlahat


URI NG KOMUNIKASYON
• VERBAL NA
KOMUNIKASYON
Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o
saloobin sa paraang salita. Ito ay ang pinaka ginagamit na uri ng
komunikasyon.

2. DI-VERBAL NA
KOMUNIKASYON
Ito ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng
senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa.
3. KOMUNIKASYONG
SIMBOLIKO
Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng mga bagay na
ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng
isang tao. Ang mga ito ay maaaring naipakikita sa pamamagitan ng:

• Kasuotan o damit
• Alahas o palamuti sa katawan
• Make-up
• Kulay na napili
ANYO NG
KOMUNIKASYON
IBA'T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA
KOMUNIKASYON

• KINESIKA (kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan


• PROKSEMIKA (proxemics) - Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng
espasyo
• PANDAMA O PAGHAWAK (haptics) - Ito ay isa sa pinakaprimitibong
anyo ng komunikasyon. Kadalasan itong nagpapahiwatig ng positibong
emosyon.
IBA'T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA
KOMUNIKASYON
4. PARALANGUAGE - Tumutukoy sa tinig, pagbigkas ng salita o bilis ng
pagsasalita.
5. KATAHIMIKAN O HINDI PAG-IMIK - nagbibigay ito ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo ng kanyang sasabihin.
6. KAPALIGIRAN - Ang lugar na gagamitin sa interaksiyon o komunikasyon.
Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang
magaganap na pulong, seminar atbp.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

CHRISTIAN C. BALINQUIT
BS Crim 1-G

You might also like