Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

•Si 

Mohandas Karamchand Gandhi


[1]
 (Gujarati: મોહનદાસ કરમચંદ ગાંધી) (2
Oktubre 1869 – 30 Enero 1948) ay
isang pangunahing politikal at
espirituwal na pinuno sa Indiya, at
ng kilusang pagpapalaya sa Indiya. 
•Siya ang tagapanguna at tagapagpaganap
ng Satyagraha 

•Satyagraha - ang pagpipigil sa kalupitan sa


pamamagitan ng malawakang sibil na hindi
pagsunod na malakas na nakatatag sa 
ahimsa (ang kabuang kawalan ng
karahasan), na nagdulot sa pagiging
malaya ng Indiya.
•Kadalasang kilala si Gandhi at
ginagalang sa Indiya at sa buong
mundo bilang Mahatma Gandhi (mula
sa Sanskrit, Mahatma, Dakilang
Nilalang) at bilang Bapu (sa maraming
mga wikang Indiyan Indian languages
, Ama).
•Siya ay opisal na
pinarangalan sa India
bilang ang Ama ng Bansa.
•Ang kanyang kapanakan ay
Oktubre 2, ay itinalaga bilang 
Gandhi Jayanti, isang
pambansang araw, at Ang araw
ng kawalan ng karahasan sa
buong mundo.
•Si Gandhi ay unang nagtrabaho bilang
promotor ng kawalan ng karahasan at
pagtutol sa hindi makatarungang
batas habang naglilingkod sa bayan
bilang isang abogado sa Timog Aprika,
habang ang komunidad ng Indiya ay
lumalaban para sa kanilang
karapatan.
•Pagkatapos ng kanyang
pagbalik papunta s Indiya, siya
ay nag-organisa ng mga
protesta para s mga
mamamayan ukol sa mataas
na buwis at diskriminasyon. 
•Pagkatapos maging lider
ng "Indian National
Congress" noong 1921,
nagtatag siya ng mga
kampanya para sa pantay-
pantay na batas sa Indiya.
Mahatma Gandhi 
mado V. Hernandez
Ang paglilider mo’y namumukod-tangi
pulos halimbawa’t walang talumpati;
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik na may ibang uri.
Wala kayong armas na gamit sa laban
kundi boykoteo ng dayong kalakal;
kung wala nang damo’y lilipad ang balang,
kung wala nang ginto’y lalayas ang dayuhan!
Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,
unang tumutupad sa sinasalita;
naghubad ng telang sa Londres nilikha,
naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.
Walang automobil, walang sula’t hiyas,
wala kang palasyo’t salaping inimbak,
walang katungkulang ang sahog ay
limpak
pagka-makabaya’y sakripisyong lahat.
Namulat ang India… daling iwinaksi
ang diwang alipin… nais magsarili…
Ang Britanya’y tila di makatanggi…
tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!
Mapalad ang India’t may Mahatma…
Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
at ang katutubo’y kuskusan ng paa!

You might also like