Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 62

Layunin:

Nagagamit nang wasto ang


mga pang-uri sa paglalarawan
ng tao, bagay, hayop lugar, at
pangayayari.
F4PU-lle-g-2.1
Prepared by:
Mr. Leodegario C. Rodriguez
Teacher III
Buso-Buso ES, Laurel District
Province of Batangas
Pagbabaybay

a. paglalakbay

b. nangangatog

c. natutulog

d. kuwarto

e. inasikaso
Balik-Aral

Laro: “Kahapon,
Ngayon at Bukas”
Mekaniks: Pipili ang guro ng 10 manlalaro.
Magbibigay ang guro ng pangungusap gamit
ang tatlong aspekto ng pandiwa. Ang mga
manlalaro ay pipili sa tatlong estasyon kung
ang pangungusap ay naganap na, nagaganp
pa o gaganapin pa.
Tuklasin Mo
Alamin ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita.

a. nag-aalinlangan
Ang bata ay nagdadalawang-sisp kung
papasok o hindi.

b. makaraos
Nais ng maysakit na malagpasan ang
paghihirap na kanyang tinitiis.
Tuklasin Mo

c. balat-kayo
Ang dalawang anghel ay nagkunwaring
tao para di makilala.

d. matapobre
Di man lang sila inalok ng pagkain ng
mayamang mapagmataas.
Pagganyak

Iayos ang mga jumbled letters upang


mabuo ang salita.
h n e a g l

Clue: Hindi hayop , katulad


nila’y tao
Paglalahad A

Naririto ang kwento ng dalawang


anghel na nagkunwaring tao.
Pakinggang mabuti.
 A N  NA 
   
Pag-ala-ala sa pamantayan sa pakikinig
Basahin Mo
Ang Dalawang Anghel
May Dalawang Anghel na naglalakbay. 
Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi
at naghanap ng matutuluyan.  May
nakita silang malaking bahay. 

"Doon tayo!  Makiusap tayo baka tayo


ay patuluyin nila!!!" sabi ng
nakababatang anghel.
"tok.. tok.. tok.." 
Bumukas ang pinto at isang matandang
lalaki ang nagbukas nito.  Ang leeg niya
ay nakakasilaw dahil sa gintong
kuwintas na kanyang suot. 
"Kami po ay ginabi sa paglalakbay,
maaari po ba kaming makituloy...."  sabi
ng nakatatandang anghel.
Hindi agad nakasagot ang matanda at
tinitigan sila.  Nag-aalinlangan ang
matanda sapagkat sila'y nakabalatkayo
at hindi alam na sila ay mga anghel. 
Ngunit
"Kami po dahil sa pakiusap
ay ginabi ng mga anghel
sa paglalakbay,
na
maaarinagbalatkayong tao, sila rin
po ba kaming makituloy...."  sabiay
pinatuloy.  Sila ayanghel.
ng nakatatandang pinatulog sa isang
masikip na kuwarto na may matigas na
higaan.  Hindi sila inalok ng makakain
kahit na alam ng matandang mayaman
na sila ay nangangatog na sa gutom. 
Nung sila ay matutulog na, nakita ng
nakatatandang anghel na may butas
ang dingding ng kuwarto.  Inayos niya
iyon at isinarado ang butas.  Nakatingin
lamang ang nakababatang anghel sa
mga nangyari.   Kinabukasan, sila ay
nagpasalamat at umalis na.  Naglakbay
na naman sila at napunta sa isang
bukid.
"Gutom na talaga ako!" sabi ng
nakababatang anghel. 
"O sige teka lang... sa banda roon ay
may maliit na kubo...  tingnan natin at
tayo ay magtanong sa kanila.."
Nung sila ay malapit na sa kubo nakita
nila ang mag-asawang matanda. 
Makikita sa kanilang tindig ang hirap ng
buhay.
"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay
naligaw?" sabi ng matandang lalaki. 
"Ginabi na po kami at kami po ay
nagugutom... Nakakahiya po ngunit
manghihingi kami ng pabor na kung
may konti kayong tinapay ay
manghihingi po kami para kami ay
makaraos sa gabing ito.."  Sabi ng
nakatatandang anghel... 
Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para
kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo magpalipas
ng gabi!" sabi ng matandang babae. 
Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain
ang nakababatang anghel sapagkat napansin
niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging
pagkain ng mag-asawa. Inalok niya subalit
ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain
sapagkat sila ay malayo pa ang lalakbayin
kinabukasan.  Maliban doon, pinatulog sila ng
mag-asawa sa kanilang higaan, at ang mga
matanda ay natulog sa sahig. 
Kinabukasan, nagising ang
nakababatang anghel sa isang malakas
na iyak.  Lumabas siya at nakita ang
matandang babae na umiiyak habang
tinitignan ang asawang inaasikaso ang
namatay na baka na tangi nilang
kayamanan.  Bumalik sa loob ng kubo
ang nakababatang anghel na may galit. 
Hinarap ang isang anghel at sinabing
“Bakit mo ito ginawa?  iyong mayamang
matapobre hindi tayo inasikaso pero
inayos mo pa ang dingding ng bahay
niya.  Pero itong mga matatandang halos
lahat ng mayroon sila ay inalay sa atin..
hinayaan mo pang mamatay ang baka
nila...  Bakit???
"Naiintindihan ko ang ngitngit mo,
munting anghel... Pero nung nandun tayo
sa mansyon ng matandang matapobre
na sinasabi mo..... nakita ko na may
kayamanan sa butas ng dingding.. Hindi
pa niya iyon nakikita.. At dahil sa
masama ang ugali niya tinakpan ko
iyon.... Kagabi naman, dumating ang
anghel ng kamatayan.... kinukuha ang
matandang babae... pero dahil mabait
sila sa atin.. ang kanilang matabang
baka ang aking ibinigay...."
Pagtalakay
Pagkumpleto sa ANNA.

 A N  NA 
   
Pagtalakay

Ano ang pamagat ng kwento?

Sino sino ang mga tauhan sa kwento?

Ano ang masasabi ninyo sa unang matandang


lalaki na may ari ng malaking bahay?

Pinatuloy ba ang magkapatid na anghel?


Pagtalakay

Ano naman ang masasabi ninyo sa ikalawang


matandang lalaki na may ari ng maliit na bahay?

Pinatuloy ba ang magkapatid?

Paano sila binigyan ng pagpapahalaga bilang


mga tao?
Pagtalakay

Kung ikaw ang matandang lalaki, patutuluyin


mo rin ba yong dalawang anghel kahit di mo sila
kilala? Bakit?
Ano ang kapalit ng kabutihang ginawa ng
mahirap lamang na mag-asawa sa mga bisita?
Values Integration

Anong aral ang napulot ninyo sa kwento?


Magpangkat sa apat.
Iba’t ibang gawain ng bawat
Pangkat ayon sa kanilang
abilidad.
Pangkat I - Isadula ang nagustuhang bahagi ng
kwentong.

Pangkat II - Isulat sa Venn Diagram ang mga


katangian ng dalawang may ari ng bahay na tinuluyan
ng mga anghel

Iguhit ang naramdaman ng dalawang anghel


Matapos silang asikasuhin ng mag-asawang matanda.

Sumulat ng liham na nagpapasalamat sa dalawang


anghel sa ginawang pag-aasikaso sa dalawang matanda.
Pag-uulat ng
bawat grupo
Paglalahad B

a. Bumukas ang pinto at isang matandang


lalaki ang nagbukas nito.

b. Sila ay pinatulog sa isang masikip na


kuwarto na may matigas na higaan. 
c. Ang lalakbaying pook ng dalawa ay
malayo
pa.
c. Namatay ang matabang baka ng mag-
asawa.
Pagtalakay
a. Bumukas ang pinto at isang matandang
lalaki ang nagbukas nito.

b. Sila ay pinatulog sa isang masikip na


kuwarto na may matigas na higaan. 
c. Ang lalakbaying pook ng dalawa ay
malayo pa.
c. Namatay ang matabang baka ng
mag-
Pagyamanin natin

Gawin Mo

ICT Integration

Tukuyin kung Tao, Hayop, Bagay, Pook o


Pangyayari ang tinutukoy ng mga pang-uring
may salungguhit sa pangungusap.
Gamit ang mouse ng computer,
i-hyperlink ang iyong sagot.
1. Sa panahon ngayon,
napakataas na ng presyo ng
mga pangunahing bilihin.
3. Gusto kong marating ang
malaparaisong lugar ng
Batanes.
2. Masigasig sa paggawa ng
batas ang ating mga
mambabatas.
4. Muntik nang makagat ng
mabangis na aso si Mario.
5. Kamangha-mangha ang
magic tricks ng mahikero.
Gawin Natin

Laro: Who Wants to be a Millionaire?

Tatawag ang guro ng 10 bata. Sa bawat slide ng


larawan, mag-uunahan ang mga contestants sa
pagbibigay ng wastong pang-uri dito. Pagkatapos
ay aalamin ng guro kung ang pang-uring sinabi
ay kasama sa listahan. 1 punto sa bawat tamang
sagot.
50 000.00

mabunga
matibay
mataas
100 000.00

mataas

matapang
malaki
300 000.00

mahal

Sari-sari
masarap
500 000.00

matapang
siga

mataba
1 000 000.00

malayo

malawak

maputi
Isapuso

Gamitin sa pangungusap ang mga


sumusunod na larawan.
Isaisip Natin

Ano ang inyong natutuhan ngayon?

Ano ang pang-uri? Saan ito


ginagamit?
Subukin Natin

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang


sagot.

1. Sa kwentong inyong narinig kanina,


hindi nakilala ng matandang lalaki ang
dalawang magkapatid dahil sila’y
nagbalatkayong mga __________.
A. anghel B. mayaman
C. tupa D. pulubi
Subukin Natin

2. Sa ating kwento, paano ninyo


ilalarawan ang matandang mag-asawa
na nag-asikaso sa mga anghel?
A. matulungin at mapagbigay
B. masayahin
C. mapagmatyag
D. maramot at walang awa
Subukin Natin

B. Panuto: Piliin ang titik ng angkop na


pang-uring ginamit sa bawat
pangungusap.

3. Kung panahon ng tag-init,


dinarayo ang lungsod ng
Baguio dahil __________ dito.
A. malamig B. mainit
C. malayo D. mataas
Subukin Natin

4. Ang bagyong “Ompong” ay


__________ na naging dahilan
ng malawak na pinsala sa
buhay at ari-arian.
A. masarap B. malakas
C. masipag D. marami
Subukin Natin

5. Ang isang kabang bigas ay


__________ kaya’t di ko ito
kayang buhatin.
A. masarap B. malambot
C. mabigat D. magaan
Mga Sagot:

1. A
2. A
3. A
4. B
5. C
Takdang Aralin

Sumulat ng 5 pangungusap na
naglalarawan sa
a. Tao
b. Hayop
c. Bagay
d. Lugar
e. pangyayari

You might also like