Pamantayan NG Isang Mahusay Na Pagtatanghal

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAMANTAYAN NG ISANG

MAHUSAY NA PAGTATANGHAL
1. Blocking
- Pwesto ng mga tauhan sa entablado. Dahil buhay
(live) ang pangunahing katangian ng dula, wala itong
camera na maaaring maglibot sa mga mukha at
pwesto ng mga nagsisiganap. Partikular sa eksenang
marami ang tauhan, mahalagang nakikita ang lahat
ng manonood. Kailangan hindi natatakpan ng nasa
unahang tauhan ang tauhang nasa likuran.
2. Balance
- Kailangan laging balance ang mga
kaganapan at blockings sa
tanghalan. Ito ay nakabatay sa punto
de bista ng manonood.
3. Focus
- Sa bawat eksena mahalagang makita ang
pokus o sentro ng pangyayaring nagaganap
sa entablado. Mula sa usapin ng blockings
hanggang sa usapin ng paksa at
mensaheng tinatalakay sa dula.
4. Mastery
- Ibig sabihin kailangan ng seryoso at
disiplinadong pagsasanay upang mainternalisa
ang buong dula. Isang katangian ito na ganap
na nagbibigay ng kakaibang ningning sa mga
pagtatanghal. Tumatagos ang dula sa mga
manonood kung may masteridad ang mga
nagsisiganap.
5. Unity / Harmony
- Kailangang nag-aambag ang lahat sa kabuuan ng
dula. Mula sa mga kagamitan at props, kasuotan,
disenyong pamproduksyon, hanggang sa relasyon
ng mga tao sa harap at likod ng entablado.
Kailangan may kaisahan sa kabila ng pagkakaiba. At
sa masaya at organisadong pagsasama-sama higit
na nalilikha ang isang epektibo at
makapangyarihang dula.
6. Dynamics
- Ito ang usapin ng konsepto ng hina at lakas lalo
na sa usapin ng mga tunog at musikang
ginagamit sa dula. Kailangang gamitin ang
konseptong ito upang mas higit na maging
epektibo ang mga awit at tunog sa pagpapatagos
ng mensahe ng dula.

You might also like