Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Everyday is a demo day!

Punong-guro si Gng Cruz ng Wawa


Integrated School. Araw-araw
naglilibot siya sa paaralan at
bumibisita sa mga silid-aralan
upang tiyaking malinis at maayos
ang paligid at lahat ng guro ay
nasa silid aralan at nagtuturo.
Hindi nito ugali ang maupo sa
klase at magmasid sa pagtuturo ng
mga guro ng walang abiso.
Karaniwang itinatakda at naayon
sa kasunduan sa mga guro ang
petsa at oras ng pagmamasid nito
ng mga klase.
Mas gusto ni Gng Cruz na siya’y
iniimbita ng mga guro upang
siya’y magmasid at magbigay
ng kanyang opinyon sa
pagtuturo ng mga ito. Malaki
ang tiwala ni Gng Cruz sa
kanyang mga guro. Karamihan
dito ay siya mismo ang
nagrekomenda. Marami rin sa
kanila ay mga Master Teachers
na.
Gayunpaman, araw-araw sa
kanyang paglilibot ay nakikita
niyang may bakanteng upuan sa
likod ng silid aralan ng isang guro
sa unang taon.

Karaniwang naglalagay ng
bakanteng upuan sa likod ng silid
aralan ng mga klaseng nakatakda
niyang obserbahan.

Araw-araw din, napansin ni Gng.


Cruz na masigla at ganadong-
ganado sa pagtuturo ang gurong
ito.

Marami itong mga audio-visual na


kagamitan sa kanyang pagtuturo.
Masigla rin at wiling-wili naman
ang mga mag-aaral ng gurong ito.
Kaya nga lamang hindi
naman nakatakda sa
kanyang kalendaryo ang
pagmamasid dito. Kataka-
taka na minsan man ay hindi
naman siya inimbita ng
gurong ito na magmasid sa
kanyang klase.
“Ito kaya’y paraan niya para
ako imbitahang magmasid?”
nasabi na lamang ng punong-
guro sa sarili.

Napagpasyahan nitong kausapin ang guro


tungkol dito at nang maitakda na ang
pagmamasid niya rito; kahit na sa kanyang
palagay hindi naman nangangailangan ng
gabay ang mahusay na guro.
Minsan ay nilapitan nito ang guro at sinabing, “napansin ko na araw-
araw ay naglalagay ka ng upuan sa likod ng iyong silid-aralan; Nais
mo bang magmasid ako sa klase mo?”
Napangiti ang guro at magalang na nagsabi,

“Ang bakanteng upuan po ay hindi para sa inyo.

Iyon po ay paalala sa akin, na araw-araw


nagmamasid sa aking pagtuturo ang
Diyos.

Ang upuan pong iyon ay para sa KANYA.


Para sa akin po ang bawa’t araw ay isang
demo-teaching day, bilang

PAGPUPURI sa DIYOS!”

You might also like