Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Epekto ng Ugnayang

Pangkalakalan ng
Pilipinas at Amerika
Ano ang layunin ng Philippine Trade Act?
Ano ang Bell Trade Act?
Ano ang Parity Rights?
Ang Parity Rights ay isang tadhana sa Batas
Bell na nagbigay ng karapatan sa mga
Amerikano sa pagtotroso, pagpapaunlad
ng lahat ng lupang agrikultural at likas na
yaman.
Bakit tinanggap ito ng pamahalaan bagama’t
may mga nagsabing hindi ito makatarungan?
Balik-tanaw

Ang Malayang Kalakalan


Ang Pilipinas at Amerika ay nagkaroon ng
pagpapalitan ng kalakal. Pinagtibay ng
Amerika ang Batas Payne Aldrich
noong 1909.
Ano ang Batas Payne Aldrich?

Ayon sa batas na ito, lahat ng produktong


Amerikano, gaano man ito karami ay
ay makakapasok sa Pilipinas ng hindi
nagbabayad ng buwis. Sa kabilang
dako, may tiyak na kota o takdang
dami ang mga produktong maaaring
iluwas ng Pilipinas sa Amerika.
Ano ang Batas Underwood-Simmons?
Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood-
Simmons sa Kongreso ng Amerika. Inalis
ng batas na ito ang mga restriksyon sa
lahat ng produktong pumapasok sa
dalawang bansa. Dahil dito, naging
depende ang Pilipinas sa mga kalakal na
galing sa Amerika.
Sino ang mas nakinabang ng malaki, ang
Pilipinas o ang Amerika?
Nakinabang nang malaki ang Amerika sa
nasabing patakaran dahil kahit hindi
mahahalagang produkto ay naipasok nila
sa pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng
mas malaking tubo sa kanila. Naging
mahilig kasi ang mga Pilipino sa anumang
produktong “states sides”.
Ano ang inyong napansin sa kasunduang
Parity Rights?

Mahalaga bang malaman natin ang epekto


ng kasunduang Pilipino-Amerikano
tulad ng Parity Rights?
Ang Parity Rights
Ang patakarang ito ay
nagbigay ng
pantay na
karapatan sa mga
Pilipino at
Amerikano na
gamitin ang mga
likas na yaman ng
Pilipinas.
Madaling napaunlad nito ang ang
pangangalakal at industriyang itinayo
ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang
pagtatatag ng mga industriyang
Amerikano ay naging daan ng
pagdagsa ng mas maraming bilang ng
mga produktong Amerikano sa
pamilihan sa Pilipinas.
Anu-ano nga ba ang naging epekto ng
Parity Rights sa pakikipagkalakalan ng
Pilipinas sa Amerika?

Ang mga patakarang pangkabuhayang


ipinatupad ng mga Amerikano ay
nagkaroon ng maganda at di-
magandang epekto.
Maganda, sa kadahilanang
1. Maraming produktong Pilipino ang nailuwas sa
Amerika at nagdulot ng malaking kita sa mga
mangangalakal na Pilipino.
2. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan
ang mga Pilipinong mangangalakal gaya ng
paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya.
3. Ang pamumuhunan ay napaunlad at nakilala ang
ating pangunahing mga produkto gaya ng asukal,
niyog, kopra at langis sa kanluraning bansa
Ngunit ayon sa mga ekonomista, mas marami ang
di-magandang epekto ng pakikipagkalakalan sa
mga Amerikano. Ilan sa mga di-magandang
epekto ay ang:
1. pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng
mga Amerikano;
2. Pagpasok ng di gaanong mahahalagang
produkto o pangunahing kailangang produkto
ng mga Pilipino;
3. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya;
4. Kompetisyon ng ating mga agrikultural na produkto
sa produktong agrikultural ng mga Amerikano;
5. Lalong pagyaman ng mga Pilipinong nasa
panggitnang antas ng lipunan dahil sila ang
hinimok na mamuhunan sa mga industriyang
itinatag ng mga Amerikano;
6. Pagbabago ng panlasa at pagpapahalaga sa mga
produkto ng dayuhan; at
7. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino
sa mga gastusin sa mga sakahan.
Kung ikaw ay nabubuhay noong panaong
iyon, ano ang iyong mararamdaman at
gagawin para maipadama sa
administrasyong Roxas ang negatibong
epekto ng kasunduang Parity Rights?
Isulat ang salitang MABUTI kung ang bawat
pahayag ay tumutukoy sa mabuting epekto
ng Parity Rights at DI-MABUTI kung di-
mabuting epekto.
1. Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang mga
produktong gawa ng Amerika.
2. Dumami ang mga produkto ng Amerika sa
Pilipinas.
3. Maraming produkto ng Pilipinas ang
iniluluwas sa Amerika.
4. Nagkaroon ng kompetisyon ang dalawang
bansa pagdating sa agrikultural na
produkto.
5. Nagkaroon ng ng bagong kaalaman ukol sa
kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal.

You might also like