(Alegre & Anacion) Filipinolohiya-Group 1 Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Panalangin

Panginoon po naming Diyos,

Salamat po ng napakarami dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito


upang makapag-aral po kami ngayon. Sana linisin mo po anuman ang nakita
mong hindi mabuti sa aming mga puso. Patawarin mo po kami sa aming mga
kasalanan. Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan
na matutukyan namin ngayon. Lalo mo pong tulungan ang aming guro naway
pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang pagmamalasakit sa amin.
Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral. Sa inyo po lahat ng
kapurihan hinihingi po namin ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus na aming
dakilang tapapagligtas. Amen.
Aralin 1

Ang Wikang
Katutubo at ang
Kamalayang Filipino
o lo h i y a
Fili p in
10103
GEED Presented by:
Janarie Alergre
Glyza Joy Anacion
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

nd i m a n n g
Ku l y na n g B a liwag
e
Jsoikan umbera
c
Hi m a g -Bienvenido L 1896
-Rebulusyong
-kundiman

 Metapora Pinopoong sinta niring kaluluwa,


Nakakawangis mo’y mabangong sampaga;
 Awitin patungkol Dalisay sa linis, dakila sa ganda,
sa bayan ngunit Matimyas na bukal ng madlang ligaya.
pinalabas bilang
awit patungkopl Edeng masanghayang kinaluluklukan
sa isang dilag Ng galak at tuwang katamistamisan;
Hada kang maningning na ang matunghaya’y
Masamyong bulaklak agad sumisikal.
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

● mahirap paniwalaan na may kinalaman ito sa marahas na


pagbangga ng mga Filipino sa kolonyal ng mga Espanyol kung Jocely
nang B
aliwag
literal ang paiiralin.
● kapain ang himalang nagbigay sa awit
● hindi likas sa salita ang kakayahang kumatok sa kamalayan ng
isang tao.
● Ang himala ay mula sa sariling kamalayan, hinahango ng
manunulat ang mga danas na pinagdaanan niya.
● Naunang magkaroon ng damdamin bago ang musika at tinig.
nilayon ni Balagtas ipamalay
sa mga kolonyalista na
datapwat indio, kaya niyang
Florante at gumawa ng pasalaysay na
tulang maihahanay sa mga
Laura romance ng mga makatang
Peninsular. Ang Florante at
Laura, na kinilala ng prayleng
si Padre Minguella bilang
pinakamahusay sa mga awit
- Balagtas ng mga indio na kanyang
nabasa na, ay katibayan ng
tagumpay ni Balagtas.
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

● nang magsilitaw na ang mga ilustradong gaya nina Rizal at ng mga


kasama niya sa Kilusang Propaganda, hindi na lamang itinuturing na
isang mainam na awit ang tula ni Balagtas.
● mahihiwatigan nating nag-iba na ang kahulugan ng awit.
● Para sa politikalisadong kamalayan ni Rizal, ang tula ng kanyang Floran
te
kababayan ay may pahiwatig ng pagtutol sa sistemang tinututulan din Laura at
niya at ng kanyang mga kasamang ilustrado.
● may hiwalay na buhay ang orihinal na akda ni Balagtas sa kamalayan ng
mga mamamayan ng Piliinas
● Nagbago na ang kamalayan ng mga katutubo, at ang kahulugang
nahahango sa mga pangyayari sa tula ni Balagtas
● umayon sa pagbabago ng kamalayan ng mga mamamayang sa panahon
ng himagsikan ay tatawaging “mga anak ng bayan.”
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

y o n g Ba nd il a
Lukob n g D a
z
o V. Hernande
-Amand
-tula -1930

Lumuha ka, aking bayan: buong lungkot mong iluha


ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.
Ang Wikang Katutubo at ang Kamalayang Filipino

y o n g Ba nd il a
Lukob n g D a
z
o V. Hernande
-Amand
-tula -1930

Nagpapaniwala sa pamunuan ng Unang Republika na sila’y


mga kaibigan ay muling pagpukaw sa diwa ng
Rebolusyong 1896.
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huh, naaliping bayad-utang,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
tumataghoy kung paslangin; tumatangis kung nakawan!
• dumating ang mga Hapon
• naganap ang “pagbibigay” ng kasarinlan ng mga
Filipino.
• iba pang tula ni Hernandez; “Kung Tuyo Na ang Luha
Mo, Aking Bayan.”
• Natabunan ang tula ng administrasyong Quirino
noong 1950,
• kinulong siya sa akusasyong bahagi siya ng pag-
aalsang Hukbalahap.
“Ka Amado.”

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop na sa iyo’y


pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: ang lahat mong
kayamana’y kamal-kamal na naubos, ang lahat mong kalayaa’y
sabay-sabay na naubos; masdan mo ang iyong lupa, dayong
hukbo’y nakatanod, masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor,
nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon, kung ang araw
sa langit mo ay lagi nang dapithapon, kung ang alon sa dagat mo
ay ayaw nang magdaluyong, kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi
man umuungol, kung wala nang maglalamay sa gabi ng
pagbabangon, lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, may araw ding
di na luha sa mata mong namumugto ang dadaloy, kundi apoy, at
apoy na kulay dugo, samantalang ang dugo mo ay aserong
kumukulo; sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo at ang
lumang tanikala’y talagutin mo ng punlo
Saan nga ba umikot ang araling ito?
Mga Katanungan
1. Ano- ano ang mga akdang sinuri ni Bienvenido Lumbera?
2. Sa unang malas, saan pumapatungkol ang awit na Jocelynang
Baliwag?
3. Paano naging awit o kundiman ng himagsikan ang awit na
Jocelynang Baliwag?
4. Magkaiba ba ang naging interpretasyon ng Florante at Laura sa
may akda at kay Rizal?
5. Ano ang naging interpretasyon ni Rizal matapos nitong basahin
ang Florante at Laura?
Mga Katanungan
1. Anong mga nobela ang nasangkot sa tula ni Ka Amado bilang
pagkukumpara sa kolonyalismo?
2. Mahalaga bang malay ka sa mga nangyayari sa iyong bayan?
Bakit?
3. Ano ang naidudulot ng panitikan sa mga bumabasa nito
partikular tayong mga Pilipino?
4. Paano nagkakabisa ang salita o wikang ginamit sa isang akda?
5. Masasalamin ba sa ginawang pagsusuri ni Lumbera ang
Filipinong kaisipan, kultura at lipunan?
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like