Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PANANAW NG IBA'T

IBANG WIKANG
PAMBANSA
Mga Layunin
• Nasususri ang mga pananaw ng iiba't ibang awtor sa isinulat nakasaysayan
ng wika.
• Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang pambansa.
• Nakabubuo ng isang Bionote ukol sa mga pananaw ng awtor sa wikang
pambansa.
Gawain:
1. Ang wika ay walang kaugnayan sa lahat ng aspekto ng lipunan
2. Hinahati ng wika ang mga mamamayan sa dalawang kategorya.
3. Edukasyon ang ibinahagi ng mga Amerikano sa mga pilipino upang tayo
ay mag-aklas laban sa kanila.
Wikang Filipino, sangkap sa
Pagpapakilala ng kultura
Lumabas sa pananaliksik ni Perez na higit na binibigyang-pansin ng mga mag–
aaral ang nilalaman ng Facebook Status ngunit tinitignan pa rin nila ang
wikang ginagamit sa pagpapahayag nito.
Ayon naman kay Ma. Althea Enriquez, isang propesor sa Unibersidad ng
Pilipinas–Diliman," sa pagtuturo ng wika, kailangan ituon ang atensyon ng
mga guro sa anyo ng mga salitang ginagamit kaya sa tungkulin nito sa
pangungusap," Iminungkahi rin niyang pagtuunan ng pansin ang ugnayan ng
mga salita sa isa't isa.
Wikang Filipino, sangkap sa
Pagpapakilala ng kultura
Nabanggit naman ni Imelda De Castro,propesor sa Unibersidad ng Santo
Tomas, ang kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino
upang makamit ang estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at
modernisadong Filipino. Ang wika ay kailangang sumulong sa tinatawag na
transpormasyon para maka–adapts ito sa pagbabago ng panahon," ani De
Castro. Paliwanag niya, hindi lamang wikang Filipino ang mamamayan
kundi lahat ng wika sa pilipinas upang magkaroon ng koneksyon sa iba't
ibang sektor ng lipunan.Dagdagan pa niya, " mayroong tungkulin ang
pamahalaan
Wikang Filipino, sangkap sa
Pagpapakilala ng kultura
Na manguna sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang pambansa. Dapat
gawing competent sa Ingles at Filipino ang mga opisyal upang mahikayat
ang iba na sumulat at gumawa ng pananaliksik nang sa gayon ay maitanghal
ang wikang Filipino bilang intelektuwlisado at modersinado," aniya.
Wikang Pambansa: Ang magpapalaya
Sa bansa sa trahedya sapagkawala"
Ang wika ay may kaugnayan sa lahat ng aspekto ng lipunan – politikal,sosyal,
kultural at ekonomikal. Hindi maaaring umusbong ang isang ponemenon sa bansa
na hindi dulot o iniimpluwensyahan ng wika. Sa ganitong pananaw, mahihinuha
natin na lahat ng kaganapan sa bansa – mabuti man o hindi ay nag–uugat sa wika.
Ang sistema ng edukasyon, mga politukal na pagpapasya, namamayaning
kaisipan at paradigm sa lipunan, komunikasyon sa loob at labas ng bansa,
nauusong mga gawaing kultural o "cultural trends" at ang estado ng ekonomiya
ng bansa – ito ay ilan lamang sa mga penomenong bumabalot sa bansa na hindi
mapagkakailangan
Wikang Pambansa: Ang magpapalaya
Sa bansa sa trahedya sapagkawala"
Isang katibayan ang pagkakait ng mga kastila sa wikang Espanyol sa mga Pilipino
upang maipuwera sa alta sosyedad at mapigilan ang anomang pag–aaklas na
maaaring umusbong kapag naunawaan ng mga mamamayan ang kanilang wika.
Gayondin magiging hadlang sa pagkatuto ng mga Pilipinong wikang Espanyolsa
kanilang plano na maghari, yumaman at maayos na pamumuhay sa bansang
Pilipinas. Sa kabaliktaran, ibinahagi ng mga Amerikano ang kanilang wika upang
magkaroon ng malinaw na kaugnayan sa pagitan nila at ng mga mamamayan. Sa
ganitong pagpapasya, hindi nag–aaklas ang mga Pilipino laban sa Amerika kundi
sila pa ay naging masunurin.
Sa kabuoan, may iba't ibang mukha
Ang wika na ipinakita ng mga awtor.
Ang wika bilang instrumento ng kapangyarihan (De Quiros, 1996)
Ang wika bilang susi sa pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 210)
Ang wikang bilang instrumento sa pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman
(Constantino, 1996)
Ang wikang bilang instrumento ng pagpapahayag (Arao, 2007)
Ang wika bilang isang tagapagpaunlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012)
Nakakatawang isipan na ang wika – ang pangunahing instrumento sa komunikasyon
ay siyang nagiging dahilan upang mahati, mga mamamayang Pilipino.
Pangkatang Gawain
Panuto: Magsaliksik ng mga iba pang awtor na nagbigay ng kanilang
pananaw at paniniwala sa wika. Isagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng
BIONOTE. Ipaliwanag din kung ano ang kahulugan ng pananaw ng awtor
na iyong napili at nasaliksik.
Kasunduan
1. Tukuyin ang mga awtor na nagbigay ng kanilang pagtalakay ukol sa
wikang pambansa.
2. Isa–isahin ang mga pagtalakay na ito at Ipaliwanag ang kahulugan ng
mga ito.
MARAMING SALAMAT.!!!

IPINASA NI: AMPARO DE GUZMAN

IPINASA KAY: MRS. MARISSA M. MAGLAQUE

You might also like