15 ng Oktubre, 2022 “At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” Gen. 2:7 Palaging sinusubukan ni Satanas na paniwalain tayong hindi tayo mamamatay. Iminumungkahi nyang isang bahagi ng ating katauhan—ang kaluluwa—ay nananatiling buhay matapos na mamatay ang ating katawan. Tumutugma ba ito sa sinasabi ng Biblia tungkol sa likas ng tao at kamatayan? Ang proseso ng buhay: Isang buhay na kaluluwa Ang proseso ng kamatayan: Kamatayan at kaluluwa Kamatayan at espiritu Sa unahan ng kamatayan: Ano ang ginagawa ng mga namatay? Pagpahinga kasama ng mga ninuno ANG PROSESO NG BUHAY I S A N G B U H AY N A K A L U L U WA “At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay!” (Genesis 2:7) Nilikha ng Dios ang unang tao gaya ng paglikha Nya sa ilang mga hayop sa lupa: mula sa lupa (Gn. 2:7, 19). Gayunpaman, may malaking pagkakaiba: Ginawa muna ng Dios ang katawan ni Adan, bago binigyan ito ng buhay (Gn. 2:7) Hindi nilikha si Eba sa parehong panahon kay Adan (Gn. 2:22) Sila ang magkasamang larawan ng Dios (Gn. 1:27) May tatlong elemento sa paglikha ng tao: katawan, espiritu, at kaluluwa (Gn. 2:7). Ang likas ng tao ay binubuo ng dalawa sa BUHAY NA kanila: katawan at espiritu. WALA TAYOng PUTIK HININGA NILALANG (Katawan) (Espiritu) (Kaluluwa) kaluluwa; tayo AY kaluluwa. ANG PROSESO NG KAMATAYAN KAMATAYAN AT KALULUWA “Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay.” (Ezekiel 18:20)
Nilinaw ito ni Pablo: lahat ay papunta sa kamatayan
dahil sa kasalanan (Rom. 5:12). Bawat nabubuhay ay apektado ng kamatayan, pareho ang hayop ay mga tao (Eccl. 3:19). Kung mawala sa atin ang hininga ng buhay, nagiging katawan tayong walang buhay. Hindi na tayo buhay ng nilalang, buhay na mga kaluluwa (Aw. 146:4). Kaya, bawat kaluluwa ay mamamatay (banal man o matuwid). Gayunpaman, ang matuwid ay magiging immortal na kaluluwa (mga tao) sa Ikalawang Pagparito kung sila ay mabuhay na mag-uli (1Co. 15:51-55). Ang masama ay magiging “patay na kaluluwa (mga tao)” kung mamatay na sila sa ikalawang (walanghanggan) kamatayan sa dagatdagatang apoy (Mt. 10:28; Apoc. 20:14-15). KAMATAYAN AT ESPIRITU “At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.” (Ecclesiastes 12:7) Tila may nananatili matapos ang kamatayan: ang espiritu. Dapat nating usisain ng maigi ang ideyang ito bago tayo magpasya. Pag-aralan natin ang Genesis 7:22. Pareho ang mga tao at mga hayop na may espiritung tinukoy ni Solomon. Iyon ay “hinga ng PUTIK HININGA BUHAY NA NILALANG diwa ng buhay” na nasa “sa kanilang ilong.” (Katawan) (Espiritu) (Kaluluwal) Malinaw itong reperensya sa paglalang kay Adan. BUHAY NA HININGA PUTIK NILALANG (Espiritu) (Katawan) (Kaluluwa) Ang espiritu ay hindi buhay na bahagi ng tao na nagpapatuloy sa kabila ng kamatayan. Ito ang hininga ng buhay ng Dios. Ibinibigay Niya ito at binabawi (Awit 104:29). SA UNAHAN NG KAMATAYAN ANO ANG GINAGAWA NG MGA NAMATAY “Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.” (Ecclesiastes 9:5) Ano ang sinasabi ng Biblia sa mga ginagawa ng mga patay? Job 3:13 Nagpapahinga sila at sila ay tulog Aw. 115:17 Hindi sila nagpupuri sa Dios, tahimik sila Aw. 146:4 Hindi sila nag-iisip Eccl. 9:5 Wala silang alam Eccl. 9:10 Hindi sila nagtatrabaho, nag-aaral, o gumagawa ng anuman
Napakanakakabagot ang maging patay! Wala nang natitirang buhay. Lahat
ay natatapos kung tayo ay mamatay. Ang kamatayan ay katahimikan lang at kadiliman. Gaya ito ng pagkatulog, at hindi rin natin alam na tayo ay patay! Itinuturo ng Biblia na ang pagkamatay ay gaya ng pagtulog. Tanging ang tinig ni Jesus ang makakagising sa pagkatulog na ito (Jn. 11:11-14; 5:28-29). PAGPAHINGA KASAMA NG MGA NINUNO “At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David.” (1 Mga Hari 2:10) May iba’t-ibang pananalita na nagpapahiwatig ng kamatayan sa Biblia: “at nalakip sa kaniyang bayan” (Gn. 25:8), “natulog na kasama ng kaniyang mga magulang” (1K. 2:10). Ang mga salita bang ito ay nagpapahayag na may sosyal at buhay na kamalayan sa kabila ng kamatayan? Si David ay “natulog na kasama ng kaniyang mga magulang” ngunit hindi siya umakyat sa Langit. Nananatili siya sa kanyang libingan “hanggang ngayon” (Gawa 2:29-31). Pareho rin ang mga katagang ginagamit sa ibang mga hari, matuwid man o masama (1H. 14:20; 16:6; 2Cron. 32:33). Ang ibig sabihin ng mga katagang ito ay tutungo tayo sa parehong lugar: sa ating libingan. Susundan natin ang mga hakbang ng ating mga ninuno; iyon ay, magiging patay tayo hanggang sa Ikalawang Pagparito, ang araw ng pagkabuhay na mag-uli (1Tess. 4:13-18). “Malinaw na itinuturo ng Biblia na ang mga patay ay hindi agad pumupunta sa langit. Itinuturing silang natutulog hanggang sa pagkabuhay na mag-uli. 1 Tessalonica 4:14; Job 14:10-12. Sa tanging araw na makalag na ang pilak na tali at mabasag na ang ginintuang mangkok (Ecclesiastes 12:6), naglalaho ang isip ng tao. Sila na bumababa sa libingan ay tahimik. Wala na silang nalalaman sa anumang nangyayari sa ilalim ng araw. Job 14:21. Mapalad na kapahingahan sa napapagal na matuwid! Ang panahon, mahaba man o maiksi, ay isang saglit lang sa kanila. Natutulog sila; at gigisingin sila ng tinig ng Dios tungo sa maluwalhating imortalidad.” E. G. W. (The Great Controversy, cp. 33, p. 549)