Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Hulaan ang lugar na

isinasaad ng mga larawan


Alamat ng
Gapan
ALAMAT NG GAPAN
Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo
ng kanyang mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang
pangalan niya ay Gardo.
Isang araw, pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ay agad siyang umalis at nakipaglaro. Nagpunta sa
bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit ‘di makarating sa kanyang pupuntahan.
Gusto niyang umuwi na ngunit ‘di niya matutuhan ang daan pauwi. Sa pagod, nakatulog siya sa lilim ng
punong mangga.
Samantala, ang nanay niya ay ‘di mapakali sa kahahanap kay Gardo. Tinulungan pa siya ng kaniyang
kapitbahay upang hanapin ang anak.
Sabi ng isang kapitbahay, "Parang nakita ko ang anak ninyo sa kabilang ibayo. Paikot-ikot siya sa
dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng tiyanak."
"Kung hindi n’yo siya makita, kumuha kayo ng bilao, ipukpok ninyo sa puno ng hagdan at
tawagin nang malakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka. Sinunod
ng ina ni Gardo ang payo ngunit wala ring nangyari.
Samantala, si Gardo naman ay nagising sa malakas na iyak ng isang bata, hubad ito at malaki ang
tiyan. Nakahiga ito sa dahon ng saging. Kinalong niya ito, ipinaghele ngunit iyak pa rin nang iyak.
Nagalit na si Gardo at akmang hahambalusin nang biglang magbago ang anyo ng sanggol.
Nagmukha itong matanda, mahaba ang balbas at buhok, at mukhang ‘di naliligo. Ibinagsak ni
Gardo ang matanda. Takbo siya nang takbo ngunit sa kawayanan lang pala siya tumatakbo.
Madilim na noon at siya’y pagod na pagod na. Nadapa siya ngunit kahit hirap na ay pilit pa ring
gumapang.
Ang ina naman niya ay umuwi na. Nagulat siya ng datnan niya si Gardo na gumagapang sa
matinding pagod. Gapang siya nang gapang dahil pinaglalaruan siya ng tiyanak.
"Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo," sabi ng marami. Magmula noon ay
naging bukambibig na ng tao ang "Baka matulad ka kay Gardo, gapang nang gapang." Buhat
noon ang pook na kinapapaligiran ng kawayan na kinakitaan kay Gardo na gumagapang ay
tinawag na Gapan, ang isang bayan sa katimugang bahagi ng Nueva Ecija, na ngayon ay isa ng
lungsod.
https://www.gintongaral.com/mga-alamat/ang-alamat-ng-gapan/
Ano-ano ang mga kaugalian, tradisyon at
kultura ng mga Novo Ecijano na
tinalakay sa akda?
Magsaliksik at isulat ang alamat
ng inyong barangay na
kinabibilangan.

You might also like