Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Batang Magalang

Ang batang magalang, mabait, at maaasahan


Mga magagalang na pagbati sa kapwa’y hindi nalilimutan
Magandang araw po! Kumusta ka? Mga salitang sinasambit
Paalam na! Mag-ingat ka! Sinasabi nang matapat at buong init
Ang “po” at “opo” ay laging bukang-bibig
Pagmamani sa matatanda ang siyang aking hilig
Ang bilin ni ama’t ina isasapuso at isasaisip
Paggalang sa matatandaang siyang laging kalakip.
Mga Kaugaliang Pilipino mananatiling maalab sa puso ko
Magagalang na pagbati ang bilin ng magulang ko
Hindi kalilimutan bagkus isasapuso ko
Hanggang sa paglaki, ito’y dadalhin ko.
PAG-USAPAN NATIN

1. Tungkol saan ang tula?


2. Anong magagalang na
pagbati at kaugaliang Pilipino
Ang nabanggit sa tula?
3. Bakit dapat maging magalang
ang isang batang tulad mo?
4. Paano mo ipapakita na isa
kang batang magalang?
5. Magbigay ng iba pang
halimbawa ng magagalang
na pagbati na dapat
nating gawin.

You might also like