Pe PPT Q2W1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

PHYSICAL EDUCATION 2

Ikalawang Markahan , Unang Linggo

Halina’t Gumalaw
MELC

Natutukoy ang mga galaw


sa isang lokasyon,
direksyon,
antas at daan.
Ilarawan ang ginagawa ng bata. Gawing
patnubay ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ginagawa ng bata?


2. Saan direksiyon patungo ang bata?
Sa kanan o sa kaliwa?
3. Ano ang lebel ng paglakad ng bata?
Mabgal, mabilis o katamtaman?
4. Anong pathways o daanan ang
Kanyang dinadaanan?
tuwid, zigzag o pakurba?
Lagyan ng / ang mga larawang nagpapakita ng
hugis o kilos simetrikal at x kung hindi.
Halina’t Maglaro
Halina’t maglaro,maghabulan tayo.
Saanman tumungo,malayang tumakbo.
Gumalaw mula sa posisyon sa iba’t-ibang direksiyon.
Takbo pakanan, pakaliwa, paharap, at palikod.
Huminto nang paupo at patayo
o kaya’y palundag na tumakbo.
Iwasang mataya, gumalaw nang malaya–
padiretso, pakurba, o pa-zigzag pa.
Sa habulan ang takbuhan–di laging mabilisan,
katamtaman minsan, o kaya mabagal kung kailangan.
Halina’t maglaro, sa mga
patag na espasyo.
Gumalaw nang patayo o paupo,
o kaya’y pahilis o paikot, anuman
ang gusto.
Halina’t maglaro, magsaya tayo!
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Anong laro ang nilalaro ng mga
bata?
2. Saan nilalaro ang larong habulan?
3. Sa larong habulan, ano ang dapat
iwasan?
4. Paano dapat ang pagtakbo sa larong habulan?
5. Bakit kailangang makipaglaro?
6. Kailan ka huling nakapaglaro ng larong
habulan?
7. Kung ikaw ay bibigyan muli ng pagkakataon na
makalabas at makipaglaro sa iyong mga kalaro,
lalaruin mo ba ang habulan?Bakit?
Developing Mastery
Sa binasang tula, ipinakita kung paano
maglaro ng habulan. Kaugnay nito,
tatalakayin natin ang paglalarawan sa mga
galaw ayon sa lokasyon, direksiyon, lebel,
daanan (pathways), at patag na espasyo
(planes).
1. PAGLALARAWAN SA GALAW
AYON SA LOKASYON
Ayon sa tula:

Halina’t maglaro,maghabulan tayo.


Saanman tumungo,malayang tumakbo.
Ang malayang pagtakbo ay nagsasaad ng
lokasyon kung saan maari kang magtungo
sa sa tabi (beside), sa harap (infront), sa
ilalim (under), sa itaas (over),paggalaw
na hindi umaalis sa pwesto (personal space),
at malayang paggalaw(general space).
2. PAGLALARAWAN SA GALAW AYON SA
DIREKSIYON
Ayon sa tula:
Gumalaw mula sa posisyon sa iba-ibang
direksiyon.
Takbo pakanan, pakaliwa, paharap, at palikod.
Ibig sabihin maaari tayong gumalaw sa iba-ibang
direksiyon gaya ng paharap, patalikod, pakaliwa
at pakanan.
3. PAGLALARAWAN SA
GALAW AYON SA LEBEL

Ayon sa tula:
Huminto nang paupo at patayo o
kaya’y palundag na tumakbo
Inilarawan ang lebel ng paghinto at pagtakbo na
nasa mababang lebel kung nakaupo ibig sabihin
ay malapit sa sahig. Katamtamang lebel naman
kung nakatayo o bahagyang nakalayo sa sahig. At
mataas na lebel kung palundag na tumatakbo na
malayo sa sahig.
4. PAGLALARAWAN SA GALAW AYON SA
DAANAN o PATHWAYS

Ayon sa tula:
Iwasang mataya, gumalaw nang malaya–
padiretso, pakurba, o pa-zigzag pa.

Ang galaw sa Pathways ay maaaring tuwid


(straight), pakurba (curved) at zigzag.
5. PAGLALARAWAN SA GALAW AYON SA
PLANES
Ang mga galaw sa Planes ay maaaring nasa
frontal, horizontal at saggital. Ang frontal ay
humahati sa bahagi ng katawan sa harapan at
likuran. Ang horizontal naman ay humahati sa
upper o lower na bahagi ng katawan.
Sanmantalang ang sagittal ay humahati sa kaliwa
at kanang mga bahagi.
Panuto: Tingnan ang larawan
ng batang nakatayo at
nakaupo. Ilarawan ang galaw
at ayos ng kanilang katawan
gamit ang rubrik.
Basahing mabuti ang sumusunod na galaw sa lokasyon (personal space). Isulat
ang salitang tama kung ang isinasaad ng panungusap ay wasto at mali kung
hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa pagtayo ang mga binti ay nakabaluktot at ang tiyan ay


nakapasok.
2. Sa pagtayo ang tiyan ay nakaliyad at ang balikat ay
nakahanay.
3. Sa pagtayo ang leeg at ulo ay tuwid ang ayos.
4. Sa pag-upo ang paa ay nakalapat sa sahig.
5. Sa pag-upo ang balakang at tuhod ay
nakabaluktot.
Gawin ang iba’t- ibang galaw sa Lokasyon, Direksiyon, Lebel,
Pathways at Planes sa saliw ng
Musikang:

“May Tatlong Bibe”


May tatlong bibe akong nakita.
Mataba, mapayat mga bibe,
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa,
Siya ang lider na nagsabi
ng kwak kwak! Kwak kwak kwak!
Ilarawan ang iyong naging paggalaw sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ang iyong lokasyon habang ginagawa ang pag-awit at pagkilos?
2. Saang direksiyon ka patungo?
3. Ilarawan ang lebel ng pagkilos?
4. Ano ang pathways o daanan mo habang
isinasagawa ang gawain?
5. Saang espayo po isinagawa ang gawaing ito?
Isagawa ang bawat hakbang na may bilang na walo.
1. Lumakad paharap.
2. Lumiko sa kanan at muling lumakad paharap.
3. Lumiko muli sa kanan at muling lumakad paharap.
4. Muling lumiko sa kanan at muling lumakad
paharap hanggang sa makabalik sa dating lugar.
Ilarawan ang kilos ng mga sumusunod sa
pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan sa ibaba.
Isaisip ang mga salitang kaugnay ng
sumusunod:

1. Lokasyon - sa tabi (beside), sa harap


(infront), sa ilalim (under), sa itaas (over),
paggalaw na hindi umaalis sa pwesto
(personal space), at malayang paggalaw
(general space)
2. Direksyon- patungo sa harapan o likuran
(linear forward and backward), patungo sa
kaliwa o kanan (lateral- sideward) at patungo
sa apat na direksyon (multi-directional).
3. Lebels – mababa(low), katamtaman
(middle) at mataas (high)
4. Pathways- tuwid (straight), pakurba
(curved) at zigzag
5. Planes - diagonal, horizontal, vertical at
rotational.
Ilarawan ang kilos ng bawat kasama sa bahay.
Pagmasdan silang mabuti.
Isulat ang (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng
tamang paggalaw at (x) kung hindi. Tukuyin kung anong paggalaw ang
ginamit. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa pag-upo ang balakang at tuhod ay


nakabaluktot. _________________
2. Sa paglakad, dapat ang mga kamay ay
magkasabay na umiimbay sa tagiliran.___________
3. Sa paglakad, ang likod ay nakabahagi ng katawan ay
tuwid at ang paningin ay nakatuon sa unahan.
_________________
4. Sa pagtayo, ang braso at kamay ay malayang
nakalagay sa unahan. _______________________
5. Sa pagtayo, ang leeg at ulo ay tuwid ang
ayos._____________________
YES
1.
2.
3.
4.

You might also like