Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mga Layunin ng Pag-aaral:

A.nakapagbibigay ng katuturan at
nakapaghahambing ng panghaalip;
B.nakapagbabahagi ng gamit ng
panghalip sa isang pangungusap; at
C.naipamamalas ang kahusayan sa
pag-abot sa mataas na pamantayan
sa paggawa sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga pangungusap na
nagsasalaysay.
Konteksto
Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila
ang kabisera ng Filipinas. Nadatnan ko si Diego sa
Quiapo Church. Pagkatapos magdasal ni Diego ay
nakita na ako sa labas ni Diego. Nilibot namin ang
Luneta. Ang Luneta ay lugar na kung saan naganap ang
pagkamartir ni Jose Rizal. Nilibot namin ang Intramuros
gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod kaya
pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na
namin ang Fort Santiago. Ang Fort Santiago ay isang
makasaysayang pook sa Maynila.
Kohesyong Gramatikal:
Anapora at Katapora
Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng
magkakahiwalay na mga pangungusap o
sugnay? Ang mga pangungusap o sugnay na
ito, bagaman magkakahiwalay ay
pinagdugtong o pinag-uugnay ng mga gamit
pang-ugnay o kohesyong gramatikal.
Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o
reperensiya na kung tawagin ay anapora at
katapora.
Ang Kohesyong gramatikal (cohesive
devices) ay mga salitang nagsisilbing
pananda upang hindi paulit-ulit ang
paggamit ng mga salita sa isang teksto.

Ang mga cohesive devices na ito ay


mga panghalip.
Ito, Dito, doon, dito, iyon –
bagay/lugar/hayop

Sila, siya, tayo, kanila, kaniya –


tao/ hayop
Anapora
Mga panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang panimula sa pinalitang pangngalan
sa unahan ng pangungusap.

Hal: Sina Raha Sulayman at Andres


Bonifacio ang mga bayaning Pilipino. Sila
ay mga dakilang Manileno
Katapora
Mga panghalip na ginagamit sa
unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.

Hal: Ito ay isang dakilang lungsod. Ang


Maynila ay may makulay na kasaysayan.
Elipsis
Pagtitipid sa pagpapahayag. Hindi na
paglalagay ng salita dahil
naiintindihan na sa konteksto nito

Hal: Bihira na ang nagsasalin ng ganito


sa ibang wika.
Pagpapalit
Paggamit ng iba’t ibang reperensya o
ng pagtukoy sa konsepto o kaisipan

Hal: Dahil sa pagsasalin ng mga akda sa


wikang nauunawaan natin ay namumulat
tayo sa kulturang banyaga. Nalalaman
natin ang kulturang Hapon at natututo
tayo sa mga gawain nila.
Pag-uugnay
Paggamit ng pangatnig upang pag-
ugnayin ang dalawang pahayag.

Hal: Itinatanghal ang Kyogen kapag tapos


na ang pagtatanghal ng Noh upang maging
kawili-wili naman ang panonood sa teatro.
Nakababagot na mabasa at marinig ang mga
salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang
teksto o pahayag. Maiiwasan ang paulit-ulit na
pagbanggit ng mga ito kung gagamit tayo ng
panghalip. Tandaan na ang mga panghalip ay
hindi lamang ginagamit na panghalili sa
pangngalang binanggit sa unahan ng
pangungusap. Ito’y maaaring ipalit sa
pangngalang nasa hulihan din ng
pangungusap. Anapora ang tawag dito kapag
ito ay pamalit o pagpapatungkol sa
pangngalang ginamit sa unahan at katapora
naman kapag ito ay pamalit o pagpapatungkol
sa pangngalang ginamit sa hulihan nito.
Pag-aralan ang kasunod pang mga halimbawa ng
anapora at katapora.
1. “O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang
ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso.”
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni
Mathilde dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng
lubos na kaligayahan na maidudulot ng salapi.
3. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng
lalaki ay padabog na inihagis ni Mathilde ang
paanyaya.
4. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at
sinabi ni Mathilde sa asawa na, “Ano ang
isasampay ko sa aking likod?”
Paano mo nalalaman na ikaw ay
nagkakaintindihan ng iyong kaibigan?

Bakit nakatutulong sa atin bilang tao


ang anapora at katapora? Sa anong
aspekto/disiplina nakatutulong ito?
Dugtungan…

Nalaman kong (na)…

Natutuhan kong (na)…


Pagsasanay…
Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat
bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga
patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa
loob ng panaklong.
1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t
mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng
tadhana ay isinilang sa angkan ng mga
tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni
Mathilde dahil sa may paniniwala ___ (akong,
kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay
na maidudulot ng salapi.
Pagsasanay…
3. Malimit na sa pagmamasid ___ (niya,
nito, siya) sa babaeng Briton na
gumaganap ng ilang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde
ng panghihinayang at napuputos ng
lumbay ang kaniyang puso.
4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko,
mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong,
niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng
malaking tagumpay si Madame Loisel.
Maikling Pagsusulit Blg. 2: Buoin ang pahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng panghalip na Anapora at
Katapora.
Pagpipilian: nito, nila, ito, kanila
1. Ang pamamalakad ng isang bansa ay isang napakabigat na
gawain kaya nararapat _______-ng seryosohin ng mga
namumuno.
2. Kailangan natin _______ sa ating bansa. Kailangan natin ng
batas para sa katatagan at katiyakan sa pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan sa loob ng bansa upang maiwasan
ang mga kaguluhan at hindi pagkakaisa.
3. Batas ang naggagawad ng mga kalayaan at karapatan ng
mga tao ngunit ito rin ang naglilimita kung hanggang saan
ang mga kalayaan at karapatan na tinatamasa _______.
Maikling Pagsusulit Blg. 3: Buoin ang pahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng panghalip na Anapora at
Katapora.
Pagpipilian: nito, nila, ito, tayo
4. Batas din ang nagtatakda ng mga tungkulin at
kapangyarihan ng mga taong iniluluklok sa pamahalaan
at isinasaad naman _______ sa konstitusyon.
5. Ang konstitusyon ay naglalaman ng mga tuntunin at
batas na siyang itinuturing na pinakamataas na batas sa
isang bansang gaya ng Filipinas. _______ rin ay sagrado.
6. _______ bilang mamamayan ng isang bansa ay
nararapat din na sumunod sa mga tuntunin at batas ng
ating bansa.
Maikling Pagsusulit Blg. 3: Buoin ang pahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng panghalip na Anapora
at Katapora.
Pagpipilian: nito, ito, kanila, sila
7. Ang pagkamamamayan ay ang pagiging miyembro
ng isang samahang pampolitika na may karapatang
sibil at politikal dahil ______ ay nakasaad sa
konstitusyon.
8. Ang mga taong may ganitong katangian ay tinatawag
na mga mamamayan ng isang republika. _______
ang mga responsable sa pangangalaga ng kanilang
bansa.
Maikling Pagsusulit Blg. 3: Buoin ang pahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng panghalip na Anapora at
Katapora.
Pagpipilian: nito, ito, kanila, iyon,
9. Dalawa ang pangkalahatang pamamaraan ng pagiging
mamamayan ng isang tao na natatamo sa pamamagitan
ng kapanganakan at sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Dapat ay ipinanganak sa bansang _______ kung saan
siya nakatira.
10. Ang mga mamamayan ay nararapat na mamuhay
alinsunod sa batas na ipinaiiral sa lipunang _______-ng
ginagalawan.

You might also like