Professional Documents
Culture Documents
Day 7
Day 7
LAYUNIN
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita
HALIMBAWA
- Propaganda
- Mga patalastas
Impormatibo
Uri ng tekstong nagbibigay ng bagong kaalaman,
pangyayari, paniniwala at impormasyon.
Karaniwang nakaayos ito sa paraang sikwensyal at
ipinaliliwanag nang maayos ang mga kaalaman.
HALIMBAWA
- Mga talang pangkasaysayan
- Mga balita
Naratibo
Naglalahad o nakukuwento ng
pangyayari ayon sa kronolohikal na
ayos.
HALIMBAWA
- Nobela o mga akdang
pampanitkan
Prosidyural
Ang isang uri ng tekstong nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod ng mga partkular na
hakbang upang maisakatuparan ang
anumang gawain.
HALIMBAWA
- Mga panuto
- Mga recipe o guide
Argumentatibo
Uri ng tekstong naglalahad ng posisyon ng
isang manunulat sa kaugnay nausapin na
dapat pagtalunan. Tumutugon ang mga
ganitong akda sa tanong na “bakit?”.
HALIMBAWA
- Ang Editoryal
Deskriptibo
Tekstong nagtataglay ng kauukulang
impormasyon sa katangiang pisikal ng isang tao,
lugar, bagay o pangyayari. Ito ay isa sa mga
pinakamadadaling hanapin sapagkat ito ay
sumasagot sa tanong na “ano?”.
Halimbawa
- Mga akdang pampanitkan
- Mga lathalain
2. KAKAYAHANG RETORIKAL
Ito ay tumutukoy naman sa kahusayan
ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang
kakayahang unawain ang iba’t ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
Dalawang Panuntunan sa
Pakikipagtalastasan
Pagkilala sa pagpapalitan ng
pahayag
Pakikiisa
Panuntunan sa Kumbersasyon (Grice 1957,1975)
Kantidad Gawing impormatibo ang ibinibigay na
impormasyon ayon sa hinihingi ng pag-
uusap: hindi lubhang kaunti o lubhang
daming impormasyon.
Kalidad Sikaping maging tapat sa mga pahayag;
iwasang magsabi ng kasinungalingan o ng
anumang walang sapat na batayan.
Relasyon Tiyaking angkop at mahalaga ang
sasabihin
Paraan Tiyaking maayos, malinaw, at hindi
lubhang mahaba ang sasabihin.
Kaugnayan at Kaisahan
Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
2. PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG
PANURING
napahahaba ang pangungusap sa tulong ng
mga panuring na na at ng.
Halimbawa:
Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
3. PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG
KOMPLEMENTO
napahahaba ang pangungusap sa
pamamagitan ng komplemento o ang
bahagi ng panag-uri na nagbibigay ng
kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang
uri ng komplemento ng pandiwa ay
tagaganap, tagatanggap, ganapan,
dahilan o sanhi, layon, at kagamitan.
Uri ng Komplemento ng Pandiwa
a. Komplementong tagaganap – isinasaad ang gumagawa ng
kilos. Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
b. Komplementong tagatanggap – isinasaad kung sino ang
nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol na
para sa, para kay, para at kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah
c. Komplementong ganapan – isinasaad ang pinangyarihan ng
kilos. Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili
nito.
Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
d. Komplementong sanhi – isinasaad ang dahilan ng
pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng panandang dahil
sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle.
e. Komplementong layon – isinasaad ang bagay na
ipinahahayag ng pandiwa. Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
f. Komplementong kagamitan – isinasaad ang instrumentong
ginamit upang maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng
pariralang sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.
4. PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG
PAGTATAMBAL
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa palengke
ang kaniyang nanay.