Professional Documents
Culture Documents
Aralin 3.3 Slide
Aralin 3.3 Slide
Aralin 3.3 Slide
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Tanjay City Division
FILIPINO 10
Ikatlong Markahan
Aralin 3.3
Talumpati mula sa South Africa
Aralin 3.3
A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
balita pananaw
SANAYSAY
Alam mo ba na…
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng
mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong
talakayin. Ang mga mahalagang kaisipan sa sanaysay ay
tumutukoy ng mga mahahalagang impormasyong
ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang
impormasyong ito ay maaaring isulat ng pabalangkas.
Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang pagalalarawan ng paksang isususlat.
Ito rin ay panukalang buod ng komposisyon. Ang
talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang
sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong
tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-
kuro, saloobin at damdamin nakapupulutan ng aral at
aliw ng mambabasa.
Dalawang uri ng Sanaysay
PORMAL NA SANAYSAY
DI-PORMAL NA
SANAYSAY
Pormal na Sanaysay
Nagbibigay ng impormasyon
Nagbibigay ng mahalagang kaispan o
kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasa-ayos sa
paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang mga pananalita
Ang tono ay mapitagan.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin
ng may-akda.
Di-Pormal na Sanaysay
Nagsisilbing aliwan/libangan.
Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
pang-araw-araw at personal.
Ang himig ng pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang.
Pakikipagkaibigan ang tono.
Subhektibo sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng may akda.
Nelson Mandela
Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
Ako ay Ikaw
Ni Hans Roemar T. Salum
silid-aklatan tinapay
Pangkatang Gawain
Sa sanaysay na binasa, isulat ng
pabalangkas ang mga mahalagang
impormasyon na nais nitong
iparating sa mambabasa. Isulat ang
sagot sa manila paper.
Anyo ng Balangkas
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng
paksa o pangungusap. Sa anyong salita o
parirala, hindi ginagamitan ng
bantas. Madaling mailahad ang maikling
kabuluhan ng isang tatalakayin at mabilis
pa itong isulat kaysa pabalangkas na
Pangungusap.
Ang pabalangkas na
pangungusap ay gumagamit ng
boung pangungusap sa lahat ng
entrada at nilalapatan ng wastong
bantas. Kung sisismulan ng
patanong ang balangkas, dapat ay
patanong din ang iba pang bahagi
nito.
Halimbawa ng Balangkas
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
b. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. kalayaan sa paninirahan
B. Karapatang itinakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana
Pagsanib ng Gramatika at
Retorika
Alam mo ba .na..
Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang
diskursong ang paggamit ng angkop na mga tuwiran at di
tuwirang pagpapahayag. Mahalaga ang mga ito sa
pagpuna ng mga ipormasyong nais bigyang linaw.
Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati
dahilsa mga tuwiran at di-tuwiag pagpapahayag.
Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o
opinyon.
May mga pang-ugnay na nagpapatibay o
nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat.
Kabilang dito ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay
at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang
lugar sa Pilipinas na dapat munang
pasyalan bago ang ibang bansa
Inihanda ni:
KRISTHELE V. CHAN
Ag-agrao National High Hchool