Ang Mga Paraan NG Pagtugon NG Mga Pilipino Sa Kolonyalismong Espanyol

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Ang mga Paraan ng Pagtugon ng

mga Pilipino sa Kolonyalismong


Espanyol
Pag-aalsa at Pagtanggap sa
kapangyarihang Kolonyal
Gawain 1: SAGUTIN MO, ALAM MO
Panuto: Basahin ang mga katanungan o sitwasyon.
Piliin ang titik ng tamaang sagot.

1. Ano kaya ang maramdaman mo kung ikaw ay


inalisan ng karapatan katulad ng mga katutubo?
A. Iiyak lang at aalis sa lugar
B. Magagalit at magrerebelde.
C. Ngingiti-ngiti lamang at tatango-tango
D. Magsasaya lamang at magsasawalang kibo.
2. Dumating ang mga Kastila sa bansa. Sinimulan ni
Legazpi na bigyan ng karapatan ang mga katutubo at
sinimulang pamunuan ang lugar nang maayosayos.
Ano ang naging reaksiyon ng mga katutubo dito?
A. Nakipagkooperasyon ang mga katutubo sa mga ito
B. Nagkaroon ng pag-aalsa laban sa mga
mananakop.
C. Nagsawalang-kibo ang mga katutubo ngunit
walang kooperasyon.
D. Tinanggap nila ang mga kastila ngunit may lihim
silang plano ng pag-aalsa.
3. Ano kaya ang maaring nangyari kung hindi inalis ni
Gobernador Heneral Lavezares ang karapatan ng
mga katutubo?
A. May pag-aalsa pa ring naganap.
B. Maaaring hindi nag-alsa sina Lakan Dula at
Sulayman.
C. Posibleng napaslang ang ilang mga kautusang
Kastila noon.
D. Magkakaroon pa rin ng matinding rebelyon laban
sa mga Kastila
4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang
Mindanao?
A. Malayo ang lugar na ito.
B. Hindi nila inabot ang lugar na ito.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol papunta rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa mga Muslim.
5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga Pilipino
noong Panahon ng Kolonyalismo, ano ang gagawin
mo kapag pinagmalupitan ka ng mga Kastila?
A. Ipagtatanggol ang aking karapatan.
B. Ako ay magpapaapi at magpaalila.
C. Ako ay magsasawalang kibo na lamang.
D. Tatanggapin ko na lamang ang aking kapalaran
A. Mga Pag-aalsa Laban sa Kolonyalismo
Naging malupit at mahigpit ang mga gobernador-
heneral at mga paring namamalakad sa pamahalaan
at simbahan sa pagpapatupad ng kolonyalismong
Espanyol at humantong ito sa tahasang pagtutol ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng pakikipaglaban o
pag-aalsa na nahati sa tatlong kadahilanan
- political, panrelihyon at ekonomiko.

Ating alamin ang ilan sa mga ito.


Suriin ang mga larawan at basahin ang tekstong
naglalarawan sa mga ito.Pagkatapos basahin, sagutin
ang mga tanong sa ibaba.
Mga Pag-aalsang Politikal
Ang Unang Pag-aalsa: Lakan Dula at Sulayman (1574
Nagkaroon ng unang pag-aalsa ng mga Pilipino.
Tinawag itong Lakan-Dula at Sulayman noong 1574.
Bagamat naging maganda man ang pamamalakad ni
Legazpi, ngunit nang mamatay ito at pumalit ang
Gobernador Heneral na si Guido de Lavezares ay hindi
na ito naibigan ng mga katutubo dahil sa biglaang pag-
alis nito sa ipinakaloob na karapatan ni Legaspi sa mga
katutubo. Dahil dito, nagkaroon na ng matinding pag-
aalsa sa Tondo noong 1574 na sinimulan nina Lakan
Dula at Sulayman. Natigil lamang ito nang muling
maibalik ang kanilang mga karapatan.
Mga tanong:
1. Bakit nagkaroon ng unang pag-aalsa ng mga
Pilipino noong 1574?
2. Ano ang naging dahilan kung bakit natigil ang
unang pag-aalsang ito?
Ang Pag-aalsa ni Magat Salamat (1587-1588)

Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak


ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng
kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na
samahan upang ipaglaban muli ang kalayaan ng mga
katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang
mga kasapi mula sa iba-ibang panig ng Gitnang
Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo.
Nakipagsabwatan din sina Juan Gayo at Dionisio
Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa
Sa kasamaang palad ay natuklasan ng mga Kastila
ang lihim na kilusan kaya hindi sila nagtagumpay. Sila
ay dinakip at
binitay.

3. Bakit ipinagpatuloy ni Magat Salamat ang pag-


aalsa laban sa mga Kastila?
4. Paano natigil ang pag-aalsang ito ni Magat
Salamat?
Sa kasamaang palad ay natuklasan ng mga Kastila
ang lihim na kilusan kaya hindi sila nagtagumpay. Sila
ay dinakip at
binitay.

3. Bakit ipinagpatuloy ni Magat Salamat ang pag-


aalsa laban sa mga Kastila?
4. Paano natigil ang pag-aalsang ito ni Magat
Salamat?
Mga Pag-aalsang Panrelehiyon
Suriin ang mga larawan. Basahin at unawahing
mabuti ang nasa ibabaat sagutin ang mga tanong
Ang Rebelyon ng Gaddang (1621)

Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol,


pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Tayag
ang paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan
Valley. Pinakiusapan sila ng Dominikanong Paring si
Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil
sa mahusay sa pagsasalita ang pari, nakinig sila at
sumuko.
Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot (1621-1622)

Naganap naman ang rebelyong panrelihiyon dahil


sa nais talikdan o talikuran ng mga Pilipino ang
Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa dating
pananampalataya nila sa mga Diyos ng kanilang mga
ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay sinimulan ni
Tamblot at sa Leyte naman ay si Bancao. Ngunit dahil
sa pagpapadala ng mga sundalong Espanyol sa mga
lugar ay natigil ang rebelyon.
1. Ano ang ginamit na sandata ni Paring Espanyol na
si Pedro de Santo Tomas
upang matigil ang Rebelyon ng Gaddang?
2. Ano naman ang dahilan kung bakit nag-alsa sina
Tamblot at Bancao?
Ang Pag-aalsa ni Tapar (1663)

Isang babaylan si Tapar. itinatag niya sa Oton,


Panay ang isang bagong relihiyon na parang
binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663.
Tinutulan ng paring Espanyol ang kilusang
panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan
at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama pa ng iba pa
niya mga kaibigan. Itinali ang labi sa poste upang
makita ng taong-bayanupang hindi pamarisan.
3. Ano ang dahilan ng mga Espanyol kung bakit itinali
nila ang mga labi nila Tapar at mga kaibigan nito sa
poste?
Mga Pag-aalsang Pang-ekonomiko
Unawahin pa ang mga talata at larawan ng
kasaysayan sa ibaba hinggil sapag-aalsa ng mga
Pilipno. Basahing mabuti ang mga ito.
Ang Rebelyon ni Sumuroy (1649-1650)

Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala


ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang
magtrabaho sa gawaan ng mga barko. Ito ay labag sa utos ng
hari ng Espanya na hindi dapat ilayo ang mga manggagawa sa
kanilang lalawigan upang hindi mawalay sa kanilang mga
pamilya.Sa pamumuno ni Juan Sumuroy ng Samar, nahikayat
ang mga tao upang labanan ang mga Espanyol. Kumalat sa
ibang bayan ng Samar, Cebu, Hilagang Mindanao at
Zamboanga ang laban sa mga kastila. Isang Pilipino ang
nabayaran ng mga Espanyol upang magtaksil at ituro kung saan
siya naroon. Nadakip si Samuroy at namatay.
Ang Rebelyon ni Maniago ( 1650-1661)

Pinamunuan naman ni Francisco Maniago ang Rebelyon ng


mga Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil
sa nais nilang maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang
pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog para mapigilan
ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila upang
magutom ang mga Espanyol. Nahikayat niya ang mga taga-
Pangasinan at Ilocos na sumama sa kanya. Nagkaroon ng
negosasyon ang Gobernador Heneral at si Maniago. Si Maniago
at ang mga kasama nito ay pinangakuan ng mga Espanyol na
bibigyan sila ng malaking halaga. Hinayaan din silang gumawa
sa kanilang mga bukid kaya natigil ang pag-aalsa.
Ang Rebelyon ni Malong (1660-1661)

Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na


mag-alsa laban sa kalupitan ng mga Espanyol. Nag-alsa ang
mga mamamayan ng Linggayen, Pangasinan noong Disyembre
15, 1660. Lumaganap ang pag-aalsa at nakisama rinang mga
taga-ibang bayan sa kanila. Pinatay ng mga Pilipino ang
Gobernador at ibang malalapit na Espanyol. Nagpadala si
Malong ng mga mensahero sa iba-ibang lalawigan para
hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila.Nanghina ang
kanilang hukbo at nasukol sila ng mag Kastila sa bayan ng
Binatongan (Lungsod ng San Carlos). Nabihag si Malong at
ipinapatay.
Mga Tanong:

1. Paano tinanggap ni Maniago ang pamamalakad ng


mga Espanyol at itinigil niya ang kanyang Rebelyon?

2. Bakit hinarang ang mga ilog noong Rebelyon ni


Maniago?

3. Ano naman ang dahilan ng pag-aalsa ni Sumuroy?

4. Paano nabuwag ang Rebelyon ni Malong?


Tingnan ang iba pang mga larawan sa ibaba at
basahin ang ilan pang mga pakikidigma at rebelyon ng
mga katutubong Pilipino sa mga Kastila noong
panahon.ng kolonyalismo
Ang Pakikidigma ng mga Muslim

Mula sa pagdating ng mga Kastila hanggang sa


kanilang pag-alis, naging malaking hamon sa kanila
ang mga Muslim sa Mindanao. Maraming matapang
na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol
upang hindi sila masakop ng mga ito. Gumawa sila ng
sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga
kastila.
Ang Pakikidigma ng mga Muslim

May mga ipinadalang mga ekspedisyon ang


pamahalaang kolonyal sa Mindanao upang sakupin ito
ngunit buong tapang na nanlaban ang mga Muslim.
Bagama’t sila ay natalo, hindi sila nagpasailalim sa
mga Espanyol. Nagpatayo ang mga Espanyol ng
pamayanan at Kuta sa Zamboanga, ngunit hindi sila
nagtagumpay na lupigin ang mga Muslim at sakupin
ang buong Mindanao sapagkat nagkaisa at hindi
sumuko ang mga Muslim.
Tanong:
1. Bakit kaya hindi tuluyang nasakop ng mga
Espanyol ang Mindanao?
Pagtanggap o Kooperasyon sa Kapangyarihang
Kolonyal

Ang Paglagda ng Kasunduan ng mga Muslim (1851)

Napilitang lumagda sa kasunduan ang mga Muslim sa


panggigipit ni Gobernador-Heneral Juan Antonio de Urbiztondo.
Ayon sa kasunduan, maibabalik lamang sa mga sultan ang
kanilang kabisera kung kikilalanin nila ang kapangyarihan ng
pamahalaang Espanyol o ang pamahalaang Kolonyalismo sa
sultanato sa Sulu at mga katabing terigoryo nito
Ang Paglagda ng Kasunduan ng mga Muslim (1851)

Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng magkaibang


interpretasyon sa kasunduang ito, Una, para sa mga Espanyol,
ito ay hudyat ng pagpapasakop ng mga Muslim at pangalawang
interpretasyon, para sa mga Muslim, ito ay hudyat ng
pagkakaibigan at pantay na estado at mga Muslim.
Bagamat nangyari ang paglagda ng kasunduang ito, batid ng
mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi ang mga
Muslim at kailanma’y hindi nila napasuko ang mga ito.
1. Bakit napilitang nakipagkasundo ang mga Muslim
sa mga Espanyol?
Tama

Mali

Tama

Mali

Tama
B

B
B

C
B

You might also like