Sc-Fil 2 Group 2 Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

ARALIN 1.

ANG
PAGPAPLANO
SA PAGTUTURO
Prepared by:
Janessen May Castulo, Rhea Escubin
Kimberly Pagayon, Cristine Palaganas
LAYUNIN

Maunawaan ang mga bagay


patungkol sa pagpaplano sa
pagtuturo

Naiisa-isa at natatalakay ang


mga pagpaplano sa pagtuturo

Nagagamit ang epektibong


estilo sa pagtuturo ng panitikan
Ang Pagpaplano sa Pagtuturo

Ang pagpaplano o paghahanda sa


pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at
estilo ng isang guro.

Tumutukoy sa mga gawain na


nagbibigay direksyon sa pagbubuo ng
ugnayan ng mga gawain pang mag-aaral
at gawain ng guro.
Mga Isinasaalang-alang sa Pagtuturo

Ang layunin ng liksyon

Ang paraan at pakakasunud-sunod ng


mga teknik o istratehiya

Pag-alam sa kasaklawan sa pagtatamo o


hindi pagtatamo ng mga lilinangin layunin.
Mga pananaliksik at batayang
teoritikal sa pagpaplano

Earle (1992) - bumubuo ang maraming guro


ng mga imahin o senaryo sa proseso ng kanilang
kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay
nasa isipan ng guro. Lumilikha sila ng
paglalarawan sa kanilang isip o diwa kung ano
ang maaaring anyo ng leksyon at paano ito
epektibong mailalahad sa klase. Samakatuwid,
higit na nagaganap ang pagpaplanong
pampagtuturo sa isipan kaysa sa papel para sa
maraming guro.
Mga pananaliksik at batayang
teoritikal sa pagpaplano

Westerman (1991) - mas komprehensibo ang


pananaw ng mga bihasang guro sa mga mag-
aaral at sa mga kaalamang itinuturo. Ang mga
baguhan nama'y nakatutok sa pagtatamo ng
layunin sa halip na isaalang-alang ang dating
alam na mga mag-aaral at iuugnay ang mga ito
sa bagong kaalaman.
Mga pananaliksik at batayang
teoritikal sa pagpaplano

Tyson (1991) - nagagawa ng mga sanay na


guro na mapagtagni-tagni ang mahahalaga at
mahihirap na bahagi ng isang paksang-aralin
kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin. Tinitiyak
din ng mga sanay na guro kung nauunawaan ng
mga mag-aaral ang mga kasanayang nilinang sa
halip na ipalagay na lamang na natutunan ang
mga ito gaya nang isipan ng maraming bago pa
lamang nagtuturo.
Mga pananaliksik at batayang
teoritikal sa pagpaplano

Cooper (1992) - ang epektibong guro ay iyong


nagagawang maihatid sa mga mag-aaral ang
mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa
mga pananaliksik na inilahad ng mga desisyong
binubuo sa pagtiyak ng maaaring maganap sa
pagkaklase, mahirap isipin na magagawa ng
isang epektibong guro ang magharap sa klase
nang walang malinaw na pagpaplano at desisyon
hinggil sa mga layunin, metodo, estratehiya at
ebalwasyon sa isasagawang pagtuturo.
Ang aralin, liksyon at pagplano sa
mga aralin

ANO ANG ARALIN/LIKSYON?


Ito ay isang yugto ng pagkatuto kung saan ang
mga gawain ay mahusay na pinag-aayaw-ayaw sa
paglinang ng isang tiyak na layunin.
Binubuo ng iba't ibang yugto-may simula, gitna at
katapusan

Pagpaplano sa mga Aralin


Ang pagtuklas kung paano ang mabisang
pagpaplano ng isang aralin ay isang habambuhay
na proseso. Ito ay isang sining na masasabing ang
kadalubhasaan ay natatamo lamang pagkatapos
ng maraming taong pagsasanay.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin

Banghay- Aralin

Ito ay maaaring tanawin bilang isang iskrip na


sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang topiko para
sa isang tiyak na oras o panahon. Ito ay isang
balangkas ng mga layunin, paksang aralain,
kagamitan at mga hakbang ng sunod-sunod na
isinasagawang pagsasakatuparan ng layunin at
ikatatamo ng mga inaasahang bunga at ito ay may
ibat- ibang bahagi.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin

1. Ang mga panlahat na layunin at tiyak na


layunin na inaasahang natatamo. Alamin kung ano
ang panlahat na layuning itinakda para sa aralin.
2. Katangian ng mga mag-aaral. Isaalang-alang
ang higit na naiibang istilo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral.
3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral. Kailangan
ang tiyakang pag-iisip at pagbabalak upang
mabisang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang
dating kaalaman.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin

4. Mga gawain sa pagkatuto. Mag-isip ng


mga tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral.
5. Mga kagamitang panturo. Pagkatapos
matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman
ng guro ang mga angkop na kagamitan
(awdo- biswal) para sa bawat gawain at kung
paano ito lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin
6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga Gawain.
Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamitin ay isinasagawa sa
dalawang yugto ng pagpaplano ng aralin.:

a. Bago piliin ang mga gawain sa yugtong ito'y


Isinasaalang-alang ang sumusunod:

> Magagawa ba ng mga gawain na bigyan ng


pagkakataon ang mga mag-aaral na mapagsanayan ang uri
ng wikang dapat nilang malaman? Ano ang dapat bigyang-
diin sa pagtuituro ng wika bago isagawa ang gawain?

> Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?


Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin
6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga Gawain.
Ang pagtiyak sa uri ng wikang gagamitin ay isinasagawa sa
dalawang yugto ng pagpaplano ng aralin.:

b. Kapag napili at naisasaayos na ang mga kagamitan para


sa mga itinakdang gawain

> Kung mayroon,makakasagabal ba ito pagkatuto? sa


Kung oo,paano mo ito lulutasin? >Makakabuti ba kung
itinuro muna ito sa mga mag aaral? Kung hindi,kailangan
bang gumawa ng modipikasyon sa mga gawain?At iba pa.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin

7. Oras o takdang panahon. Kung kailan


isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaring
makaapekto ito sa kalidad ng atensyong inaasahan
mo sa iyong mag-aaral. Kung gaanong oras/panahon
ang gugugulin ay kailangan pag- isipan din sa
pagbabanghay ng aralin.

. 8. Partisipasyong guro-mag-aaral. Kailangang


pag-isipan ding mabuti ng guro ang yugto ng
pagpaplano ng aralin ang haba o tagal ng
partisipasyon ng guro at mag-aaral.
Mga salik na isinasaalang-alang sa
pagbabanghay-aralin

9. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras para sa


mga Gawain. Upang maisagawa ito ng
maayos,kailangang tiyakin ng guro na ang itinakdang
oras para sa isang Gawain ay naayon sa layuning
nililinang para sa gawain.

10. Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga


Gawain. Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin
ay maayos sa kung ano ang itututro, ang sariling
pananaw ng guro sa wika at kung paano ito natutuhan at
ang paraang kanyang pinananaligan
MGA
KATEGORYA NG
ESTILO NG ISANG
EPEKTIBONG
GURO
SOCRATES TYPE

Ito ay isang uri ng pagtuturo kung saan


ang guro ay ang nagtatanong sa estudyanti
sa halip na mag-lektyur. Sa ganitong
paraan ang pagtatanong ay nagiging isang
uri ng gabay na matumbok ng mag-aaral
ang kasagutan sa pamamagitan ng sarili
THE TOWN-MEETING
MANAGER TYPE

Ito ay isang buong pagtitipon ng paaralan na


nagpapaunlad ng pamayanan at nagbibigay ng
isang forum upang ipagdiwang ang
isinasagawang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ito rin ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng


pagkakataong ipakita ang pag-unlad ng
kanilang pag-aaral sa mas malaking
pamayanan sa malikhain, kawili-wili at
masining na paraan.
THE TOWN-MEETING
MANAGER TYPE
HALIMBAWA
Mamili ng mga babasahin na may 4 hanggang 6 na
paksa Igrupo ang buong klase at hayaan nilang basahin
ang babasahin o seleksyon. Town Hall Discussion Part 1:
Pagbubuod Gawing pabilog ang ayos ng upuan sa bawat
grupo at hayaan nilang ibuod ang babasahin. Bigyang
pansin din ang opinion ng ibang miyembro. Town Hall
Discussion Part 2: Komento at Tanong Matapos ibuod ang
mga babasahin, hayaang magbigay ng opinyon ang ilang
miyembro. Gayundin ang mga miyembro mula sa labas
ng bilog upang makadagdag sa kanilang Debrief.
THE MASTER-APPRENTICE TYPE

Pagtuturo sa mga kabataan sa


isang komunidad upang maging
maalam sa kasaysayan at
pinagmulan ng kanilang
komunidad. Ginagawa ang
programang ito kapag bakasyon.
THE GENERAL TYPE
• Direct Instruction – Teacher Centered (Guro lamang
ang nagsasalita at nagpapaliwanag.
• Discussion – Ang guro ay magtatanong at ang mga
estudyante ang sasagot (may interaksyon).
• Group work - May pagtutulungan sa bawat
estudyante at ang guro ay tagamasidlamang.
• Cooperative Learning – (paraan ng pagtuturo na
may komunikasyon sa bawat estudyante sa
pamamagitan ng pagbibigay pagkakataon na
magbigay ng halimbawa sa bawat estudyante).
• Problem-Solving – Kapag nagtanong ang guro ay
kayang sagutin o solusyunan ng estudyante ang
tanong ng isang guro.
THE BUSINESS-EXECUTIVE TYPE

Sa ganitong estilo ang guro ang


gumaganap ng pangunahing papel sa
pagpaplano, pag-aayos ng mga pamamaraan
at mapagkukunan, pag-aayos ng kapaligiran
upang mas mapalago ang kahusayan,
pagsubaybay sa pag-usad ng mga mag-aaral,
inaasahan ang mga positibong problema.
THE BUSINESS-EXECUTIVE TYPE

Tungkulin ng Guro bilang Business


Executive

1. Lumikha ng isang kultura ng


Pangangalaga
2. Magtatag ng mga panuntunan

3. Pinapanatili ang pananagutan

4. Pinapamahalaan ang mga problema


THE TOUR GUIDE TYPE

Ito ay tumutukoy sa isang tao na nagbibigay


gabay at kaalaman sa isang espesipikong
paglalakbay.
 
Guro bilang isang Tour Guide Type
1. Naibibigay ng tiyak at malinaw ang layunin.
2. Malawak ang kabatiran sa paksa o asignatora.
3. Nalilinang ang tatlong E's ng Pagkatuto.
EXPLORE
EXPOSURE
EXPERIENCE
THE COMPULSIVE TYPE

Ito ay "teacher centered" na tumutukoy


sa mga katangian ng isang matagumpay at
epektibong guro. Na ang ibig sabihin sa
tagalog ay "Mapilit, mangangailangan at
kailangin. Kung saan ang guro ay may mga
katangian na dapat itinatangi ng mag-aaral
na dapat tularan at mamayani sa loob ng
klase at pag-uugali ng mag-aaral.C
MGA KATANGIAN NG MABUTING
PAMAMARAAN SA PAGTUTURO

1. Walang Itinatangi
2. May positibong ugali
3. May kahandaan
4. Mapagpatawad
5. Marunong tumanggap ng Kamalian
6. May Respeto
7. May haplos personal
8. May mataas na Ekspektasyon
9. Masayahin
10. Malikhain
11. Mapagmahal
12. Ipinadaramang kabilang ang mga mag-aaral

You might also like