Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

ANG KODIGO NI KALANTIAW AY ISANG

KODIGONG LEGAL SA EPIKONG KASAYSAYAN


SA MARAGTAS NA SINASABING SINULAT
NOONG 1433 NI DATU KALANTIAW, ISANG
PINUNO SA PULO NG NEGROS SA PILIPINAS.
ARTIKULO I

Huwag papatay, huwag magnanakaw, huwag sasaktan ang mga matanda, hindi
malayo ang kamatayan. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay papatayin sa
pamamagitan ng paglunod sa ilog o kaya’y sa kumukulong tubig.
ARTIKULO II

Bayaran ang mga pagkakautang sa mga nakatataas sa oras. Ang sinumang hindi
sumunod sa unang pagkakataon ay makatatanggap ng isandaang hampas. Kung ang
pagkakautang ay malaki, siya ay parurusahan sa pamamagitan ng paglagay ng kamay
sa kumukulong tubig ng tatlong ulit.
ARTIKULO III

Huwag hahayaang magkaroon ng asawang napakabata o kaya ay hindi mo


mabubuhay; o kaya ay bigyan mo ng sobrang kahalayan. Sinumang hindi gumawa,
sumunod at tumingin sa kautusang ito ay palalanguyin nang tatlong oras sa unang
pagkakamali at pangalawa ay hahampasin ng tinik hanggang mamatay; ang pangatlo
ay gayon din.
ARTIKULO IV

Huwag mag-ingay sa libingan. Kung dumaraan sa kuweba at mga puno kung saan
naroroon ang mga diwata, magbibigay-galang. Sinumang sumuway sa kautusang ito
ay papatayin ng mga kagat ng langgam o kaya’y hahampasin ng mga tinik hanggang
mamatay.
ARTIKULO V

Sinumang makipagpalit ng pagkain, bayaan siya ayon sa kanyang salita. Sinumang


sumuway ay parurusahan ng isang oras at kung ito’y umulit, siya ay ipakakagat sa
langgam nang isang araw.
ARTIKULO VI

Bigyang-galang ang mga puno at mga iba pa. Sinumang sumuway ay magbabayad ng
isang buwang trabaho.
ARTIKULO VII

Papatayin ang sinumang magpatay ng puno na may magandang tubo; sinumang


magpana tuwing gabi sa matandang lalaki o babae; pumasok sa tahanan ng mga
nakatataas ng walang pahintulot; at pumatay ng pating.
ARTIKULO VIII

Pagiging alipin sa kaunting panahon ang kaparusahan sa sinumang umagaw sa asawa


ng mga nakatataas; sinumang magsunog ng kabukiran ng iba.
ARTIKULO IX

Lahat ay parurusahan ng ng dalawang araw ang sinumang kumanta habang


naglalakbay sa gabi; pumatay ng ibang Manaul; punitin ang mga dokumento ng mga
nakatataas, mga hindi nagsasabi ng totoo; o kaya’y pagtawanan ang patay.
ARTIKULO X

Dapat maging obligasyon na turuan ng ina ang anak na babae ng lahat tungkol sa
kabuhayan; ihanda sa pagdadalaga; huwag bayaang maging masama ang lalaki sa
anak na babae o kaya ay parusahan ito kung mahuling pumatay. Sinumang sumuway
sa kautusang ito ay dudurugin ang katawan o kaya ay itatapon sa kuweba.
ARTIKULO XI

Susunugin ang sinumang gumamit ng lakas upang makatakas sa kaparusahan;


sinumang pumatay ng batang lalaki; o kaya’y umagaw ng asawa ng taong-bundok.
ARTIKULO XII

Lulunurin ang sinumang humadlang sa mga nakatataas o sa kanyang pinagsisilbihan;


sinumang umabuso sa kahalayan; sinumang magnakaw sa nakatataas gaano mang
kaliit ang nakuha.
ARTIKULO XIII

Sila ay gagawing alila habambuhay. Sinumang may magandang anak na ipagkaila sa


mga nakatataas at itago sa mga ito.
ARTIKULO XIV

Parurusahn ang sinumang kumain ng sirang karne ng hayop na binibigyang-galang;


sinumang pumatay o manakit sa maliit na manaul o ng puting unggoy.
ARTIKULO XV

Puputulin ang mga daliri ng sinumang sumira ng mga templo; sinumang sumirang
mga gamit sa pagpatay sa baboy; o sinumang sumira ng inuman ng baboy.
ARTIKULO XVI

Papatayin ang sinumang hindi magbigay-galang kung saan naroroon ang mga diwata
at libingan ng mga nakatataas. Sinumang sumuway ay susunugin.
ARTIKULO XVII

Sinumang kumilos o di sumunod sa mga kautusang ito: kung sila ay mga nakatataas,
sila ay papatayin; kung sila ay mga taong-bundok, sila ay itatapon sa karagatan upang
kainin ng mga pating.
KASABIHAN
AY PAHAYAG NA NAGBIBIGAY NG PAYO O
NAGSASAAD NG KATOTOHANAN KUNG SAAN ANG
MGA SALITANG GINAGAMIT AY PAYAK AT MADALING
MAINTINDIHAN.
1. Sa taong may hiya ang salita ay
panunumpa.

- EMILIO JACINTO
2. “Bigyan ninyo kami ng mga paaralan.
Ang kamangmangan ay ugat ng sari-
saring kasamaan.

- MARCELO H. DEL PILAR


3. “Bigyan ng kanilang karapatang laya,
ang mga manggagawa.”

- MANUEL L. QUEZON
4. Hindi lahat ay nagkakaroon ng
pagkakataong mamatay alang-alang sa
kanilang bayan.

- JOSE ABAD SANTOS


KASABIHAN SA BAWAT
REHIYON
ANG BAWAT REHIYON AY MAY NATATANGING
KASABIHAN SA BUHAY NA NAGSISILBING PAALALA SA
BAWAT KULTURA. ITO’Y KARANIWANG GINAGAMIT SA
PAGPUNA O PANUNUKSO SA KILOS NG ISANG TAO.
 O ang kapalaran ko’y di ko man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin. (Tagalog)
 O apapac lu lagsak ti isun chic, bianga tagun mabtac. (Kalinga)
 Siao, sio, bilit, awanka idi panagitukit, Addaka itan panagapit. ( Pangasinan)
 “Ing malaram kapatad ne ning mapanako” (Pampango)
 “Mamung hi ambung kan batak parahal Sali Sali da buslot.” (Tausug)
 “Gamda kaw tumambul sabah ayaw tumambut simud.” (Moro)
 “Ayaw pagtabok con di pa umabot.” (Samar)
SALAWIKAIN
AY ISANG PATALINHAGANG PAHAYAG NA BUKANG BIBIG NG MGA
MATATANDA NOONG UNANG PANAHON PARA MAGING GABAY AT BATAS
SA MGA KABATAAN SA MABUTI AT MAGANDANG ASAL. ITO’Y PATULA
RING BINIBIGKAS NA MAY SUKAT AT RITMO. ITO’Y BATAS NG MGA
MAGANDANG KAUGALIAN AT PAGKILOS NG ATING NINUNO NOONG
UNANG PANAHON.
Halimbawa:

 Ang ginto mo man ay isang kaban; ang pilak mo ay isang tapayan; kung wala ka
namang kaibigan, wala ka ring kabuluhan.
 Ang anak kayang tiisin ang magulang, ngunit ang magulang ay hindi kayang tiisin
ang anak.
 Ang taong sinungaling ay dapat matandai; nilubid niyang daing, siya ay
mahahalata rin.

You might also like