Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

TEKSTONG

NARATIBO:
MAHUSAY NA
PAGKUKUWENTO
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
DALOY NG TALAKAYAN

• Kahulugan at katangian ng tekstong naratiba.


• Mga elemento ng tekstong naratibo
• Ang creative non-fiction
LAYUNIN NG TALAKAYAN

• Maunawaan ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo


• Maisa-isa ang mga elemento ng tekstong naratibo.
• Makilala ang creative non-fiction
TEKSTONG NARATIBO

• Ang tekstong naratibo ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga


pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o isang taguan nang may maayos na pagkakasunod
sunod mula sa simula hanggang katapusan.
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG TEKSTONG
NARATIBO
• Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
• Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa
tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
• Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya
lamang.
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG TEKSTONG
NARATIBO
• Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon(nobela,maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir,
biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay).
• Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag
ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at
simbolo upang maging malikhain ang katha.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO

• Paksa- pumili ng paksang mahalaga at


makabuluhan.
ESTRUKTURA

• Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura


ng kuwento.
ORYENTASYON

• Nakapaloob dito ang Kaligiran ng mga tauhan,


lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento
PAMAMARAAN NG NARASYON

• Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng


kabuuang senaryo sa unang bahagi upang maipakita
ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis ang
daloy.
KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN

• Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang


pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang bahagi
ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga
tauhan.
RESOLUSYON

• Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o


tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o
hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.
ANG CREATIVE NON-FICTION

• Ang creative non-fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o


narrative nonfiction.
• Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulatna gumagamit ng istilo
at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at tumpak
na salaysay o narasyon.
• Iba ito sa peryodismo o teknikal na pagsulat dahil kahit naghahayag ito
ng katotohanan, mahalaga pa rin ang poetika at literariness ng akda.
ANG CREATIVE NON-FICTION
• Ayon kay Barbara Lounsberry sa “ The Art of Fact”, ang apat na katangian
ng CNF ay:
1. Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
2. Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng
narasyon;
3. Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon ng
karanasan; at
4. Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit sa
wika.

You might also like