Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

REHIYON 12

-Binubuo ng mga lalawigang Cotabato, Saranggani, Timog


Cotabato at Sultan Kudarat

-Ang lalawigang Cotabato ay tinaguriang “Rice Bowl of


Mindanao” o “Kamalig ng Palay sa Mindanao”

- Sagana sa mga pananim


- Napagkukunan ng mga bungang halaman tulad ng
pinya, kape, niyog at palay.

- May mga lugar na nagtatanim ng goma, bulak, sorghum at


prutas.
•Baye-baye (Cotabato)
•Belmar's Buko Halo-Halo (Sarangani)
•Bibingkang kanin (Sultan Kudarat)
•Buko salvaro (Sarangani)
•Chicken ala Bukid (Sarangani)
•Coco piaya (Sultan Kudarat)
•Forest wine (South Cotabato)
•Fresh Tuna and other Tuna Products
(Sarangani)

Chicharon Tilapia
NILAGANG TILAPIA NILASING NA TILAPIA

BEEF SININA FRIED CATFISH


MARANG  PASTEL

GRILLED TUNA AND TUNA TACOS


CALDERETA RICE
TOPPED WITH CHEESE
HILAGANG COTABATO
(NORTH COTABATO)
- Lugar na lambak o mababang lupain sa pagitan ng mga bundok.
-May malawak at mayamang lupain ang Hilagang Cotabato na umaabot sa humigit
kumulang sa 6,565.9 kilometrong parisukat at binubuo ng 18 na munisipalidad.

KABISERA : Kidapawan

-Ayon sa sensus noong 1980, ito ay may kabuuang populasyon na 763,995. Itinuturing
kabukiran ang lalawigan sapagkat 84.646% na populasyon nito ay naninirahan sa kabukiran
samantalang 15.54% lamang ang naninirahan sa mga kabayanan.

-Ang ipinagmamalaking lugar ng lalawigang ito ay ang Rio Grande de Mindanao, Marbel
Falls at mga “Hot Springs”, Agco Blue Lake at Lake Venado.

-Ang pangalang Cotabato ay nakuha sa salitang Maguindanao na “Kutawato” na ang ibig


sabihin ay kutang bato o stone fort.

-Ang lalawigan ng Cotabato ay isa sa pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas.

-Tinawag itong “Melting Pot” dahil ang mga tao dito ay naninirahan sa ibat-ibang lugar.
Ang 71% ay sinasabing mula sa Luzon at Bisaya, ang 18% ay nabibilang sa kultong
pamayanang Manobo, T’boli at Maguindanao.

DAYALEKTO : Hiligaynon o Ilonggo, Cebuano, Maguindanao at Ilocano.


-Karamihan sa mga mamamayan ay Katoliko at Islam.

-Ang mga naninirahan sa Kidapawan na siyang kabisera ng Cotabato ay kultong


Manobo na tinatawag ding "Kulaman".

-Kilala rin sila sa kanilang tradisyunal pananamit – Pantalon na ang pang-itaas ay


dyaket na walang butones para sa mga lalaki at pulang blusa na may manggas na
itim at palda o pang-ibabang abaka. Ang mga maadornong disenyo ay para sa
mga Datu at may kaya sa buhay.

KINABUBUHAY : Pagsasaka,pangingisda,industriyang pantahanan tulad ng


paggawa ng basket,paghabi ng tela at paggawa ng paso. Mahilig din sila sa
pagkakaingin.

KLIMA : pinakamainit na panahon sa lugar na ito ay mula sa Marso hanggang


Hunyo samantala ang pinakamalamig ay ang buwan ng Disyembre at Enero.

- Ang Mosque at Taluksangay ng mga muslim ay tirahan ng alagad ni


Mohammed, ang dakilang diyos ng mga Muslim. Simbahan din ito ng mga
Muslim na kung saan ay nagdadasal at nag-aalay sila ng pera sa kanilang diyos.
SULTAN KUDARAT
-Ito ay pinangalanan mula kay Sultan Mohammed Dipatwan
Qudarat na siyang namuno sa lugar na ito mula 1635 hanggang
1671 A.D.

-Ang lalawigan ay may hangganang matatagpuan sa Maguindanao


at Hilagang Cotabato sa hilaga, ang gulpo ng Moro sa Kanluran, ang
Davao del Sur sa silangan at Timog Cotabato sa timog.

-Ang Sultan Kudarat ay sumasaklaw sa gawing hilaga ang kanlurang


bahagi ng orihinal na lalawigan ng Cotabato. Ang tatlong
munisipalidad ay – Kalamansig, Lebak at Palimbang ay nakahanay
sa “Mountain Ranges” na siyang naghihiwalay sa gitnang bahagi ng
lalawigan sa dagat.

-May matatagpuan ding pabrika ng vinyl at plywood, pabrika ng


Ramie at African Oil Palm sa lalawigang ito.

IKINABUBUHAY : Pangingisda, pag-aalaga ng mga baka at


pagtotroso.

- Binubuo ng 11 na munisipalidad.
KABISERA : Isulan

-Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Bisaya na


nagsasalita ng wikang Ilonggo at Cebuano bagama’t mayroon
na ring mga dayong Ilokano.

-Ayon sa ginawang sensus noong 1980, ang Sultan Kudarat ay


may populasyong 303,784: at 157,106 nito ay kababaihan at
146,678 ay kalalakihan.

-Tinatayang 79.07% ng kabuuang populasyon nito ay


naninirahan sa mga rural na pook samantalang 20.97% ang
nasa urbang pook.

- Kilala rin ang lalawigang ito sa paggawa ng Tuba, isang


inuming galing sa katas ng “Coconut Palm” na kapag tumagal
ay sumasarap at ginagawang inumin ng mga matatanda.
TIMOG COTABATO
(SOUTH COTABATO)
-May 11 na bayan at 1 lungsod

-Kinabibilangan ng Banga, Koronadal, Lake Sebu, Norala, Polomok, Sto.Nino,


Surallen, T’boli, Tambakan, Tantangan,Tupi at ang nag-iisang lungsod nito, ang
Gen.Santos (Dadiangas).

KAPITAL : Koronadal

-Sagana ang lalawigang ito sa mga prutas tulad ng pinya,manga,mansanas at


buko. Pangunahing produkto rin ang tabako at abaka.

- Mayaman sila sa produktong metal tulad ng ginto,pilak,tanso,yero at iba pa.


Pinagkukunan din ng kabuhayan ang pagbubuhangin,graba,bato,guano,asin
at apog.
SARANGANI
-Sakop ng lalawigang ito ang mga bayan ng
Gian,Kiamba,Maasin,Maitum,Malapatan at Malungon.

KAPITAL : Alabel

-Ang lalawigan ng Saranggani ay sumasaklaw sa gawing silangan ng Davao del


Sur, Malapantay sa gawing Hilaga, Karagatang Tsina sa kanluran at sa gawing
timog ay ang Lawa ng Saranggani.

-Binubuo ito ng malawak na kapatagan at mga lupaing bulubundukin.


Matatagpuan dito ang mga naggagandahang dalampasigan at mga pook
pangisdaan.

-Nakararami sa lugar na ito ang mga Cebuano at Tagalog.

WIKA : Cebuano, Ingles, Tagalog, Ilonggo, Ilokano at Maguindanao.

- Maganda ang klima sa lalawigang ito sa buong taon. Di sila naaapektuhan ng


bagyo. Maulan sa lalawigan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Agosto; Tag-init
mula Marso hanggang Mayo at taglamig mula Nobyembrre hanggang Enero.
-Nagdiriwang din sila ng mga kapistahan.

Katangi-tangi ang LUbi-Lubi Festival gayundin din ang


pista ni Sta.Catalina de Alexandria, ang kanilang patron.

-Sa panahon din ng mahal na araw, mayroon din silang


pabasa, prusisyon sa Sta.Entierro, Sugat sa pagkabanhaw
at ang tinatawag nilang Lenten Trek to Sumbang Point and
Cave. Sa buwan naman ng Mayo, nagdaraos din sila ng
Flores de Mayo at Santakrusan.
PISTA NI STA.CATALINA DE
LUBI-LUBI FESTIVAL ALEXANDRIA

FLORES DE MAYO
LITERATURA
NG REHIYON XII
-Dalawa ang uri ng panulaan sa panitikan ng mga Muslim –
pasalaysay at liriko.

Ang mga tulang pasalaysay ng mga Muslim ay kilala sa


tawag na "Darangan".

Ang Darangan ay may 25 salaysay na epiko na nauukol sa


isang dakilang bayani na si Bantugan.

Si Dr.Frank Lauback, isang iskolar na nagsalin ng isa sa


mga salaysayin sa Darangan.

Ang bawat salaysay sa Bantugan ay nagtataglay ng


katangian ng isang epiko – kasaysayan ng pag-ibig at
pakikipagsapalaran.
INDARAPATRA AT SULAYMAN

-Kasaysayan ito ni Indarapatra, emperador ng Imperyong Mantapuli


at itinuturing na pinakadakila sa mga Haring Kanluranin. Kilala si
Indarapatra bilang isang mabait, marunong at matapang na
Hari.Napaputok ni Indarapatra ang bulking Mud Matutum sa
pamamagitan ng kanyang sibat.

Hinagud! Dakilang Sibat


Yari sa tigas ng kahoy
May tulis ng pinagpalang bakal,
Tumaas ka ng lipad,malayo!
Tagpuin mo ng mahiya ang
Aking mga kaaway;
Tudlain mo ang mahiya
Ng aking mga kaaway.

Tumudla ka at tuumudla uli!


Tiyak at mabilis, walang awa.
Sa ngalang ni bathala
Ay nag-uutos ako,
Ako ang emperador sa Indarapatra.

- Isinatula din ni Bartolome del Valle ang Indarapatra


BIDASARI

-Epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang


paniniwala na ang buhay ay napapatagal kung ang kaluluwa
ay paiingatan sa isang isda,hayop,bato o punong kahoy.

-Ang orihinal na Bidasari ay nasusulat sa wikang Malay at ito


ay ipinalalagay na isa sa mga pinakamagandang tula sa
buong panitikang Malay.

-Isinalin ito sa Ingles Ni Chauncey Strekweather.

TULANG LIRIKO NG MGA MUSLIM (Mga Awiting Bayan)

-Ang mga Muslim ay may “panambitan” na tinatawag. Ito ay


inaawit upang ipakilala ang pagdadalamhati,pagtangis at
pagpapakilala ng pagluluksa kung sila ay namatayan.
Kilala ito ng mga Muslim sa tawag na Tabe Nona.
“Tabe Nona, tabe sayamao pigi;
Kalo saya mati Jangan susa hati.
Makan shere sato Jangan Buan Loda;
Kasi siom sato Jangan bilang suda.”

SALIN :
“Paalam,paalam, ibigay mo ang iyong kamay
Kailangan tayo’y magkalayo;
Kung ang kamatayan ay darating
Huwag mong ikalumbay!

Kung minsan kitang hagkan


Huwag mong sabihing “tama na”
Maging matapang ka, mahal, ngumanga ka,
At lununin mo ang kalungkutan.”
- Ang “Ida-Ida A Wata” ay mga awiting pambata na
may tiyak na kahalagahan sa panitikan ng mga
Maranao. Ito ay maikli lamang subalit magaganda at
kinakanta ng mga bata ng sabay-sabay. Ito ay
nagdudulot ng lubos na kasiyahan at sigla sa mga batang
umaawit nito.

Dayo,dayo capitan
Dayo somonta sa ig
Dayo di ako ron sung
Ana ikuluk akun
A bubaruka a nipat.

SALIN :
Kaibigan, kaibigan kapitan
Aking kalaro, papunta sa Ilog,
Kaibigan, ako’y hindi sasama
Dahil ako ay takot
Sa makulay na ahas at markadong buwaya.
KAPANGENDAS

-Awiting pambata sa panghuhuli ng ibon ng mga Maranao.


Inaawit ito ng mga bata habang nakasakay sa kalabaw.

BITAGIN ANG IBON


Dao’lan mahal,Dao’lan
Nasaan ka Dao’lan
Anong klaseng ibon ito?
Kapag nakahanda ang patibong
Nagtatago sa mga kawayan
Patayin mo ang bati (Saba) kung gusto mo
Gumagabi na at ang saba ay iiwan ka
Mag-isip! Noong panahon ng tatay mo
Ninakaw at sumunod ay nahulog.
Iniisip nito ay saba
Ngayon ikaw ay pangit na ibon, Alipin
Kapag nakauwi lahat ay nagtatanong
Sinong pumatay sa saba?
At sasabihin mo : “Hindi ako ang gumagawa
Dahil ibinigay ko ang oras ko sa kakakain
Ng ipis at paru-paro.”
Mas mabuting mamatay kaysa magkaroon
Ng dalawang pangalan.
-Ang mga Maranao naman ay Romantiko. Mahilig din sila magmahal ngunit sa
malihim na paraan. Sa kanila ang panliligaw ay hindi sinasabi ng hayagan. Ito ay
ginagawa sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga tula na kanilang kinakabisa.

-"Tubad-tubad" ang tawag nila sa kanilang maikling tula nag pag-ibig at


pagmamahal.

Lumilipad nang maigi, ang mabilis na munting ibon


Sumusuubok na makahabol sa lawin
Ngunit di siya makaabot
Dahil siya ay napakaliit.
Paghihirap, paghihirap ay sa akin
Nag aalala at iniisip ang mahal sa buhay
Hindi ko maipakita ang aking damdamin, ang aking pagmamahal
Dahil sa tuwing aking ipakikita
Hinihinto ng tubig.
Paano mo maaangkin ang loro
Kung nakakakulong? Hindi mo pa nga
Napapantayan ang hangin na sadyang mabilis
Bakit di ko dapat sabihin
Na ang lorong iyo ay sa akin
At kung labanan lamang
Di ko ba maaaring ikulong ito?
PANANAROON O MGA SALAWIKAIN

PANANAROON – ginagamit ng mga Maranao bilang gabay sa paghubog ng


kagandahang-asal ng mga kabataan. Ang kanilang mga pangaral ay
naipahahayag nila sa pamamagitan ng mga pananaroon.

WIKANG MARANAO :

a. Badum mala sa dalog


A pakulilid sa lapad
Na da-akapadal iyan.
b. Maya kapun sa ilag.
c. Ogopingka a ginawangka
Ka inogopangka o Allahotaanan

SA WIKANG FILIPINO :

a. Malaki ang kamote


Na gumugulong sa pinggan
Ngunit tiyak walang lasa.
b. Mahiya ka dapat sa maliit na dungawan.
c. Tulungan mo ang iyong sarili
At si Allah ay tiyak na tutulong sa iyo.
MGA ANTOKE O BUGTONG

SA WIKANG MARANAO :

a. Ilulubung damatai
A bangkal baraniawa.
b. Litag sa rorog a pig
A paronga I kaokas.
c. Karanda sa subangan
Na mapupuno i iipas.

SA WIKANG FILIPINO :

a. Inilibing na ngunit buhay


Ang buhay na katawan.
SAGOT : Daga

b. Bitag sa tabi ng lawa


Sabay na bumubukal.
SAGOT : Pilikmata

c. Ang sisidlan mula sa Silangan


Ay puno ng mga pitak.
SAGOT : Lansones
LIMPANGAN O PALAISIPAN
May isang puno ng bayabas na punong-puno ng bunga. Walang nakakukuha ng bunga
nito sapagkat binabantayan ito ng isang matalino at mabagsik na unggoy. Paano
makakukuha ng bunga ng bayabas ?
SAGOT : Batuhin mo ang unggoy hanggang sa ito ay magalit at babatuhin ka na rin ng
bunga ng bayabas.

- Ang mga dula ng Maranao ay tinatawag nilang “sewa-sewai" at pakaradiyan-an o


mga sayaw ng bayan.
Ang Impluwensya ng mga Hindu,Intsik, Indones at iba pang nandayuhan dito sa
Pilipinas ay nababakas sa mga sayaw ng Maranao, Maguindanao at Tausug na
nanirahan sa Mindanao.
Gong at Kulintang ang panaliw nila sa pag-imbay.
Ang mga taga-Lanao at Cotabato ay mga sayaw na pandigma na kung tawagin ay
Sagayan;
Tahing Baile (sayaw panseremonya)
Singkil - isang sayaw na halos katulad ng Tinikling subalit higit na masalimuot
sapagkat ito ay may apat na kawayan sa halip na dalawa lamang. Ang sumasayaw ay
isang prinsesa na pinapayungan habang sumasayaw sa mga kawayan.
Mayroon din silang sayaw na panghukuman na kung tawagin ay “Koprangkamanis”
at “Kipiil” sa Munsala na ginagamitan ng mga bandana.
Bahagi rin ng panitikan ng mga Maranao ang mga pamahiin at paniniwala.
SAGAYAN TAHING BAILE

SINGKIL
Isang Maranao si Abdullah Madele, ang may akda ng aklat
na “The Remarkable Maranaos” ang nagsabi ng ganito :
“ Kung kayo ay taong makasiyensya, maaaring akalin niyo
na ako’y isang mangmang at hindi edukado sapagkat ako ay
naniniwala sa mga pamahiin ngunit ayon sa kanya, may
ilang mga bagay na hanggang ngayon ay hindi
maipaliwanag ng siyensya.

HALIMBAWA NG KANILANG PANINIWALA :

- Paniniwala tungkol sa Araw at Buwan


- Paniniwala tungkol sa Mundo
-Paniniwala tungkol sa Impiyerno at Langit

TULTOL SA PAGKAPOON O ALAMAT

- Alamat ng Nusa
TULTOL NA PINAKAKUYAKUYAD O MASAYANG
KUWENTO

- Nang pumunta sa palengke si Pilandok


-Si Pilandok at ang Batingaw

TULTOL PANGANGAYAMON O PABULA

-Ang Aso at ang Leon

TULTOL A SUDA AGO PAPANOK O KUWENTO NG MGA ISDA AT IBON

-Ang Maya at ang Hipon

QUIZA O KWENTO TUNGKOL SA KALIKASAN

- Ang kuwento ng Bibe


- Ang Lumikha
- Ang Unang Likha
- Ang Mundo, Araw at Buwan
- Ang Unang Tao
MGA NAKILALANG MANUNULAT NG REHIYON XII

Jaime An Lim

- “The Liberation of Fidele Magsilang” (maikling kuwento)


- “The Changing of the Guard: Three Critical Essay”
- “Yasmin” (tula)
- “The AXOLATL Colony” (maikling kuwento)
- “The Boy and the Tree of Time” (maikling kuwentong pambata)
-“Warning to a Poet” (tula na isinulat sa Ingles)

Christine Godinez-Ortega

Ilan sa kanyang mga nasulat ay :


- “ Legend of Maria Cristina Falls”
- “High Noon”
- “Ablutions”
- “Dumaguete”
- “Cabbage” at iba pa.

You might also like