Pagpapalawak NG Paksa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng


mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin at may pag-unlad ang
kaisipang nakasaad sa pinakapaksang
pangungusap na maaring lantad o di-lantad.
Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang
ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap
na magkakaugnay.
Upang maging mabisa ang isang talata, dapat ito
ay may isang paksang diwa, buong diwa,
may kaisahan, maayos ang pagkakalahad at may
tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod
ng mga kaisipan.
Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-
pansin ang pagpapalawak ng paksa upang
higit na maging mabisa at maliwanag ang
pagsusulat o paglalahad.
May iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa
pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito
ay ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- May mga
salitang hindi agad-agad maintindihan
kaya’t kailangang bigyan ng depinisyon. Ito’y mga
bagay o kaisipang nangangailangan
nang higit na malawak na pagpapaliwanag. Ang
kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga
salitang ito ay binibigyang-diin sa pagbibigay ng
depinisyon.
Dalawang Uri ng Pagbibigay Kahulugan o
Depinisyon

a. Maanyong Depinisyon. Ito ay tumutukoy sa


isang makatuwirang pagpapahayag ng mga
salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito ay
tumutugon sa mga patakaran ng anyong
nasa diksyunaryo at ensayklopedya.
b. Depinisyong Pasanaysay. Isang uri ng
depinisyong nagbibigay ng karagdagang
pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-wili,
makapangyarihan at makapagpapasigla kaya
higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang
tiyak na haba ito basta’t
makapagpapaliwanag lamang sa salitang
binibigyang kahulugan.
2. Paghahawig o Pagtutulad- May mga bagay na
halos magkapareho o nasa iisang
kategorya. Samakatwid, ang mga bagay na
magkakatulad ay pinaghahambing upang
mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian.
3. Pagsusuri- Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag
hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng
isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng
mga bahaging ito sa isa’t isa. Samakatuwid,
dahil masaklaw ito, higit na madaling maintindihan
ang kalikasan ng isang bagay sa
pamamagitan ng pagsusuri.

You might also like