Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Aralin 3: Tekstong Impormatibo:

Para sa iyong Kaalaman


1. NAIPALILIWANAG ANG MGA KATANGIAN
NG TEKSTONG IMPORMATIBO AT IKINAIBA
NITO SA IBANG URI.
2. NATUTUKOY ANG MGA URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO.
3. NAIISA- ISA ANG MGA KATANGIAN NG
TEKSTONG IMPORMATIBO.
Sa milyong impormasyon na makikita sa social media,
mahalaga ang matalas na pagtukoy ng isang mambabasa
kung ang impormasyong nababasa ay tunay o huwad.
Isang mahalagang kakayahan sa pagbasa ang
diskriminasyon ng datos, kung saan tinutukoy kung
makatotohanan o hindi ang isang tiyak na impormasyon, o
kaya ay kung makabuluhan o hindi kailangang pagtuunan
ng pansin. Ibahagi ang isang karansan kung saan
pinaniniwalaan ang isang impormasyong nabasa sa
Facebook o Twitter ngunit kalaunan ay natuklasang hindi
naman pala totoo. Iscreen shot at iprint ang larawan,
mensahe, o paskil na nakuha sa anomang social media
site.
 
Alalahanin ang isang pinakabagong
balitang napakinggan, napanood, o nabasa,
maging ito man ay lokal, pambansa, o
pandaigdig. Isulat ang buod ng balita at
ilagay ang mahahalagang impormasyong
naaalala sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa talahanyan. Ibahagi ito sa
klase.
Iba’t ibang teksto ang makikita
sa kasalukuyan. Iba’t iba rin ang
ibinibigay at nilalaman ng mga
ito. Basahin ang sumusunod na
teksto. Matutukoy mo ba kung
anong uri ito ng teksto?
Libro, Libro, Ano ang
Gamit Mo?
Iba’t iba ang idinudulot sa atin ng pagbabasa ng libro. May
mga librong binabasa bilang pampalipas oras o pang-aliw.
Mayroon din namang kadalasang tinatawag na mga
sangguniang babasahin (reference materials). Mababatid sa
mga sangguniang babasahin ang samu’t saring impormasyon
hinggil sa iba’t ibang uri ng paksa.
Tekstong Impormatibo
 tinatawag ding ekspositori
 pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon
 sinasagot ang mga tanong na ano, kalian, saan, sino, at
paano
 naglalahad ng kwento ng mga tunay na tao
 nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga
tunay na pangyayari
 halimbawa ay biyograpiya, impormasyon mula sa
diksyonaryo, encyclopedia, almanac, papel –
pananaliksik, journal, siyentipikong ulat, balita sa
diyaryo
Tekstong Impormatibo
Nagbibigay at nagtataglay ang ganitong uri ng teksto ng
tiyak na impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong
na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
Hindi nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan.
Ang kadalasang tono ng tektong impormatibo ay
obhetibo (objective).
Gumamit ng mga tekstong impormatibo
na buhat sa mga respetado o
mapagkakatiwalaang mga sanggunian.
Kaugnay ng batas hinggil sa Intellectual
Property Rights, banggitin ang sumulat
o ang sangguniang pinagmulan ng
tekstong impormatibong gagamitin.
Ang tekstong impormatibo ay
nagtataglay ng tiyak ng impormasyon
patungkol sa bagay, tao, lugar, o
pangyayari. Hindi ito naglalaman ng
opinyon kung kaya ang tono nito ay
kadalasang obhetibo.
Mga Sangguniang Babasahin

Almanac− isang uri ito ng libro na taon-taong


inilalathlala. Naglalaman ito ng iba’t ibang
impormasyon gaya ng taya ng panahon, pagsikat
o paglubog ng araw, pagtaas o pagbaba ng tubig
(tide), at iba pa.
Atlas– naglalaman ang sangguniang ito ng
kalipunan ng mga mapa.
Diksiyonaryo− naglalaman ang
sangguniang babasahing ito ng mga salita
ng isang wika. Ang mga salitang ito ay
may kasamang kahulugan, paraan ng
tamang pagbigkas, at iba pang
impormasyon. Karaniwan din itong
nakaayos nang paalpabeto.
Ensiklopedya– karaniwan itong
binubuo ng tono o volume ng mga libro
hinggil sa mahahalagang impormasyon
patungkol sa sari-saring paksa.
Karaniwan din itong nakaayos nang
paalpabeto.
Thesaurus– naglalaman ito ng mga
salita at ang kasingkaluhugan ng mga
ito.
 
Uri ng Tekstong Impormatibo ayon sa Eskruktura

1. Sanhi at Bunga
2. Paghahambing
3. Pagbibigay- depinisyon
4. Paglilista ng klasipikasyon
Mga Kakayahan upang Unawain
ang mga Tekstong Impormatibo

1. Pagpapagana ng mga imbak na


kaalaman
2. Pagbuo ng mga hinuha
3. Pagkakaroon ng mayamang
karanasan

You might also like