Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

RETURN FIGHT ni

ALLAN B. LOPEZ
Isinulat ang sanaysay na ito ni Allan B. Lopez, isang manunulat
mula sa Pilipinas. Nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Unibersidad
ng Pilipinas (Diliman) sa kursong Bachelor of Arts in Speech
Communication. Nanalo ng iba’t ibang parangal sa kanyang mga
akdang pangdrama at ang mga ito ay naitanghal na sa maraming lugar.
Siya din ay aktibong miyembro ng grupong mandudula na The
Writersbloc, Inc. Ang kanyang mga gawa na kapwa nakasulat sa
dalawang magkakaibang lengguwahe (Ingles at Filipino) ay nailimbag sa
local na dyaryo at magasin tulad ng The Philippine Star, The Philippine
Graphic and Liwayway Magazine. Sa kanyang akdang sanaysay na
“Return Flight,” ito ay nagkamit ng unang karangalan sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature noong ika-1 ng Setyembre taong 2014.
Sinulat ni Allan B. Lopez ang sanaysay marahil para ipaalam sa atin
na ang buhay nating mga tao ay umiikot lamang sa dalawang klase ng
panahon ang panahon ng pagiging bata at ang panahon ng pagiging
matanda. Na sa pagkabata ay hindi pa natin nauunawaan ang mga
nangyayari sa mundong ating ginagalawan subalit sa ating pagtanda ay
nagkakaroon tayo ng kalinawagan sa totoong mundo, ngunit sa tuluyan
nating pagtanda ay babalik tayo sa ating muling pagkabata.
Isinulat ito marahil ay para sa mga kabataan o para sa anak ng kanilang
mga magulang na dapat ay pahalagahan ang mga magulang na ginawa
ang lahat upang sila’y mapalaki ng maayos at magkaroon ng
magandang kinabukasan. Ipinaalam din sa atin ng may akda na ang
pagiging magulang ay napaka-seryosong gampanin. Walang hinangad
na masama para sa atin ang ating mga magulang bagkus ay ginagawa
nila ang lahat maibigay lang ating iba’t-ibang pangangailangan. Kaya
sinasabi ng may akda sa anumang hirap na naranasan ng ating mga
magulang sa atin noong tayo ay maliit pa ay marahil mararanasan
naman iyon ng ating mga magulang kaya marapat lamang na tulungan
din natin sila sa kanilang pagtanda gaya ng pagtulong nila sa atin noong
ang ating mata ay malabo pa at hindi pa makakita, sa ating paglalakad
na mismo sila ang ating kaagapay, at ang tila parang isang sanggol na
walang kamalayan sa nangyayari sa mundo.

You might also like