Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Welcome to Mother Tongue 2 Class!

Mrs. Rachell A. Despogado


Guro
Panlapi
(MT2VCD-1c-e-1.3)

Mga Layunin:
1. Nakabubuo ng salitang may panlapi
2. Natutukoy ang uri ng panlaping ginamit sa bawat
salita
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Basahin ang mga sumusunod na salita.
( Ulitin ng dalawang beses )
magtanim kumanta sulatan
paalis ginawa

 Ang mga salitang ito ay tinatawag natin na salitang


maylapi, kagaya halimbawa ng salitang “magtanim”, ang
“mag” ang tinatawag na panlapi at ang “tanim” naman ang
salitang-ugat.
Pagganyak
 Sa salitang kumanta naman, ang katagang “um”
ang panlapi at ang salitang “kanta” naman ang
salitang ugat.
Pagtatalakay
Subukan nating sagutin ito. Sabihin ang tamang panlapi sa mga
sumusunod na salitang-ugat. Piliin ang sagot sa ibaba.

1. plantsa + ______ = _________ Panlapi


2. ________+ laro = ___________ um mag
3. ________+ tulog = __________ hin na
4. ________ + alis = ____________ nag
5. ________+ sulat = ___________
Pagtatalakay
 Base sa inyong ginawa, anu-ano ang iyong nabuong mga
salita?
 Basahin ang mga ito.
plantsahin maglaro natulog

nagwalis sumulat

 Ang salitang-ugat ay salitang buo ang kilos.


Halimbawa : bango luto sayaw
Pagtatalakay
 Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang
salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Uri ng Panlapi
1. Unlapi – ang panlapi ay nakalagay sa unahan ng
salitang ugat.
Halimbawa: mag / ma = magbasa, mahusay
nag / na = nagsimula, nanood
2. Gitlapi – ang panlapi ay nakalagay sa loob/gitna ng salita.
Halimbawa: um = lumakad, tumawa
in = ginising, sinagot
Pagtatalakay
3. Hulapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay sa
hulihan ng salita.
Halimbawa: an / in = tandaan, awitin
han / hin = sabihan, sabihin
Paglalapat
Tukuyin kung anong uri ng panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi) ang
ginamit sa bawat salita.
Halimbawa: suklayin - hulapi
1. tumawa - _______________
2. malinis - _________________
3. kumain - _________________
4. sabihan - ________________
5. nabusog - _______________
Paglalahat
 Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang
salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
 Mga halimbawa ng panlapi ay: um, pag, mag,
nag, na, in, an, han, hin at marami pang iba.
Pagtataya
I. Salungguhitan ang panlapi sa salita at bilugan
ang salitang-ugat nito.
1. sasakay
2. isipin
3. puntahan
4. kinagat
5. mag-aral
Pagtataya
II. Lagyan ng angkop na panlapi ang mga
sumusunod na salitang-ugat. Isulat ang nabuong
bagong salita.
1. gising = ______________________
2. tanda = _____________________
3. hiram = ______________________
4. takbo = ______________________
5. hulog = ______________________
Takdang-Aralin
Hanapin ang 5 salitang
may panlapi sa palaisi-
pan. Bilugan ang
mga ito.

You might also like