Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

ARTS

WEEK 19 DAY 1
Magpakita ng carbon paper.
Alam ba ninyo ang gamit ng
bagay na ito?
Ito ay ginagamit sa pagkopya
ng mga bagay.
Ipakita ang paggamit ng
carbon paper sa mga bata.
Alam ba ninyo na noong
matagal ng panahon ang
mga sinaunang mga tao ay
nakagagawa ng bakas o
bakat sa mga kuweba at
batong dinding?
1. Gawain:
Ngayon ay susubukin nating
magbakat ng coins gamit ng lapis
o krayola.
Ang tawag sa gawaing ito ay
Printmaking.
2. Paghahanda ng mga
kagamitan
3. Pagsasagawa sa gawain.
1. Paano nakalilikha ng
imahe sa papel?
2. Ilang beses mo
nagawa ang pagbabakat
o paglilipat ng imahe?
Tandaan: Ang
printmaking ay
maaring ulitin o gawin
ng maraming beses.
Hayaang makalikha ang mga
bata ng bakas o bakat gamit
ang perang barya.
Piliin ang pinakamagandang
gawa at ipaskil sa paskilan.
Takda:
Gumawa ng
printmaking gamit ang
3 uri ng dahon
HEALTH
WEEK 19 DAY 2
Anu-ano ang mga bahagi ng
ating mukha?
Magpakita ng isang larawan ng
mukha.
Mayroon tayong mga bahagi ng katawan na
pandama:
Nakakikita ako gamit ang aking mga mata.
Nakaririnig ako gamit ang aking tainga.
Nakaaamoy ako gamit ang aking ilong.
Nakalalasa ako ng pagkain gamit ang dila.
Nararamdaman ko ang init at lamig dahil sa aking
balat.
Basahin ang tula.
Ang Aking Maliliit na Katulong
ni Evelina M. Vicencio
Ako ay may dalawang mata upang makita ang mga bagay sa aking paligid.
Ako ay may dalawang tainga upang marinig ang tunog, malayo man o malapit.
Ako ay may isang ilong na pang-amoy sa mabaho o mabango.
Ako ay may isang dila upang malaman kung ang pagkain ay matamis o maalat .
Ako ay may dalawampung ngipin na pangkagat at pangnguya.
Mayroon din akong balat para ang init at lamig ay aking madama.
Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng
pandama?
Iguhit ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang Aking Maliliit na Katulong
ni Evelina M. Vicencio
Ako ay may dalawang _________ upang makita ang mga bagay sa aking paligid.
Ako ay may dalawang ________upang marinig ang tunog, malayo man o malapit.
Ako ay may isang _________ na pang-amoy sa mabaho o mabango.
Ako ay may isang_________ upang malaman kung ang pagkain ay matamis o
maalat .
Ako ay may dalawampung ________ na pangkagat at pangnguya.
Mayroon din akong _________ para ang init at lamig ay aking madama.
P.E
WEEK 19 DAY 3
Ehersisyo sa
Pagyugyog ng
Katawan
Ikaw ba ay nakalukso na?
Naibaluktot mo na ba
ang iyong tuhod?
Paano? Mahirap ba
itong gawin?
Alamin natin.
Pag-aalis ng Balakid:
Kilos Lokomotor - kumikilos
at umaalis sa lugar.
Kilos di-lokomotor – kumikilos
pero hindi umaalis sa lugar
Paglukso at Pagbaluktot at Pag-unat ng
Tuhod
a. Tumayo nang tuwid. Ibaluktot ang
tuhod.
b. Gumawa ng dalawang paglukso.
c. Lumapag nang nakabaluktot ang
tuhod.
d. Iunat at ibaluktot na muli ang mga ito.
e. Gawin ito nang paulit-ulit.
Paano ang paglukso?
Paano ang pagbaluktot
at pag-unat ng tuhod?
Tandaan:
Ang paglukso at pagbaluktot at pag-unat ng
tuhod ay ehersisyong ginagamitan ng binti at
paa. Ito ay kumbinasyon ng kilos lokomotor at
di-lokomotor. Ito ay kaaya-ayang gawin nating
mga bata. Ang pagkilos na ito ay nagpapalakas
ng ating kalamnan.
Ito ay magpapalakas ng ating mga buto.
Tayong mga bata ay magiging malayo sa sakit.
Sagutin: Oo o Hindi
___1. Dapat ba tayong tumayo nang tuwid sa
simula ng ehersisyong ito?
__2. Masakit bang ibaluktot ang mga tuhod?
___3. Nagpapalakas ba ng mga binti ang
paglukso?
___4. Gumagawa ka ba ng tatlong paglukso sa
ehersisyong ito?
___5. Kaya mo bang iunat ang iyong mga
tuhod?
Takda:
Magbigay ng halimbawa
ng kilos lokomotor at di-
lokomotor. Humanda na
isagawa ito sa klase.

You might also like