Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MODYUL 12:

ESPIRITWALIDAD AT
PANANAMPALATAYA
PRESENTASYON NG UNANG GRUPO
UGNAYAN SA DIYOS AT
PAGMAMAHAL SA
KAPUWA
Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim
na ugnayan sa taong iyong minamahal, Sa ugnayang ito,
nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na
magkausap, magkita, at magkakilala.
PAGHAHANAP NG
KAHULUGAN NG BUHAY
• Una, paglalakbay kasama ang kapuwa
• Ikalawa, paglalakbay kasama ang Diyos

Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan,


mahalagang harapin ito na may determinasyon na
marating ang pupuntahan.
Ikaw ba ay naggagala o
naglalakbay sa iyong buhay?

“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan


sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa
mga bagay na hindi nakikita.”
(Hebreo 11:1)
Ikaw, alam mo ba ang dahilan
ng iyong pag-iral sa mundo?

May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais


ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan
at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang
maligaya at maginhawa.
ESPIRITWALIDAD AT
PANANAMPALATAYA: DAAN
SA PAKIKIPAGUGNAYAN SA
DIYOS AT KAPUWA
Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat
ng nilikha. Ngunit ang nagpapakatao
sa tao ay ang kaniyang espiritu na
kinaroroonan ng persona.

Ayon kay Scheler, ang persona ay


“ang pagka-ako” ng bawat tao na
nagpapabukod-tangi sa kaniya.
“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga
bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi
nakikita.” (Hebreo 11:1)

Ngayon ay inaanyayahan naming kayo na pagnilayan ang


isang awit na may pamagat na “I believe,” ni Tom Jones.
ANG IBA’T IBANG URI NG
RELIHIYON:
Pananampalatayang Kristiyanismo
Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag-asa, pag-ibig, at paniniwalang
ipinakita ni Hesukristo.

a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.


b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging
mapagkumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa.
Pananampalatayang Islam
Itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay
matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim. Mayroong
Limang Haligi ng Islam:

1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba). - walang


ibang Diyos na karap-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at
kay Mohammed na Kaniyang Sugo.
2. Ang Salah (Pagdarasal) - sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng
bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. - may limang takdang pagdarasal
sila sa araw-araw
3. Ang Sawm (Pag-aayuno) - obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na
gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadhan - pagdisiplina
sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa buhay
Pananampalatayang Islam
4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa) - hindi lamang
boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong
itinakda ni Allah - hindi lamang naglalayon ng pagtulong sa kapuwa kundi
paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa
Muslim

5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca) - ang bawat Muslim, lalaki at babae, na


may sapat na gulang, mabuting kalusugan, at kakayahang gumugol sa
paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro
ng Islam sa buong mundo.
Pananampalatayang Buddhismo
Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang
pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa
kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa material na bagay.

Sidhartha Gautama (Budha) – isang dakilang mangangaral ang mga


Budhismo; kinikilala ng mga Budhista na isang naliwanagan
Pananampalatayang Buddhismo
Apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidhartha Gautama, ang Budha
(“The Enlightened One”):
1. Ang buhay ay dukkha (kahirapan, pagdurusa)
2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’)
3. Ang pagnanasa ay malulunasan
4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path)
tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos,
tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang
atensiyon

Nirvana – ang pinakamataas na kaligayahan


Golden Rule: Anuman ang
gawin mo sa iyong kapuwa,
ginagawa mo sa iyong sarili
1. Panalangin.

2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay

3. Pagsisimba o Pagsamba

4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos

5. Pagmamahal sa Kapuwa

6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad


ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS
AT KAPUWA ANG TUNAY NA
PANANAMPALATAYA
“Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,
subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid
ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na
kaniyang nakikita ay hindi niya magawang
ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi
niya nakikita?” (Juan 4:20)
Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng
Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.
1. Affection (Family) – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid,
lalo na sa mga magkakapamilya.
2. Philia (Friends) – Ito ay ang pagmamahal sa magkakaibigan.
Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay
magkakaugnay.
3. Eros (Desire) – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng
isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang
sarili.
4. Agape (Highest Form) – Ito ang pinakamataas na uri ng
pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like