Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

MOTHER

TONGUE
WEEK 30 DAY 1
Magbigay ng mga salitang kilos
at gamitin sa pangungusap.
Alamin ang kahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap.
Nag-aalala
Labis na nag-aalala ang nanay kaya’t hindi siya mapakali.
Magaan
Magaan ang dala niyang kahon kaya hindi siya nahirapan.
Kapit-tuko
Kapit-tuko si Nena sa kanyang ina para hindi siya
mawala sa palengke.
Silid-aklatan
Maraming libro sa silid - aklatan.
Tubig-dagat
Maalat ang tubig-dagat kaya hindi ito maaaring inumin.
Ano – anong isda ang alam ninyo?
Ilahad at ipagawa ang Semantic Web
Semantic Web
(Hayaan ang mga batang sabihin ang
kanilang nalalaman tungkol sa isda
gamit ang semantic web.)
1.Gawin; Basahing muli ang pamagat ng
kuwento “ Si Gong Galunggong”. Sabihin na
alamin kung sino si Gong Galunggong.Alamin
kung ang kuwento ay may katotohanan o
kathang- isip lamang.
2..Ipakita sa mga bata ang tsart na may
kuwentong “Si Gong
Galungong.” Hayaang basahin ng mga bata ang
kuwento nang tahimik
Tukuyin ang pamagat ng kuwento.
Pag-usapan ito
upang makabuo ng tanong.
Gabayan ang mga
mag-aaral.
Tanong: Sino si Gong Galunggong?
Ipabasa ang kuwento nang
lahatan, pangkatan, dalawahan
o isahan nang may wastong
tono, damdamin, bigkas ng
salita at gamit ng bantas.
Tandaan:
Ipabasa ang bawat talata ng
kuwento nang tahimik at may
paghinto upang makapagtanong
ang guro at bata at tuloy
makapagbigay rin ng hinuha.
Sagutin ang mga ss. Na tanong ukol sa
kwento.
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
2. Bakit nanganib ang mga magulang ni
Gong Galunggong.Ano ang
mararmdaman niya?
3. May buti bang naidudulot ang
kalikutan? Bakit?
MOTHER
TONGUE
WEEK 30 DAY 2
Pag – ugnayin ang salitang tambalan.
1. Silid bahay
2. Kapit kawali
3. Tubig aklatan
4. Tenga tuko
5. Kapit dagat
Hikayatin ang mga bata na
ikuwentong muli ang binasang
kuwento.
Pangkatin ang mga bata. Bigyan
ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: “Mag-usap Tayo”
Pangkat II: “Sa Ilalim ng Dagat”
Pangkat III: “Iangkop ang Kuwento”
Pangkat IV “Kung Ako si Gong
Galunggong…”
Pangkat V. “Pangalagaan ang Dagat”
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ipakilalang mabuti ang mga tauhan sa kuwento.
Nangyayari ba sa totoong buhay ang kuwento ni Gong
Galunggong? Ano ang tawag sa kuwentong ito? Kung ang
kuwento naman ay nagyayari sa buhay ng tao, ano ang tawag
sa kuwentong ito? Ano ang dalawang uri ng kuwento na pinag-
usapan natin? Bakit tinatawag ang kuwento na kathang
isip/kuwento na buhay?Anong kuwentong kathang isip ang
alam mo/kuwentong buhay? Pakinggan
Isulat sa loob ng bangka ang mga
paraan kung paano natin
mapangangalagaan ang ating
karagatan.
Ano ang dalawang uri ng
kuwento na pinag-usapan natin?
Dalawang uri ng Kwento:
Kwento na buhay at kwentong
kathang isip lamang.
1. Ano-ano ang uri ng kuwento? Ipaliwanag.
2. May buti bang naidudulot ang kalikutan? Bakit?
3. May magagawa ba ang magulang sa anak kung
ang mga ito ay nasa panganib? May magagawa rin
ba ang mga anak kung ang mga magulang naman
ang nasa panganib? Ano ang tawag dito?
4. Kung ang karagatan ay nakatutulong sa tao,
ano ang dapat gawin ng mga tao?
MOTHER
TONGUE
WEEK 30 DAY 3
Pagkilos habang umaawit ng Tong-tong-tong Pakitongkitong
a. Awit

“Tong-tong-tong Pakitong-kitong”
Tong! Tong! Tong! Tong!
Pakitong-kitong
Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap hulihin
Sapagkat nangangagat!
Tong! Tong! Tong! Tong!
Tanong:Anong yamang dagat
ang tinutukoy sa awit? Ano
ang dapat nating gawin sa
karagatan. Anong kilos ang
ginawa natin?
Ipabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letra
Tula:
“Sa Ating Kapaligiran”
ni Florita R. Matic,
Valenzuela City- NCR
Sa ating kapaligiran
Maraming mamamasdan
Mayayabong na puno
At luntiang halaman
Hangin na sariwa
At berdeng mga gulay
Sampu ng bulaklak
Na naggagandahan
Isda, hipon, at alimango
Sa ilog at dagat makukuha mo
Pagkaing nagbibigay lakas
Sa isipa’y pampatalas.
Ating kapaligiran
Sadyang napakayaman
Handog nito’y pagkain
Kaya pangalagaan natin.
Ano-anong salitang naglalarawan ang ginamit
sa tula?
Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang
mga ito.
a. Maraming halaman sa ating paligid.
b. Sariwa at luntian ang mga tanim.
c. Naggagandahan ang mga bulaklak.
d. Berde ang mga gulay.
e. Matalas ang isip ng batang matalino.
Ang mga salitang may salungguhit sa
pangungusap ay mga salitang
naglalarawan.
Anong salita ang inilalalarawan ng bawat
isa ayon sa pangungusap?
(marami, sariwa, luntian, naggagandahan,
berde, matalas,
at matalino)
Kailan natin ginagamit ang mga
salitang naglalarawan?
Ano ang salitang naglalarawan?
Ang salitang naglalarawan ay mga
salitang nagsasabi ng kulay, hugis, laki,
bilang at uri ng tao, lugar, bagay, at
pangyayari.
Bilugan ang salitang naglalarawan sa
pangungusap.
1. Masayng naglalaro ang mga bata sa parke.
2. Maraming bata ang nagtatakbuhan.
3. Dalawa ang naglalaro ng duyan.
4. Mataba ang batang tumatalon.
5. Masiglang natatawanan ang mga bata.
MOTHER
TONGUE
WEEK 30 DAY 4
Ano ang pang – uri? Magbigay ng
5 salitang naglalarawan
Ipalarawan sa mga bata ang kanilang
nakikita, naririnig o nararamdaman
habang sila ay nasa silid-aralan. Ipasulat
ang salitang naglalarawang ginamit sa
kanilang sagot sa pisara. Gawin ito nang
pahanay.(Hanay para sa nakikita, Hanay
sa naririnig, Hanay sa nararamdaman)
Patnubayan ang mga bata upang
matukoy ang uri ng mga salitang
naglalarawang
Basahin at sundin ang mga panuto.
1. Sumulat ng isang sanaysay o kuwento tungkol sa mga
pagkaing nakukuha natin sa karagatan o kaya’y galing sa mga
halaman o tanim. Maaaring kathang- isip o makatotohanan.
2. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas,
malaking letra, pasok ng pangungusap sa talata at ayos ng
talata.
3. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap.
4. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase.
Humanap kayo ng kapareha. Tukuyin kung sino ang A at B at
sundin ang mga panuto:
1. Tingnan kung anong kulay ang banderitas na itataas ng guro.
2. Kapag asul na banderitas ang nakataas, ang kapareha A ay
magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at
tutukuyin ng kapareha B kung anong salitang naglalarawan ang
ginamit sa pangungusap.
3. Kapag pulang banderitas naman ang nakataas, ang kapareha
B ang siyang magbibigay ng pangungusap na may salitang
naglalarawan at tutukuyin ng kapareha A kung anong salitang
naglalarawan ang kanyang ginamit.
Kailan natin ginagamit ang mga
salitang naglalarawan?
Ano ang salitang naglalarawan?
Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan
na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Sariwa ang isdang uwi ni tatay.
2. Dapat laging malinis ang paligid.
3. Ang masustansiyang pagkain ay mabuti sa
katawan.
4. Luntian ang dahon.
5. Mabango ang bulaklak sa hardin ni Nanay.
Takda:
Gumawa ng poster-slogan
tungkol sa mga yamang -dagat at
yamang-lupa gamit ang mga
salitang naglalarawan.

You might also like