Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

NGAYON KAYA

DIRECTED BY:PRIME CRUZ GENRE:FILIPINO,ROMANCE


BUOD
Si Harold ay isang mahiyaing estudyante sa kolehiyo mula sa
probinsya na nagkaroon ng malapit na ugnayan at isang lihim na
pagmamahal para sa kanyang kaibigan na si AM, isang mayamang
batang babae sa lungsod na madamdamin sa kanyang mga
pangarap.Dahil sa makasalungat na personalidad , disillusioned si
Harold at idealistic si AM mai komplikasyon sila sa personal nilang
buhay,hindi nalampasan ng dalawa ang stage na’’Higit pa sa
kaibigan mas mababa sa magkasintahan’’at sa huli ay
naghihiwalay.Ngayong muling nagkita pagkatapos ng limang
taon,sina AM At Harold ay gumugol ng mga panandaliang oras sa
paglibot sa kanilang mga lumang lugar at pag-iisip tungkol sa
kanilang mga dating pagkatao,dahil sa susunod na araw ang
paglipad niHarold sa ibang bansa Ang pinakamalaking”paano
kung”sa kanilang buhay.
PAKSA

Ang paksa ng aming napanood na pelikula na


‘’NGAYON KAYA’’ ay tungkol sa.
Pagkakaibigan,Pagmamahal,Pagdadamayan
Pagtutulungan,Pagtitiyaga at Paniniwala
Bisa,Isip,Damdamin
Naapektuhan nito ang magbabasa sa pamamagitan ng
damdamin.Naramdaman ng mga tao o naisasabuhay dahil ang
nangyari sa pelikula na ito ay nangyari na sa kasalukuyan gaya
nalang ng mga kapwa pilipino dahil marami ang nagmamahal
pero di agad napagtanto ang pag ibig sa isang tao kaya
marami nagiisip PAANO KAYA? Kung ganto ang
mangyayari.Naging malungkot ang kuwento dahil hindi sila
ang nakatadhana sa isat isa ngunit naging maayos ang wakas
dahil naging nanatili parin silang magkaibigan buti nalang
bago umalis ay napuntahan na nila ang mga lugar sa dati
nilang alaala.Paano kaya kaya pag yung TOTGA mo ang
nakatuluyan?Maraming palaisipan sa pelikula ito na
nangyayari din sa totoong buhay.
Mensahe
Ang mensahe ng pelikulang NGAYON KAYA ay ang
pagkakaroon ng tiwala sasarili at patuloy na
bumabangon na kahit ilang beses pa tayong mabigo ay
patuloy tayong babangon pero madalas pag hindi na
talaga kaya sumusuko tayo dahil hindi na tayo
makapagtiis lalo na at para sa pamilya natin.Gayun din
sa pagkakaibigan dadating ang araw na hindi kasing
saya ng dating pinagsamahan.
REKOMENDASYON/PUNA
Ang aking opinyon sa NGAYON KAYA ay napakagandang
pelikula ito.Ang pagtatambal ni Janine Gutierrez at Paulo
Avelino sila ay napakagaling na artista.Ang dalawa ay may
sariling espesyal na tatak ng chemistry na nagpapanatili sa
pelikula.Ang kanilang pag-arte ay mahusay sa pangkalahatan
lalo na sa mga sandali nangangailangan ng magandang arte at
tapat na pakiramdam.Mararamdaman mo ang pagmamahal nina
Harold at AM sa pelikula . Napakaganda din cinematography at
love story napakahusay nagsulat at nagawa ng pelikula .Ang
NGAYON KAYA ay isa sa napakagandang dahil ito ay nararasan
sa totoong buhay marami din ang nakaramdam sa pelikulang ito
Dahil maraming tao ang nasisisi dahil di agad napag tanto ang
pagibig.Kaya ang NGAYON KAYA ay sulit panoorin.
RATING
4.5
Dahil para sa amin ay maganda ang kwento madami kang
matutunan marami din ang mga taong nakakarelate dito
marahil nararanasan na din nila ito at magagaling ang mga
artistang gumaganap kaya maraming manonood dahil
maganda din ang tambalan ni Janine Gutierrez at Paulo
Avelino.hindi man sila nagkatuluyan sa istorya ng pelikula
nagkaroon pa din naman ng magandang pagtatapos dahil
nanaig pa din ang pagkakaibigan at pinagsamahan.
THANK YOU!!

You might also like