Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Aralin 1.

1
Ang Africa at Persia
Ang Persia
• Iran simula noong 1935 at ang capital nito ay Tehran
• Naging mas kilala sila ang Iran noong sila ay lusubin ng Allied
Forces noong 1941
• Nationalization ng Industriya ng langis sa pamumuno ni Prime
Miniser Mohammad Mossadeq
• Magkaugnay sa Tribong Aryano
• Mayaman sa pagpana at pangabayo
Ang Africa
• 1.1 bilyon ang populasyon
• Pinakamalaking Sahara dessert at ilong Nile
• 25% na nagsasalita ng Africa
• 170 milyon katao na nagsasalita ng Arabic
• 230 milyon na nagsasalita ng wikang Ingles
• Apartheid system
• Nelson Mandela ang kauna-unahang itim na pangulo
Aralin 1.2
Mitolohiya ng Nigeria
Maaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mga Tauhan
1. Sarah- isang magbubukid na may dala-dalang sanggol na anak sa
kanyang likuran
2. Toby- isang matandang lalaki na siyang tumulong upang mapalaya
ang mga tao
3. Tagapagbantay- siyang humihigpit ng latigo sa mga magbubukid na
nakikita niyang mabagal kumilos
4. Magbubukid- kapwa pinalaya at naghihintay pa ng takdang panahon
ng paglaya sa tulong ni Toby
Tagpuan

Ang kwento ay naganap sa isang bukirin na


matatagpuan sa bansang Africa. Ang bukiring
ito ang lugar kung saan nagsisilbi o
nagtatrabaho ang mga tao.
Tema

Ang temang pinairal sa kwento ay ang patuloy


na pakikibaka sa hamon ng buhay sa kabila ng
mga masasalimoot na mga pangyayaring
nararanasan ng isang indibidwal.
Nilalaman

Ang kaisipan o konsepto ng pag-asa na


makakawala ang mga kasalukuyang
naghihirap sa kamay ng pagdurusa sa
kontinente ng Africa.
Layunin

Ipaalam sa lahat ng tao na kilalanin mo muna


ang mga taong nakakasalamuha mo at huwag
basta-bastang humusga batay sa kanilang anyo.
Pagsusulit
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag.
1. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan na dapat tularan?
2. Makatwiran ba ang naging desisyon ng pangunahing tauhan sa akda?
Patunayan?
3. Bakit mahalagang pag-isipan nang mabuti ng tao ang mga desisyon
niya sa buhay?
4. Paano nakatutulong sa tao ang kanyang mga suliraning
napagdaanan?
5. Masasalamin ba sa mitolohiyang ito ang kultura ng bansang Nigeria?
Patunayan?
Aralin 1.3
Debate/Pagtatalo
Debate
• Ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa
makasalungat na panig tungkol sa makabuluhang
paksang napagkaisahang pagtalunan sa tiyak na oars at
lugar na pangyayarihan.
• Ito ay hindi isang pag-aaway sapagkat ito’y
pagpapaliwanag lamang ng mga katwiran ng bawat
panig na maaaring gawing pasulat o pasalita.
Mga Kasapi sa Debate
1. Proposisyon o panig ng sumasang-
ayon
2. Oposisyon o panig ng sumasalungat
3. Moderator o tagapamagitan upang
maging maayos ang daloy ng debate
Mga Kasapi sa Debate
4. Time keeper o tagabantay sa oras na
inilalaan sa bawat panig sa paglalahad ng
patotoo at pagpapabulaan o rebuttal
5. Hurado ang magpapasya kung kaninong
panig ang higit na nakapanghikayat.
Mga Katangiang dapat Taglay ng isang
Mahusay na Debater

 Paksa o nilalaman
Kailangan niya ng sapat na panahon upang
mapaghandaan ang malawakang pagbabasa,
pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensya
tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at
patunay sa katotohanan ng kaniyang ipinapahayag.
Mga Katangiang dapat Taglay ng isang
Mahusay na Debater
 Estilo
Kailangang mahusay ang isang debater sa pagsasalita,
sapagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa
kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na
kanyang babanggitin sa debate.
Kasama na dito ang linaw at lakas ng boses, husay ng
tindig at tiwala sa sarili.
Mga Katangiang dapat Taglay ng isang
Mahusay na Debater
 Estratehiya
Ang husay sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento at
kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang
proposisyon ay makikita dito.
Ang pagkakaisa ng pangkat lalo na sa depensa ng
pagpapatotoo at pagpapabulaan ay kailangang matibay
at nagkaisa.
Mga Uri o Format ng Debate

 Debating Oxford
Ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan,
maliban na lamang sa unang tagapagsalita na wala pang
sasaligang mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli.
Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay makasama
na niyang inilahad ang kanyang patotoo (constructive remark)
at pagpapabulaan (rebuttal).
1. Debateng Oxford-Oregon
Binubuo ito ng dalawang mag kalabang koponan, at bawat
koponan ay binubuo ng dalawa o tatlong kalahok. Sisimulan ang
pagtatalo sa pamamagitan ng pagpapalabunutan upang malaman
kung anong panig ang ipaglalaban. May mga pagkakataon lalo
sa mga debate sa klasrum, ang koponang panig at koponang
salungat sa proposisyon ay napagkasunduan na bago pa sumapit
ang itinakdang araw ng debate. Itoy upang bigyan ng sapat na
panahon ang mga kalahok na mapaghandaan ang kanilang mga
argumento. Ang debate ay binubuo ng tatlong mahahalagang
bahagi o elemento:
Ang talumpating nagtatanggol sa panig, ang
interpretasyon o pagsasatanungan, at ang
talumpating nanunuligsa o rebuttal speech. Bibigyan
ng tiglilimang minutu para sa konstruktibong
paglalahad ng panig, panunuligsa at interpretasyon ang
bawat koponan, o kaya’y depende sa napagkasunduan
ng mga kalahok at tagapangasiwa. Magkakaroon ng
ilang minutong pagpupulong ng mga kalahok ng bawat
koponan bilang paghahanda sa bibigkasing talumpating
panunuligsa.
Ito ang format ng pagsasalita ng mga mandedebate:
1.Unang tagapagsalita (+)- paglalahad ng
argumentong sang-ayon sa proposisyon
2.Unang tagapagsalita (-)- pagtatanong hinggil sa
binigkas na talumpati, at paglalahad ng
argumentong salungat sa proposisyon.
3.Ikalawang tagapagsalita (+)- Pagtatanong sa
unang tagapagsalita (-); pagkatapos ay paglalahad
ng argumentong sang-ayon sa proposisyon.
4. Ikalawang tagapagsalita (-)- pagtatanong sa
ikalawang tagapagsalita (+); pagkatapos ay paglalahad
ng argumentong salungat sa proposisyon.
5. Ikatlong tagapagsalita (+)- pagtatanong sa
ikalawang tapagsalita (-); pagkatapos ay paglalahad ng
argumentong sang-ayon sa oposisyon.
6. Ikatlong tagapagsalita (-)- Pagtatanong ng
ikalawang tagapagsalita (+); pagkatapos ay paglalahad
ng argumentong salungat sa proposisyon.
Magkaroon ng ilang minutong pagpupulong
bsgo isunud ang talumpating nagtutuligsa o
nagpapabulaan o rebuttal speech.

7. Unang tagapagsalita (+)- pagbigkas ng


talumpating nagtutuligsa o nagpapabuluan
8. Unang tagapagsalita (-)-pagbigkas ng
talumpating nagtutuligsa o nagpapabuluan
Narito ang mungkahing pamantayan sa paghatol sa
pagtatalo:

1. Paglalahad ng mga katibayan ……………………...40%


2. Pagtatanong, pangangatwiran at panunuligsa………30%
3. Pagbigkas…………………………………………..20%
4. Kilos sa entablado………………………………….10%
Kabuuan: ……………………………………………100%
Paksa
Mga Uri o Format ng Debate

 Debating Cambridge
Ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig
upang magsalita. Una upang ipahayag kanyang
patotoo (constructive remark) at sa ikalawa ay para
ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal).
Mga Uri o Format ng Debate

 Mock trial
Isang uri ng debate kung saan ang mga kalahokt ay
nagpapanggap na mga manananggol o mga attorney
sa isang paglilitis.
Mga Uri o Format ng Debate

 Impromptu debate
Ang paksa ay binibigay sa mga kalahok 15 minuto
bago magsimula ang debate. Pagkatapos,
magsasalita sa loob ng limang minute ang bawat isa
sa bawat panig ng salitang hanggang matapos ang
lahat.
Mga Uri o Format ng Debate

 Turncoat debate
Ginagawa ng isang tao lamang.
Ilalahad niya ang kanyang proposisyon ng dalawang
minute, at pagkatapos ay magsasalita para sa
oposisyon ng dalawang minute.
Aralin 1.3
Wika at Gramatika:
Mga Pamantayan sa
Pagsasaling Wika
Pagsasaling-wika
• Paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumabas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.
Nida (1994)- Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika
ng pinakamalapit at likas na katumabas ng mensahe ng simulaing
wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo.
Savory (1998) The art of Translation – Ang pagsasaling wika ay
isang proseso na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng
pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita.
Mga katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin
• Ang isang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman
sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
• Kinakailangang magkaroon ang tagapagsalin ng sapat na
kaalaman sa gramatika ng dalwang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
• Kinakailangang may sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa
paksang isasalin sapagkat siya ang higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
Mga katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin

• Nagtataglay ang tagapagsalin ng sapat na kakayahan sa


pamapanitikang paraan ng pagpapahayag.
• Kinakailangan ding magkaroon ng sapat na kaalaman sa kultura
ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Gabay sa Pagsasalingwika
1. Basahing Mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang
kabuoang diwa nito.
2. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng
malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang
pagsasalinan.
3. Mahalaga rin ang kakayahang makapagsulat nang maayos at
maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
Gabay sa Pagsasalingwika
a. Isasagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang
pagsasalin ay diwa at hindi salita.
b. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaan
ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o
pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang makabuluhang dahilan ay isang paglabag sa
tungkulin ng tagapagsalin.
Gabay sa Pagsasalingwika
c. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa
ng orihinal.
d. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang
iba’t-ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng
isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

You might also like