Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

ARALIN 2

Kilalanin mo kung ano-ano ang mga ito?


Paano kaya nagkakaiba at nagkakatulad
ang gamit ng mga icon na ito?

GOOGLE
Ang icon na ito ay
bilog na mayroong
apat na kulay: asul,
berde, dilaw at pula.
YOUTUBE
May hugis na bilohaba
na may kulay pula at
arrow na puti ang icon na
ito.
PINTEREST

 Ang icon na ito ay


nakukulayan ng pula na
mayroong letrang P.
FACEBOOK

 May letrang F sa gitna at


hugis parisukat na
kulay asul ang icon na ito.
 Sa paanong paraan nagagamit ang
wika sa mga nasa larawan?
Sitwasyong Pangwika sa Social
Media
LAYUNIN:
 • Nakikilala ang paggamit ng wika sa pamamagitan ng
social media post, blog, at iba pa.
 • Naipaliliwanag ang wastong gamit ng wika sa blog,
social media posts at iba pa; at
 • Nakakagawa at nagagamit ang wastong paraan ng
pagpapahayag sa paggamit ng wika sa mga blog, social
media posts at iba pa.
Para sa inyo ano ang
kahalagahan ng cellphone?
Ito ay kaakibat nang pagiging mahalaga nito
sa ating gawain.

Napapanatili natin ang koneksyon sa ating


mga mahal sa buhay na nasa malayong
lugar, maging sa mga gawain sa trabaho ay
nalalaman natin kahit nasa bahay.
 Hindi tayo nahuhuli sa mga nangungunang
balita kahit hindi makapanood sa telebisyon,
makapakinig sa radyo o kaya naman ay
makapagbasa ng dyaryo.
 Social Media

 ang tawag sa kinahihiligan natin sa internet.


Sapagkat dito may mga aplikasyon na
maaari mong magamit
Facebook o FB
 kung gusto mong malaman ng mga
tao ang nangyayari sa iyo.
Twitter
 balita sa mga taong
sinusubaybayan mo
Matutunghayan sa mga Blogs mo ang mga artikulo para
sa isang paksa na ang pokus ay mistulang diary.

 Kung agarang libreng tawag


naman ay nariyan ang Skype,
Viber at Messenger.
Kumusta ang lagay ng ating wika sa mga
nasabing lunsaran?
 hindi lahat ng impormasyon ay madaling makuha
lalo na kung ito ay nakasulat sa wikang Filipino.
Kung may makuha ka man ay walang garantiya
na tama ang gramatika nito o ang pagkakagamit
ng wika.
Bakit?
kailangan mo pa ring haluan ng Ingles kapag
ikaw ay nagsasaliksik.

 Tulad din sa text, may code


switching na nagaganap o
pagpapalit-palit na paggamit ng
wikang Ingles at Filipino
 Walang magsasabi sa iyo na mali ang
gramatika mo, hahayaan ka na gumamit ng
mga pohz, khumusta, eklabu, chenelin,
lodi, petmalu, sml, idk, lol at marami pang
pagpapaikli ng mga salita.
 Ang pahayag na “Mahal kita” ay
isusulat sa Ingles na I love you sapagkat
ito ay mas naiintindihan nang
nakararami sa mundo ng social media o
kung minsan ay nagiging ILY na lamang
o larawan ng puso.
social media accounts
• paglalagay sa internet ng mga wikang
Filipinong diksyunaryo
 mga akdang pampanitikan
• mga rebyu ng pelikulang Filipino at
patuloy na paggawa ng blogs na
nasusulat sa ating wika
 mga rebyu ng pelikulang Filipino
• at patuloy na paggawa ng blogs na
nasusulat sa ating wika
 Ang kailangan ay magkaisa tayo na
gamitin ito nang maayos sa lahat ng
pagkakataon at magtulungan na
mapalaganap ito sa mundo ng Internet.
Ano naman ang Layunin ng Pagba-Blog?
 ipahayag ang kanyang nararamdaman

 maipahayag ang kanyang pananaw partikular sa


isang isyu na sa palagay niya ay may boses
siyang kailangang iparinig o simpleng rason na
nais lang niyang magsulat.
ang pagba-blog ay isang magandang paraan din
ng pagnenegosyo

 Sa paanong paraan?
Makapagpapasok sa iyo ng pera ang pagba-
blog sa pamamagitan ng negosyo, proyekto –
lalo na kung mairaranggo ang iyong website
bilang may napakataas na bilang ng
mambabasa o tumatangkilik
 masasabing ang blog ay may
layunin ding ikonekta ka sa mga
audience na may halaga para sa
iyong ibina-blog. Gayundin, upang
mapataas ang kalidad ng iyong
website
madalas na pagba-blog mo ay higit na malaking tsansa na
madiskubre ang iyong website na mabisita ng iyong tina-target na
audience.
May mahahalagang konseptong maaring
iugnay sa blog:

 Blogger-

tawag sa tao o grupong nangangalaga,


nagpapatakbo, at nagsimula ng isang blog.
May mahahalagang konseptong maaring
iugnay sa blog:

 Blogging-

pagba-blog. Paulit-ulit na
paggawa ng blog
May mahahalagang konseptong maaring
iugnay sa blog:

 Blogosphere -
tawag sa komunidad o mundo
ng mga blogger
May iba’t ibang uri ng Blog:

 Fashion Blog
naglalaman ng anomang bagay na may
kinalaman sa industriya ng fashion,
pananamit at personal na istilo
Personal Blog

 uri ng blog na kung saan ay maaring muling i-


post ng blogger ang isang post na nai-post na o
anomang bagay na gusto lang nilang i-post, wala
kasing tema ito. Kaya malaya ang blogger sa
anomang paraan na gusto niyang isulat dito
News Blog
 blog na may layuning magpabatid ng mga
mahahalagang nagaganap sa mambabasa, sa loob
man o sa labas ng bansa. Maaring ito ay patungkol
sa politika, kalusugan, isports, showbiz,
teknolohiya at iba pang karaniwan ay
napapanahong isyu
Humor Blog

 sa unang tingin ay may layuning magpatawa ang


blog na ito. Ngunit kung pakaiisipin pa, may mga
nakatagong mensaheng nais ipabatid ang mga
pagpapatawang ginagawa ng manunulat ng blog
na ito.
Photo Blog
 uri ng blog na may layuning magbahagi ng
kanyang sariling kuha ng larawan ang awtor ng
blog na ito o kung hindi naman ay mailathala
ang kanyang likhang-larawan. Bibihira ang
mensahe rito. Sapagkat higit na binibigyang-
diin ng blog na ito ang larawan o pictures kaysa
pagsulat.
Food Blog

 anomang bagay na may kinalaman sa pagkain ang


layunin ng blog na ito. Maaring ito ay patungkol sa
recipe, rebyu ng pagkain o ng restawran, pagkaing
kinakain sa bawat pinaglalakbayang lugar o
simpleng pagkuha ng larawan ng pagkain.
Vlog
 ito ay kilala din bilang video blog sapagkat
naglalaman ito ng mga video mula sa
vlogger. Ang mga video ay maaaring kuha
ng mga paglalakbay, eksperimento, o
anomang personal na gawain
Educational Blog

 nakatutulong ang mga ganitong blog


upang maliwanagan ang mga mag-
aaral sa mga aralin na hindi nila
maintindihan sa paaralan.
May Limang Pangunahing Bloggers sa
Pilipinas ayon sa Edrabia.com

 1.Yugatech
 2.When in Manila
 3.Our Awesome Planet
 4.Lakwatsero
 5.Unbox.ph
Pagsasanay B. Pagtatapat-tapat. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng
nasa Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.

You might also like