Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

“Kaligirang

Pangkasaysayan ng
Balagtasan”
Ang balagtasan ay isang
pagtatalong patula na
isinilang noong Panahon ng
mga Amerikano.
Sa balagtasan, hindi lamang
argumento at ebidensya
ang hinhingi sa isang
kalahok.
Inaasahan ding itanghal
niya ito gamit ang mga
piling salita na masining at
matalinghaga at hinanay ng
patula.
Ito ay ipinangalan kay
Francisco Balagtas bilang
pagpaparangal sa kaniyang
ambag sa panulaang
Tagalog.
Ang mga Tauhang
bumubuo sa isang
Balagtasan
1. Lakandiwa – siya ang
nagpapakilala ng paksang
pagtatalunan.Siya rin ang
namamagitan sa
magkatunggaling panig
2. Mga Mababalagtas –
sila ang mga taong
nagtutunggali sa
balagtasan. Sa karaniwang
pagtatalo, dalawa ang
kanilang bilang.
Tungkulin ng mambabalagtas ng
umisip at sumulat ng mga
makabuluhang argumento na
magsusulong ng kaniyang
paniniwala at bumigkas nito sa
masining at mapanghikayat na
paraan.
3. Mga Manonood – Sila ang
sumasaksi sa balagtasan na
inaasahang makikinig nang tama
upang mapalalim ang kanilang
kamulatan sa isyung tinatalakay,
makapagtimbang-timbang ng panig
at gumawa ng nararapat na pagkilos

You might also like