Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Week 1
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng
pagiging masunurin at magalang tulad ng:
10.1 Pagsagot kaagad kapag tinatawag ng
kasapi ng pamilya.
10.2 Pagsunod nang maluwag sa dibdib kapag
inuutusan.
EsP1PPPIIIa– 1
Magalang at sumusunod ka ba sa payo
ng iyong mga magulang?

Paano mo ito ipinakikita sa iyong mga


magulang?
Ano ang napansin ninyo sa larawan?
Tama ba ang gawaing ito? Bakit?
Kapag ikaw ay pinagbilinan ng iyong tatay at
nanay sinusunod mo ba ito? Bakit?
Bakit mahalaga na sumunod tayo sa utos
ng ating mga magulang?
Lutasin:
Naglalaba ang iyong Nanay habang ikaw
naman ay nanunuod ng paborito mong
palabas sa telebisyon. Tinawag ka ng iyong
ina upang tulungan siya sa pagsasampay ng
mga nilabhan. Ano ang gagawin mo?

Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang


kasagutan.
Gamit ang inyong show-me-board, iguhit ang  kung
ang larawang ipapakita ko ay nagpapakita ng pagsunod
at  naman kung hindi.
Basahin ang usapan ng mag-ina sa larawan.
Ito ang madalas na bilin ni nanay sa
isang batang tulad mo.

Ikaw ba ay isang batang masunurin?

Anu-ano pang utos ni nanay ang palagi


mong sinusunod?
Tandaan:
Ang pagsunod at paggalang natin sa
mga nakatatanda ay tanda ng mga
kagandahang asal na minana pa natin
sa ating mga ninuno. Ito ay dapat
nating isapuso at isagawa dahil ito ang
nagbubuklod sa bawat kasapi ng
pamilyang Pilipino.
Isulat ang D kung DAPAT at HD kung HINDI DAPAT
gawin ng isang batang tulad mo.
_____1. Sumusunod kapag inutusan.
_____2. Ipinapasa ko sa aking kapatid ang bagay na
iniutos sa akin.
_____3. Magtutulog-tulugan ako upang hindi mautusan
ni ate at kuya.
_____4. Tatapusin ko muna ang takdang-aralin bago ako
makipaglaro.
_____5. Gumagamit ako ng magalang na pananalita sa
pakikipag-usap sa aking magulang, ganun din sa ibang
nakatatanda.
Mother Tongue
Based
Week 1
Nakalalahok nang masigla sa mga
talakayan sa klase kaugnay sa mga
pamilyar na paksa.
MT1OL-IIIa-i-6.2
Nakababasa ng mga pantulong na salita.
MT1PWR-IIIa-i-7.1
Ipabasa sa mga mag-aaral:

Ang mga
Ang paru-paro
paru-paro
Ang mga
Ang rosas
rosas
Ang mga
Ang uod
uod
Ilan ang paru-paro sa unang kahon? Sa
ikalawang kahon?
Ilan ang rosas sa unang kahon? Sa
ikalawang kahon?
Ilan ang uod sa unang kahon? Sa
ikalawang kahon?

Anong pantukoy ang ginamit sa unang


kahon? Sa ikalawang kahon?
Magpapakitang muli ang guro ng halimbawa.
Pantukoy – katagang ginagamit sa
pagtukoy sa tao, bagay, hayop, at
pangyayari.

Pantukoy na pambalana – tumutukoy


sa mga pangngalang pambalana na ang
at ang mga.
Ang – ginagamit kung ang tinutukoy ay
iisa.
Halimbawa:
Ang bola
Ang bata
Ang baso
Ang lapis
Ang guro
Ang mga – ginagamit kung ang
tinutukoy ay dalawa o higit pa.
Halimbawa:
Ang mga bola
Ang mga bata
Ang mga baso
Ang mga lapis
Ang mga guro
Isulat ang tamang pantukoy para sa bawat larawan.

____________ aklat ____________ kotse

____________ krayola ____________ ibon


Isulat ang wastong pantukoy.
Kailan ginagamit ang pantukoy na ang
at ang mga?
Tandaan:
Ang – pantukoy na gagamitin kapag iisa
ang pinag-uusapan.
Ang mga - pantukoy na gagamitin
kapag dalawa o higit pa ang pinag-
uusapan.
Isulat sa patlang kung ang o ang mga ang
gagamitin para sa larawan.
FILIPINO
Week 1
Nababaybay nang wasto ang mga salitang
natutuhan sa aralin at salitang may tatlo o
apat na pantig.
F1PY-IIf-2.2/ F1PY-IVh- 2.2
Nabibigay ang susunod na mangyayari sa
napakinggang kuwento.
F1-IVe-9
Subukin ang inyong sarili at ayusin ang salita
sa ibaba. Gawing gabay ang mga larawan.

D A I S
Subukin ang inyong sarili at ayusin ang salita
sa ibaba. Gawing gabay ang mga larawan.

O A T
Ano ang tawag natin sa taong ang hanap-buhay
ay paghuli ng isda?
Unawaing mabuti ang ating kwentong may pamagat na “Ang
Matalinong Mangingisda”
https://www.youtube.com/watch?v=jTdyvc_LFsU
Dugtungang talakayan:
Saan nakatira ang mangingisda?

Ang mangingisda ay nakatira sa


_________.
Dugtungang talakayan:
Saan siya nagpupunta upang mangisda?

Nagpupunta siya sa _________.


Dugtungang talakayan:
Sa pag-ahon ng kaniyang lambat sa ilog,
ano ang bagay na sumama sa mga isda?

Nakita niya ang isang _________.


Dugtungang talakayan:
Ano ang lumabas sa boteng kanyang
binuksan?

Lumabas ang isang _________.


Dugtungang talakayan:
Ano ang nais gawin ng Diyablo sa
mangingisda?

Nais nitong _________ ang mangingisda.


Dugtungang talakayan:
Ano ang ginawa ng mangingisda upang
mailigtas ang kaniyang sarili?

Naisip ng mangingisda na
_____________________________.
Basahin ang ilang salitang mula sa ating
kwento.

mangingisda
ilog
baryo
isda
palengke
diyablo
Muling balikan ang mga salita. Gamit ang
inyong show-me-board, isulat ang pantig ng
mga sumusunod.

Halimbawa:
mangingisda - 4 ma-ngi-ngis-da
Isulat ang bilang ng pantig ng salita sa loob ng
kahon.

ilog
Isulat ang bilang ng pantig ng salita sa loob ng
kahon.

baryo
Isulat ang bilang ng pantig ng salita sa loob ng
kahon.

isda
Isulat ang bilang ng pantig ng salita sa loob ng
kahon.

palengke
Isulat ang bilang ng pantig ng salita sa loob ng
kahon.

diyablo
Baybayin ang mga salita sa ibaba.

Halimbawa:
takot ta-kot
ilog
baryo
isda
palengke
diyablo
Paano mo binaybay ang mga
salita?
Tandaan:
Upang mabaybay mo ang salita,
kinakailangan mo itong
pantigin.
Pantigin ang mga sumusunod na salita.
babae ________
magkapatid ________
dalawa ________
mabait ________
matulungin ________

You might also like