Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

DALUMAT

PiliFilipino
IKALAWANG GRUPO
Ano ang
PiliFilipino?
Ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw,
malaliman at kaibuturan ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika
ang magiging punto ng pag-aanalisa at pagdadalumat. Hango ito sa
sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure
(paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Sa isang panayam kay
Propesor Cecilio M. Lopez sa wika ng panitikang Filipino ni Dr. Rhod
V. Nuncio ay sinabi niyang may pumapagitna sa dalawang lebel na ito,
ang middle structure na tinatawag niyang lalim ng wika na kung saan
ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF).
Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil walang
gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan.
Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula
sa iba't ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang
nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon
hangga't di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang
paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili,
pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang
tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal at aasa lang ba ang lahat
sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang
hinihintay na pagkagulang ng WF? Ika nga'y matira ang matibay.
Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino.
May tatlong pananaw tungkol dito:

a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang


wikang Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa
mga katuwang na wika sa bansa,

b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba't ibang domain ng kaalaman


at praktika,

c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa


menu ng pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.
Paimbabaw na Wika o Surface Structure

Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng


tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga
polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng
paglikha ng wika? Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at
istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika - Ingles.
Pansinin:

1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa
ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng "kung ano ang bigkas, siya ang baybay". Imbis na
phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra sa
Ingles, ito ang baybay). Kung kaya't mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-
aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang "bahay" ay
bibigkasing "bey-hey".
2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng
pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman 'yang friend mo. So,
yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o mag-Ingles, ito ang
makabagong syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media,
showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang
oryentasyon sa kasalukyan.

3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo


namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa
mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap
dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic
substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay
sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally
flexible sa formang Taglish.
i-zerox. pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-solve

i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na-text i-equate, pag-equate, mag-equate, kaka-equate

um-attend, um-increase, um-order, um-answer


Kung kaya't multiple substitution ang pedeng gawin dito nat maiaayos o mailalapat din sa
pangungusap. Hal. "I-zerox mo ang papers mo sa promotion." "Ok na kaka-zerox ko nga
lang." Ang Tagalog/Filipino component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na
salita, subalit nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino): Re-ayos mo na
yan!", "Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress" at "Pindotize (na katawa-tawa ang
dating) mo yong keypad." Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang
isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o
multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa pagbasa, pagsulat,
pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.

Ang problema'y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at


uunlad din ang WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa
pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig.
Kung kaya't nangyari ang iba't ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng
panahon. Ang iba't ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala't namamatay, unti-unti ng malalaking diskurso
tulad ng globalisasyon, nauungusan industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya't sa ating bayan mismo,
nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang mapanuksong alternatibo-ang gawing wikang opisyal at
panturo ang Ingles.
Tingnan natin ang iba't ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:

1. Ang Wikang Filipino ay Taglish - wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na
gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang "maiintelektuwalisa
ayon kay Bonifacio Sibayan" (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2. Ang Wikang Filipino ay Taglish na may barayti sa iba't ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz

3. Ang Wikang Filipino ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog:
walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-aklat ng
Galaw ng Asoge, 2005)

4. Ang Wikang Filipino ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba't ibang larang
sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang
anyo ng wika.
Ubod ng Wika o Deep Structure

Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng


kamalayan na taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template
ng isipan natin na yari na - naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at
maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga ito ang
"universal o generative grammar ni Chomsky, ang "private language" ni
Wittgenstein, "archi-writing" ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika,
may nakalikha nang istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng
kamalayan ng tao. Kaya't may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng
kahit anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang
a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa imahinatibo't malikhaing paraan ng
isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba't ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika.
Lalim ng Wika: Gramatikang Filipino? O Middle Structure

Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng pagbabago


at madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at tuluyang
pagkawala. Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na
paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan,
nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang
masandigang internal na lohika o gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila. Alalahanin
natin ang sinabi ni Emerita S. Quito (1989/2010: 23); "Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa
kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig
ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino
ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na
hindi Ingles at hindi Filipino." Mahalaga ang lalim ng wika dahil:
1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika,

2. Nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,

3. Ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng
daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan

4. Nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di


nakadepende sa kung ano ang uso at pinapauso

5. Intralinguistic facility ito para sa transpormasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal


na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at
iba pang external factor.
Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung
magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa
daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang
pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may sandamakmak na barayti. Inisyal
na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay
dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika (prescriptive) at pre-grammar
(individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika'y di maglalaon ang magiging
natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at
istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang
wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba't ibang
komunikatibong sitwasyon at pagkilos. Kung kaya't ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng
kamalayan natin at di lamang sa sanga sangang dila ng gahum.
MARAMING SALAMAT
PO !!!
Mga Miyembro:

Abille, Keith Andrei


Apsay, Shane
Ebdani, Eljay
Edusada, Patrick Ele
Diamsay, Cynthia
Gannaban, Kristine
Matunding, Carl Benedict Ipapasa Kay:
Sabit, Junbel Mr. Rolando Solano Jr.

You might also like