Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik
TUNGO SA PANANALIKSIK
Ang komunikasyon ang pinakasentro sa lahat
ng disiplina ng pagtuturo. Nakasalalay ang
pagsasakatuparan ng iba’t ibang asignatura.
Ang Sikolohiya at Medisina, Agham at
Matematika, Kasaysayan at Agham Panlipunan,
Edukasyong Pangkabuhayan, Musika at
Edukasyong Pisikal at iba pang kaugnay ng
mga ito ay hindi makatatayong mag-isa
sapagkat hindi magiging ganap ang kabatirang
maibabahagi ng tagapagturo kung limitado ang
kanyang kaalaman sa komunikasyon.
Ang Wika at komunikasyon
Maituturing na pinakamahalagang gamit ng
wika sa tao ay ang gamit nito sa
komunikasyon. Walang taong maaaring
mabuhay sa mundo nang hindi
nakikipagtalastasan , gaya ng kasabihang
“No man is an island,” sapagkat kinakailang
niyang makihalubilo sa kanyang kapwa-
nilalang at magamit ang talinong
ipinagkaloob sa kanya upang maging
mabuti ang kalagayan sa mundong
ginagalawan.
Ang wika ay dinamiko at patuloy na
nagbabago sapagkat ito ay buhay, at ang
isang buhay na wika ay sumasailalim sa
mga pagbabago.
3. Teoryang Interaktiv
Ang pagsasama ng dalawang teorya ang
bottom up at top down.
Mga Elemento ng Metakognitiv na
Pagbasa
Tatlong Proseso ng Pagbasa ayon kay Lachica,
(1999)
1. Bago Magbasa
Karaniwang itinatanong ng guro sa mga mag-aaral
bago basahin ang isang akda:
• Hanapin ang mga kasagutan batay sa mga
nakahandang tanong sa loob ng teksto.
• Magbigay ng sariling palagay tungkol sa paksa.
• Magbigay ng haka tungkol sa kasunod na teksto.
Ang mga binibigyang halaga bago magbasa sa
pagbasang kritikal :
• Ang mga sanhi kung bakit naisulat ng awtor ang
paksa.
• Ang kaangkupan ng paraang ginamit at lapit sa
pagsulat ng teksto.
• Ang pagbubuo ng mga sariling kuro-kuro sa
sulatin.
2. Habang Nagbabasa
Ang mga tekstong dumaraan sa yugtong ito ay
dumaraan sa iba’t ibang uri ng pag-aanalisa tulad ng
pagsagot sa mga tanong. Kailangan pa rin ang
pagbibigay ng sariling kuro-kuro at opinyon.
Anotasyon
ang pagbibigay ng anotasyon sa pagbasang
kritikal ay napakahalaga dahil naitutuon natin ang
atensyon sa nilalaman at wika ng teksto.. Ito ay
isang paraan ng pagbibigay kahulugan o
impormasyon sa teksto. Ang anotasyon ay ginagawa
sa pamamagitan ng pagsasalungguhit, paggawa ng
katanungan at paggawa ng balangkas.