Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

AKTIBIDAD

(IDYOMA)
Inihanda ni: Asmira Beruar Usop Imam
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1.Alog na ang baba ni Aling Marites subalit hindi parin siya


tumitigil sa pagtatrabaho. Ano ang ibigsabihin ng Alog na
ang baba sa pangungusap?

A.matanda na
B.pagod na pagod na
C.malakas
D.masipag sa trabaho
2. Nagipit si Zoey sapagkat siya ay bulang gugo. 
Ano ang ibigsabihin ng bulang gugo sa
pangungusap?

A. nasubsub sa gugo
B. ninakawan
C. waldas sa salapi
D. bula ng gugo
3. Walang magawa ang mga kapitbahay
naming makakati ang dila kaya’t maraming may
galit sa kanila. Ano ang ibigsabihin ng makakati
ang dila sa pangungusap?

A. may singaw
B. may sakit sa dila
C. nakagat ang dila
D. daldalero o daldalera
4. Lumaki siyang anak-dalita subalit nakapagtapos
siya ng pag-aaral. Ano ang ibigsabihin ng anak-
dalita sa pangungusap?

A.Mahirap
B.Mayaman
C.Madaldal 
D.Mahina
5. Nagsusunog ng kilay ang kapitbahay dahil
kukuha siya ng CPA board exam. Ano ang
ibigsabihin ng Nagsusunod ng kilay sa
pangungusap?

A.Natutulog
B.Nag-aaral ng mabuti
C.Hindi nag-aral
D.Nagdadarasal
6. Hindi muna ako mago-online games ngayon.
Butas na ang bulsa ko at wala na akong pambaon.
Ano ang ibigsabihin ng Butas na ang bulsa sa
pangungusap?

A.Tastas ang bulsa


B.Bukas ang Bulsa
C.Walang trabaho
D.Walang pera
7. Si Rowella ay alilang-kanin ng kanyang Tiya
Ising. Ano ang ibig sabihin ng alilang-kanin? Ano
ang ibigsabihin ng alilang-kanin sa pangungusap?

A.Katulong
B.Pamangkin
C.mahilig kumain ng kanin
D.utusang walang bayad
8. Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating
sa mga kasama niyang mangingisda. Ano ang
ibigsabihin ng bukas ang palad sa pangungusap?

A.Madamot
B.Malapad ang palad
C.Matulungin
D.Maawain
9. Sa kanilang walong magkakapatid, tanging si
Joseph lamang ang di-makabasag pinggan. Ano
ang ibigsabihin ng di-makabasag pinggan sa
pangungusap?

A.Tahimik
B.Nakakabasak ng pinggan 
C.Malikot
D.Pasaway
10. Pinagalitan si Juan ng nanay niya sa
pagiging takaw-tulog nito. Ano ang ibigsabihin ng
takaw-tulog sa pangungusap?

A.Grabe na kung matulog


B.Antukin
C.Mahilig mag luto
D.Matakaw
Panuto: Gamitin ang mga Idyoma sa pangungusap.

1. Matatag ang Loob(Brave)

2. Anak Pawis(Poor person)

3. Balat sibuyas(Someone who is easily offended)

4. Ahas(Traitor)

You might also like