Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T-
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Pakikinig
-sa epektibong pakikinig
nagkakaroon tayo ng
karagdagan, impormasyon,
pakikisangkot, at kasanayan sa
pagpapaigting ng paggamit ng
memorya.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Eager Beaver
-siya ang uri ng tagapakinig na
tango nang tango subait isang
malaking katanungan kung
naiintindihan ba niya ang kanyang
pinapakinggan. Pilit niyang
pinapaniwala ang iba na siya ay
nakikinig subalit makikita sa kanyang
mga mata ang kawalan ng pokus.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Sleeper
-Siya ang tipong nauupo sa
isang tahimik na sulok ng silid.
Hindi intensyong makinig.
Maaaring naiinis siya sa ingay na
nililikha ng kanyang
pinapakinggan.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Tiger
-Ang tagapakinig na handang
mag-react sa anumang sasabihin
ng nagsasalita. Lagi siyang
naghihintay ng maling sasabihin
ng tagapagsalita upang bawat
pagkakamali ay maaring punahin
at pagtatawanan.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Bewildered
-Tagapakinig na kahit na anong
gawin ay walang maintindihan sa
kanyang naririnig. Madalas na
mukhang nagtataka sa kanyang
mga pinapakinggan at halatang
pinipilit intindihin ang bawat
naririnig.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Frowner
-Siya ang tipong laging may
tanong na naglalaro sa kanyang
isipan. Mukha siyang atentibo
subalit hindi lubos ang kanyang
pakikinig at naghihitay lamang ng
pagkakataong makapagtanong at
makapagpa-impres.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Relaxed
-Isang problema ang ganitong
tipo ng tagapakinig. Kitang-kita sa
kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig. Madalas ay nauupo siya
na para bang nasa sala ng sariling
bahay. Walang makikitang iba pang
reaksiyon sa kanya, positibo man o
negatibo.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Busy Bee
-Isang tagapakinig na
nakagagambala sa iba pang
gustong makinig dahil sa kanyang
kakulitan, kaingayan at
kadaldalan. Siya ay isang kaptib na
tagapakinig, ayaw nya man o
gusto.
Iba’t-ibang Uri ng Tagapakinig
Two-Eared Listener
-Pinaka-epektibong tagapakinig.
Nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kanyang tainga kundi pati ang
kanyang buong isipan. Nakukuha
niya ang mensahe ng
tagapagsalita at ang lahat ng
kanyang narinig.
Ano nga ba ang
Pagbasa?
Pagbasa- ay
pakikipagtalastasan ng
awtor sa kanyang mga
mambabasa. Tatlong
mahahalagang sangkap ang
sangkot dito:
• Ang aklat o anumang babasahin na
siyang nagsisilbing tsanel o
midyum ng tao,
• Ang awtor na sumulat ng akdang
babasahin,
• At ang babasa ng kanyang isinulat.
Maituturing ang Pagbasa- na
isang proseso at isa ring kasanayan.
Proseso ito ng pagtuklas ng nais
ipakahulugan ng awtor sa kanyang
mga akda, at isa ring kasanayan sa
pag-unawa sa pamamagitan ng
pagsasalita o wikang ginagamit dito
Lalo itong nagkakaroon ng kabuluhan
kapag nabatid ang tono, layunin, at
punto de vista ng akdang binabasa.
PROSESO SA PAGBASA
1. Persepsyon sa mga salita o yunit ng mga salitang
ginagamit sa akda. pagkilala
2. Komprehensyon sa mga salita ayon sa kontekstong
kahulugan nito. pag-unawa
3. Reaksyon ng mambabasa sa akda upang
makapagbigay siya ng kanyang saloobin, pagsang-
ayon,o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda. pagpasya o
paghatol
4. Integrasyon ng mambabasa upang magamit ang mga
natutuhang bagong kaalaman sa kanyang pang-araw-
araw na buhay. pag-uugnay
Katuturan at kahalagahan ng
Pagbasa at Pagbabasa- Ang
masining,maayos,at tamang pagbabasa ay
nagiging kapaki-pakinabang sa mga
bumabasa at mga nakikinig. Ito ay
nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim
ng pag-unawa. Ang mga bagay na nakukuha
sa pormal na edukasyon. Ang pagbabasa ay
isang paraan din ng paglalakbay ng
diwa,kaisipan at maging ng imahinasyon ng
tao. Ayon sa isang kasabihan sa ingles
“Reading maketh a man,”
Ang pagbabasa ay nagpapaunlad sa
personalidad ng tao. Dito nabubuo
ang kanyang pagkatao. Kailangang
pag-ukolan ng maraming panahon
ang pagbabasa sapagkat mahalaga
ito sa pagtatamo ng karunungan.
Leo James English- Isang
awtor ng English-Tagalog
Dictionary, ang
pagbasa/pagbabasa ay
pagbibigay ng kahulugan sa
mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita.
Kenneth Goodman- Ang pagbasa
ay isang saykolingwistiks na
paghuhula kung saan ang nagbabasa
ay bumubuong muli ng isang
mensahe o kaisipang hango sa
textong binasa. Isang prosesong
siklikal buhat sa texto, sariling
panghuhula,
pagpapatunay,pagtataya, pagrerebisa,
pagbibigay pa ng ibang
pagkakahulugan o prediksyon.
James Dee Valentine- Ang
pagbasa ang pinakapagkain
ng ating utak at sa
maraming pagkakataon,
napatunayan nating marami
asa mga nagtatagumpay na
tao ang mahilig magbasa.
Coady-Ang kaisipang ibinigay
ni Goodman na nagwikang ang
dating kaalaman ng tagabasa
ay kailangang maiugnay niya
sa kanyang binabasang
konsepto o kaisipan at
kasanayan sa pagpoproseso ng
mga impormasyong
masasalamin sa texto.
Base sa nabatid mong
iba’t-ibang katuturan ng
pagbasa, ano ang
konseptong natutunan mo
sa pagbibigay ng
pansariling kahulugan
nito?
Kahalagahan ng
Pagbasa
1.Nadadagdagan ang
kaalaman
-Sa pamamagitan ng pagbasa ay
napapalalim natin ang ating
konsepto o kaalaman sa isang
bagay.
2.Napapayaman ang kaalaman at
napapalawak ang talasalitaan.
-Sa tuwing tayo ay nagbabasa ay kaharap
natin ang mga salita. Hindi lahat ng salita
ay mayroon tayong konsepto kungkaya tayo
sasangguni sa mga aklat tulad ng
diksyunaryo. Mauunawaan natin ang
kahulugan ng salita at sabay na yumayaman
ang kaalaman natin sa mga bagay-bagay at
napapalawak nito ang ating talasalitaan.
3.Nakararating sa mga pook na
hindi pa narating.
-Sa pamamagitan ng paglalarawan o
pagbibigay ng mga impormasyon may
kinalaman sa lugar na hindi pa natin
napupuntahan.
4.Nahuhubog ang kaisipan at
paninindigan.
-Sa pagbabasa ng mga batas at iba pang
artikulo tulad ng mga lathalang may
kinalaman sa karapatang pantao, tayo
ay natutunong magkaroon ng prinsipyo
o adbokasiyang magiging gabay ng
ating kaisipan at paninindigan.
5.Nakakukuha ng mga
mahahalagang impormasyon
-Nakakakalap tayo ng mga pinakabago
at mga lumang impormasyong
maaaring makatulong sa atin sa pag-
unawa ng mundong ating ginagalawan.
6.Nakatutulong sa mabibigat na
suliranin at damdamin
-Gaya ng pagbasa ng mga “Joke
book” o komiks na nakapagbibigay
ng aliw at panandaliang nakaaalis ng
pokus sa pag-iisip ng suliranin na siya
naming nagpapagaan ng ating
pakiramdam.
7.Nagbibigay ng inspirasyon sa
nakikita ng iba’t-ibang antas ng
buhay
-Tulad ng pagbabasa ng mga aklat na
may temang pagbibigay ng
inspirasyon sa buhay, pag-ibig,
pagbangaon sa mga suliraning
naggupo o nalugmok sa atin o di kaya
naman ay mga istorya na pagbabago
at pagtatagumpay.
Pangkalahatang
Uri ng Pagbasa
1. Skimming (Pahapyaw na pagbasa)
– Naaayon sa layunin ng mambabasa
ang uri ng pagbasa na dapat gamitin.
Kung naghahanap siya ng mga
batayan(references) upang makakita ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa
isang paksa sa indeks, talaan ng mga
nilalaman, at baha-bahaging pamagat
upang makita ang pinakapangunahing
ideya o kaisipan, ang pahapyaw na
pagbasa ang kalimitang ginagamit.
2. Rapid reading (mabilisang
pagbasa) – samantala, kung ang
layunin naman ng mambabasa
ay magkaroon ng
pangkalahatang pagpapalagay
sa pinakapangunahing salita ay
kailangang gamitin ang
mabilisang pagbasa.
3. Study reading (paaral na
pagbasa) – Ang paaral na
pagbasa ay ginagawa sa
pagkuha ng pangunahing
detalye at ang pagsasama-sama
ng mga maliliit na kaisipan
upang magkaroon ng mahusay
at tumpak na pagkaunawa.
“Ang pagbabasa ang
pagkain ng ating utak.”
Mga pananaw sa Proseso ng Pagbasa:
1. Teoryang Top-Down – Ang pag-unawa sa
binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa
(Top) tungo sa teksto (down).
Naimpluwensyahan ang teoryang ito ng
sikolohiyang Gestalt na nagsabing ang
pagbabasa ay isang holistic process. –
Tinatawag din itong “inside-out o
conceptually driven” ang teoryang ito sa
dahilang ang pag-unawa ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto- Goodman
2. Teoryang Bottom-up – Ang pagbasa ay
pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na
simbolo upang maibigay ang katumbas
nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay
nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng
mga titik sa salita, sa parirala, sa
pangungusap, at sa buong teksto, bago pa
man ang pagkakahulugan dito. – Tinawag ito
ni Smith (1983) na “outside-in o data driven"
sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay
hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa
kundi sa teksto.
3. Teoryang Iskema – Pinaniniwalaang
ang teksto ay walang kahulugan taglay
sa sarili, Ito ay nagbibigay lamang ng
direksiyon sa nakikinig o nagbabasa
kung paanong gagamitin at mabibigyan
ng pagpapakahulugan mula sa kanilang
dating kaalaman. Ang dati nang
kaalaman ang siyang saligang lalaman
at ang kayariang balangkas ng dating
kaalaman ang iskemata.
4. Teoryang Interaktiv – Binibigyang
diin ng teorya ang pag-unawa bilang
proseso at hindi bilang isang produkto.
Sinusuri ang nagging proseso sa
kasagutan ng mag-aaral. Sa teoryang ito,
mahalaga ang larangan ng metakognisyon
na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran
sa taglay na kaalaman at sa angking
kasanayan ng mambabasa.
Ano ang kahalagahan ng
aklat sa pagbasa?
– Carl Woodward.
• Lunsaran para ma abot ang makabagong
kaalaman at karunungan.
• Isa sa paraan upang maingatan, maalagaan,
mapanatili, at mapatibay ang mga
mahahalagang kaugalian, kultura, kabihasnan,
at kasaysayan ng isang lahi ang aklat.
• Sa makabagong henerasyon kahanga-hanga
ang maka bagong teknolohiya tulad ng
computer, messenger, email, Internet at iba
pa.
Karaniwang Suliranin sa
Pagbasa
1. Malabong paningin
2. Kakulangan sa kaalamang
panglingguwistika
3. Kakulangan sa pagsusuri at pag-unawa
sa bagong salita o malalim na salita.
4. Kakulangan sa
kaalaman,impormasyon, at karanasang
may kaugnayan sa impluwensiyang
pampisikal, pangkapaligiran,
panlipunan, at kaalamang pangwika.
Sa iyong pansariling
repleksiyon, ano-ano ang
masasabing kahinaan mo
sa pagbasa?
ADIOS HASTA LA
PROXIMA!!

You might also like