Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 98

 

Konsepto ng
Pananaliksik
• Ang pananaliksik o imbestigasyon ay
ang "sistematikong pagsusuri o
pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari,
at iba pa.
•  Malikhain at sistematikong gawain ang
pananaliksik, na ginagawa upang
lumawak ang kaalaman.
“Ang pananaliksik ay isang
barometro ng kahusayan ng isang mag-
aaral – pinatutunayan nito na
napagtatagumpayan niya ang mga
hamon ng akademya sa pagtuklas ng
malawak na karunungang matatagpuan
sa labas nito” – ito ay tahasang sinabi
nina Mayor at Ganaban, 2011
Ang pananaliksik ay isang maingat at
sistematikong pag-aaral at pagsisiyasat
sa ilang larangan ng kaalaman na
isinasagawa upang tangkaing
mapagtibay ang katwiran.
Ang research ay hango sa matandang
salitang Pranses na recherchḝ galing
na ang ibig sabihin sa Ingles ay to seek
and to search again.
Mga Kabutihang Dulot
ng Pananaliksik

1. Nadagdagan at lumalawak ang


kaisipan
Lumalawak ang kaisipan ng isang
mananaliksik dahil sa walang humpay
na pagbabasa, pag-iisip, panunuri,
paglalahad at paglalapat ng
interpretasyon.
Mga Kabutihang Dulot
ng Pananaliksik

2. Lumalawak ang karanasan


Ang kasanayang ito ay napauunlad dahil
sa marami siyang nakasalamuha sa
pangangalap ng mga mahahalagang datos,
pagbabasa at paggalugad sa mga kaugnay
na literatura.
Mga Kabutihang Dulot
ng Pananaliksik
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili
Ang kasanayan ay mapakikinabangan
hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na
rin ang pagkaroon ng respeto at tiwala
sa sarili kung maayos at matagumpay na
naisakatuparan ang alinmang pag-aaral
na isinagawa.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Tungkulin ng mananaliksik ang sumagot sa sarili


niyang katanungan at patunayan sa sarili ang
kaniyang mga pag-aakala at pananaw nito.
Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang
paggalang sa mga datos na nakalap, sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa intellectual
property at mga taong kakapanayamin.
Tungkulin at Responsibilidad ng
Mananaliksik

• Lalong-lalo na mahalaga ang


kredibilidad ng isang mananaliksik. Ang
pagiging orihinal sa ginawang papel
pananaliksik na magtatakda ng
kahusayan sa pagtuklas
Plagiarism
Ang plagiarism o panunulad ay nakuha mula
sa salitang Latin “plagiaries” na ang literal na
ibig sabihin ay kidnapper. Ayon sa diksyunaryo,
ito ay isang paraan ng pagnanakaw; kung saan
ang isang tao ay gumamit o ng hiram ng ideya o
gawa ng iba at hindi nilagay ang pinagkunan o
binigyan ng credit ang kanyang pinagkukunan.
Maraming tao ang gumagawa nito pero
kadalasan ay hindi nila alam na nakagawa na
sila ng pagkakamali.
Mga Anyo ng Plagiarism
1. Minimalistic Plagiarism
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan ang
mga ideya o konsepto na nakuha o nabasa mo mula
sa kanilang sources ay kanilang ginamit pero sarili
nilang salita o paraphrasing.

2. Full Plagiarism
Ito ay karaniwang tumutukoy sa iyong ginawa na
parehong pareho mula sa iyong pinagkunan. Bawat
salita, parirala o talata ay gayang-gaya mula sa
pinagkukunan.
Mga Anyo ng Plagiarism

3.Partial Plagiarism
Ito ay may dalawa o mahigit pa ang iyong
pinagkukunan at kombinasyon ng mga ito ang
kinalabasan ng iyong ginawa. Dito nangyayari ang
rephrasing o pagbabago ng ilang salita.

4. Source Citation
Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan
maaring binigay ang pangalan ng may-akda o
pinagkunan pero hindi na madaling mahanap dahil
kulang o hindi sapat ang impormasyon na binigay.
Mga Anyo ng Plagiarism
5.Self-Plagiarism
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan inilathala mo
ang isang materyal na nalathala na pero sa ibang medium.
Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro atbp.,ay may
katulad o sadyang ginaya at hindi mo tinukoy kung saan mo
ito nakuha o ginaya. Ito ay kilala din bilang “recycling
fraud”.

6. Intellectual Property Law


Ang Intellectual Property Law ay uri ng batas kung saan
ang mga nagimbentong mga manunulat, artist atbp., ay
binibigyan ng ‘exclusive property rights’ o sila ang
kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa.
Napakahalaga sa isang pananaliksik ang
tamang proseso at sistema ng pangangalap
ng mga datos. Samakatuwid,
maipapalagay na ang pananaliksik ay ang
muling pagtuklas ng impormasyon o
bagong kaalaman. Ang isang pananaliksik
ayon kina O’Hare at Funk ( 2000 sa
Bernales et al., 2012) ay isang
pangangalap ng impormasyon mula sa
iba’t ibang hanguan sa pamamaraang
impormatibo at obhektibo.
Etika ng Pananaliksik

Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights,


kailangan ang mahigpit na pagsunod sa mga
probisyong nito upang makaiwas sa anumang kasong
sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang
mananaliksik.
Narito ang ilang matatawag na Etika ng
Mananaliksik.
1. 1.Paggalang sa karapatan ng iba
2. 2.Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang
confidential
3.Pagiging matapat sa bawat pahayag
4. Pagiging obhektibo at walang kinikilingan
PAGPILI NG
PAKSA
Mga Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ayon kay Dayag, Alma, et al 2016,


ang salitang paksa ay kadalasang
tumutugon sa ideyang tatalakayin sa
isang sulating pananaliksik. Mas
mapapadali ang gawaing pag-iisip
kung hahayaan ng guro ang mga mag-
aaral na pumili ng kanilang paksa
ayon sa kanilang interes.
Mga Paalala sa Pagpili ng Paksa

Ang paksa ng isang sulating pananaliksik ay


isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang
papelpananaliksik. Tulad ng mga tinalakay na sa
asignaturang Komunikasyon sa Filipino, ang
pagpili ng isang paksa ay dapat nakapokus
lamang sa iisang direksyon upang hindi
mahirapan sa pagbuo ng pahayag.
Mahalagang maisaalang-alang ang mga gabay
sa pagpili ng pinkaangkop na paksa:

1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin


mo
2.Paksang marami ka nang nalalaman
3.Paksang gusto mo pang higit na malaman
4.Paksang napapanahon
5.Mahalagang maging bago o naiiba at hindi
kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan
mo
6.May mapagkukunan ng sapat at malawak na
impormasyon
Mga Hakbang sa Pagpili ng
Paksa

1.Alamin kung ano ang inaasahan o


layunin ng susulatin
2.Pagtatala ng mga posibleng maging
paksa para sa sulating pananaliksik
3.Pagsusuri sa mga itinalang ideya
4.Pagbuo ng tentatibong paksa
5.Paglilimita sa paksa
halimbawa

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


Epekto ng KDrama sa mga Kabataan
Nilimitahang Paksa: Epekto ng KDrama
sa mga Kabataang may edad na 16-19
Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Epekto
ng KDrama sa Gawaing Pangakademiko
ng mga Kabataang may edad na 16 – 19
sa Barangay Marikit
PAGBUO NG
TENTATIBON
G
BALANGKAS
Ano ang balangkas?
• Ang balangkas o tinatawag na “outline” ay kalansay
ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na
proyektong gagawin. (DIWA, Senior High
School Series: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik)
• Ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati
muna sa mga kaisipan ayon sa talatuntuning lohikal
na pagkasunud-sunod bago ganapin ang pagunlad
ng pagsusulat. (Arrogante,1992)
Nagsisilbing gabay upang masagot ng
mananaliksik ang dalawang mahalagang
tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na alam ko
na o nasasaliksik ko na at maaari ko
nang i-organisa patungkol sa aking
paksa?
2. Ano- ano ang mga batas o
impormasyon ang wala pa o kulang pa
at kailangan ko pang saliksikin?
Mahalaga ang pagbuo ng balangkas bago
simulan ang pagsulat upang:
*Higit na mabibigyang-diwa ang paksa.
-Ang paksa ang pinakasentro ng sulatin, kaya
nakatutulong ang pagbuo ng balangkas.
*Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat.
-Dahil nakaplano na ang bawat bahagi ng sulatin sa
proseso ng pagsulat ng pananaliksik.
*Nakatutukoy ng mahihinang argumento.
-Dahil sa pagbabalangkas ay nahahati ang malalaking
ideya at nilalagyan pa ng sumusuportang detalye para
mapatibay ang argumento at matutukoy kung alin ang
mahina at dapat ayusin at rebisahing mga argumento.
*Nakakatulong maiwasan ang writer’s block.
-Magkaroon ng direksiyon ang manunulat at mapag-isipan
ang kanyang isusulat.
Uri ng Balangkas

1. Paksa o Papaksang balangkas (Topic Outline)- ito ay binubuo ng mga


parirala o salita na siyang mahalagang punto hingil sa paksa. Hal.
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. I.Panimula
A.Kahalagahan ng Pag-aaral
B.Saklaw ng Pag-aaral
C.Pagbibigay- kahulugan
II. II.Mga Pangunahing Pagkain
A.Mayaman sa Enerhiya
B.Mayaman sa Protina
C.Mayaman sa Bitamina at Mineral
III. III.Mga Epekto ng Pangunahing Pagkain
A. A.Mabuting Epekto
1.Nagpalakas ng katawan
2.Nakatulong na makaiwas sa sakit
3.Nakapagpapasigla ng katawan
IV. IV.Konklusyon
2. Papangungusap na Balangkas (Sentence Outline)- binubuo ng
mahahalagang pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang
bahagi ng sulatin. Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain
I. I.Panimula
II. II.May tatlong Pangkat ng Pangunahing Pagkain. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
A.Ang mga pagkaing mayaman sa enerhiya
B.Ang mga pagkaing mayaman sa protina
C.Ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina at Mineral
III. III.Mga Epekto ng Tatlong Pangunahing Pagkain
A.Mabuting Epekto
1.Ang pagkain ay nakapagpapalakas ng katawan
2.Ang mga pagkain ay maaaring makatutulong sa pag-iwas ng sakit
3.Ang gma pagkain ay maaaring naging sanhi ng pagiging masigla
ng isang tao.
IV. Konklusyon
3. Patalatang Balangkas- Ang binibigyang-
diin ay ang pagkakaugnay.
Halimbawa:
Tatlong Pangkat ng Pangunahing
Pagkain
1. Ang pagkain ay sadyang kailangan ng tao upang
mabuhay. Kailangang matutuhan din kung anong
pagkain ang nararapat na kainin upang
mapanatiling malusog at masigla ang ating
katawan.
Pagbuo ng
Tentatibong
Bibliyograpiya
BIBLIYOGRAPIYA
Ang paggawa ng bibliograpiya o
talasanggunian ay isang kasanayang
susubok sa sipag, tiyaga, at katapatan ng
isang mananaliksik. Ang magandang balita
sa panahon ngayon ay marami ng
websites na tumutulong sa mga
mananaliksik upang gumawa ng kanilang
bibliograpiya. Layunin nilang mapagaan
ang mga gawain ng mga mananaliksik at
mabigyan ng tamang kredito ang
Habang nangangalap ka ng impormasyon
o datos para sa iyong gagawing
pananaliksik, siguraduhing naihanda mo
na rin ang bibliograpiya o talasanggunian.
Ito ay nagpapakita ng talaan ng aklat,
dyornal, pahayagan, magasin, di
nakalimbag na batis katulad ng pelikula,
programang pantelebisyon,
dokumentaryo, at maging ang social
media networking sites na
Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliograpiya
1.Maghanda ng mga index card na pare –
pareho ang laki. Karaniwang 3x5 pulgada
ang ginagamit ng iba.
2.Isulat sa mga index card na ito ang mga
impormasyon ng iyong sanggunian. Ang
ganitong paghahanda ay makatutulong para
sa paggawa ng pinal na bibliograpiya.
3.Isaayos ang mga index card nang
paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong
sanggunian. Maaari itong ilagay sa kahon,
folder, o sobre.
May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng
bibliograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

  Association
APA o American Psychological

Association
MLA o Modern Language

Chicago Manual of Style


Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa
ng Tala

1.Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya.

2.Tiyaking may pamagat at pahina ang aklat na


pinagkukunan ng tala.

3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard


o index card na gagamitin. Maraming sukat ang notecard o
index card, karaniwang ginagamit ang 3 x 5, ang 5 x 8, at 4 x
6, para sa mga tala.
Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at
Paggawa ng Tala

4. Upang madaling matukoy ang mga


sanggunian, ilagay ang mga datos ng
sanggunian sa notecard. Sa kanang itaas na
bahagi ng notecard ay isulat ang awtor at
pamagat ng sanggunian (aklat, dyornal,
website, at iba pa), sa gitna ang pamagat ng
tala at sa itaas na kaliwang bahagi naman nito
ang pahinang pinagkukunan ng tala.
 

Baisa- Julian,Ailene et al Pinagyamang Pluma 8

p.287

Ibat’ Ibang Paraan ng Pagpapahayag

 
5.Maaari ring gumamit ng code upang tukuyin ang
sanggunian. Ang sistemang ito ay gumagamit ng titik at
numero upang maging code sa notecard
 

  Baisa- Julian, Ailene, et al may-


akda

Pinagyamang Pluma 8

Ang titik A ay tumutukoy


sa unang sanggunian at A8  
ang bilang 8 ay tumutukoy P287  
sa pang- ilang tala o ideya
sa sanggunian
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag paksa

 
Tiyakin ang uri ng talang gagamitin. Ang
uri ng tala ay magiging batayan ng isang
maayos at sistematikong pagsasaayos ng
mga tala:
Mga Uri ng Tala
1.Direktang sipi- Ginagamit ito kung
isang bahagi lamang ng akda ang nais
sipiin. Sa paggamit ng direktang sipi
kinakailangan lagyan ng panipi (“ ”) ang
bawat nakuhang tala.
2.Buod ng tala- Ginagamit ito kung nais
lamang gamitin ay ang
pinakamahalagang ideya ng isang tala,
tinatawag itong synopsis.
3.Presi- Ginagamit nito ang buod ng isang tala. Sa
paggamit ng presi pinapanatili nito ang orihinal na
ayos ng ideya at ang punto de bista ng may-
akda.
4.Sipi ng sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula
sa isang mahabang sipi. Sa ganitong uri ay
gagamitin din ang panipi.
5.Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong
paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak
na salita ng mananaliksik.
6.Salin/Sariling Salin- Ito ay ginagamit sa mga
pagkakataon na ang mga tala ay nasa wikang
banyaga, Ito ay paglilipat ng ideya mula sa isang
wika tungo sa iba pang wika.
Pagsulat ng Pinal na Bibliograpiya

Gamit ang Chicago at APA Format

AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isasama sa
bibliograpiya kung ang sanggunian ay
aklat.
 Tala tungkol sa may-akda

Tala tungkol sa pamagat


Tala tungkol sa publikasyon
Narito ang mga paraan ng pagsulat ng
Chicago
bibliograpiya: APA
*Ihanay ang tatlong pangkat ng *Ihanay ang tatlong pangkat
impormasyon (may-akda, ng impormasyon (may-akda,
pamagat at tala ng pamagat, at tala ng
publikasyon). *Unahin ang publikasyon).
apelyido ng may-akda. *Unahin ang apelyido at
*Isulat ng buo ang pamagat ng sundan ng initials ng may-
aklat maging ang subtitle. akda.
*Paghiwalayin ng tuldok ang *Isulat ang taon ng
tatlong pangkat ng publikasyon sa loob ng
impormasyon. panaklong.
*Paghiwalayin ng tutuldok ang *Isulat ng buo ang pamagat
lugar ng publikasyon at ng aklat maging ang subtitle.
publisher. Paghiwalayin ng Paghiwalayin ng tutuldok
kuwit ang publisher at taon ng ang tatlong pangkat ng
publikasyon. impormasyon
*Naka-italicize ang pamagat ng *Naka-Italicize ang pamagat
Mga Halimbawa:

Kung isa lamang ang may-akda:

Chica
go APA
Dayag, Alma M. Dayag, A.M. (2014) Lakbay
Lakbay ng Lahing ng Lahing Pilipino
Pilipino 3. Quezon 3.Quezon City. Phoenix
City: Phoenix Publishing House
Publishing House,
2014
Kung dalawa ang may-akda:
Chicago APA

Julian, Ailene B. at Nestor S. Julian, A. B. &N.S. Lontoc (2015)


Lontoc. Lakbay ng Lahing Pilipino 4.
Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon City:Phoenix Publishing
Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2015. House

Pansinin na sa pagsulat ng Pansinin na sa pagsulat ng


ikalawang pangalan ay isinusulat ikalawang pangalan ay nauuna na
nang buo at nauuna na ang ang initials ng pangalan kaysa sa
pangalan kaysa apelyido. apelyido.
Kung higit sa dalawa ang may-akda:

Chicago APA
Dayag, Alma. et al. Pinagyamang Julian, A. B. & Lontoc N.S. (2015)
Pluma 10. Quezon City: Publishing Lakbay ng Lahing Pilipino 4.
House, 2015. Quezon City: Phoenix Publishing
House.

Pansinin na sa pagsulat ng Pansinin na sa pagsulat sa


ikalawang pangalan ay isinusulat ikalawang pangalan ay nauuna na
ng buo at nauuna ang pangalan ang initials ng pangalan kaysa sa
kaysa apelyido. apelyido.
Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang
nakalagay sa title page, ang pamagat na lamang ng aklat ang
isinusulat sa bibliograpiya. Ang pamagat ang gagamitin sa
alpabetisasyon.

Chicago APA
The Plight of Filipino The Plight of Filipino
Teachers. Cavite City: Teachers (1998) Cavite
Grayson Publishing City: Grayson
House, 1998 Publishing House.
PERYODIKAL- tumutukoy ito
sa anumang publikasyon nang
regular. Narito ang mga
impormasyong isasama sa
bibliograpiya yung ang sanggunian
ay peryodikal:
Tala tungkol sa may-akda
Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
Tala tungkol sa publikasyong
kinabibilangan ng:
Pangalan ng peryodiko
Bilang ng bolyum
Bilang ng isyu
Petsa
Narito ang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya para sa
peryodikal:
Chicago APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat ng
impormasyon (may-akda, pamagat, impormasyon (may-akda,pamagat
at tala ng publikasyon). Unahin ang at tala ng publikasyon.)
apelyido ng may-akda.  Unahin ang apelyido at sundan ng
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong initials ng may-akda.
pangkat ng impormasyon.  Isulat ang taon ng publikasyon sa
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng loob ng panaklong.
artikulo.  Isulat nang buo ang pamagat.
 Naka-Italicize ang pamagat  Paghiwalayin ng tuldok ng isyu ang
ng peryodikal. tatlong pangkat ng
 Nakapanaklong ang taon at petsa. impormasyon.
 Inilagay rin ang tomo o  Naka-italicize ang pamagat
volume at bilang ng isyu. ng peryodikal.
 Inilalagay din ang tomo o volume at
bilang ng isyu at paghiwalayin ito
ng kuwit.
 Ginagamitan ito ng
hanging indention.
Mga Halimbawa:
Journal- Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong
komunidad
Chicago APA

Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Del Rosario, M.D. G. (2010)


Filipino.”Phoenix Publishing House Wikang Filipino. Phoenix
EJForum(Agosto 2010):1:16 Publishing House EJ Forum:1:16

Chicago APA

Del Rosario, Adrian Paolo,”Harmful Effects Del Rosario, A .D. (2008) Harmful Effect
of Computer Games to Teenage Students.” Di of Computer Games to Teenage
nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat Students( Di – nakalimbag na
ng may- akda. 2008. manuskrito) De La Salle University,
Dasmariῂas.
Magasin- Ito ang peryodikal para sa publiko
Chicago APA

Bennet, Dahl. “ Coming Clean” Bennet, D.D.(2012,


Working Mom,October 2012, 107 October)Coming Clean. Working
Mom, 107.
 Pahayagan-Ito ang peryodikal na araw-araw
lumalabas
Chicago APA

Beigas, Leifbilly. “Publiko Beigas, L. (2015, October 19)


kinokondsiyon na sa disqualification ni Publiko Kinokondisyon na sa
Poe?” Bandera, 19 October 2015, 2 disqualification ni Poe?.
Bandera , p. 2
 DI NAKATALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyon isasama sa
bibliograpiya kung ang sanggunian ay di-nakatala:

May-akda
Pamagat
Anyo ng manuskrito
Tala tungkol sa pinagmulan ng lokasyon ng
sanggunian
Petsa ng pagkasulat
Manuskrito
Pagbuo ng
Konseptong
Papel
Ang Konseptong papel ay
nagsisilbing panukala o proposal para
maiihanda ang isang pananaliksik. Ito
ang kabuuang ideya na nabuo mula sa
isang framework o balangkas ng
paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng
pagkakataon sa mananaliksik na
mailahad kung ano ang mangyayari.
Nagbibigay rin ito ng kaalaman sa guro
Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel
(Constantino & Zafra, 2000)
  1. Paksa - nakasulat dito kung tungkol saan ang
gagawing
pananaliksik.
- Limitahan ang paksa gamit ang tinutukoy na
batayan sa
paglilimita.
 
2. Rasyonale - tinatalakay sa bahaging ito kung
ano ang gustong matamo at/o matuklasan ng mga
mag-aaral sa pananaliksik.
- Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan
ng paksa.
 
3. Layunin - dito mababasa ang tunguhin o
hangarin ng pananaliksik batay sa paksa.
- Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang
gustong matamo at matuklasan ng
mananaliksik.
- Maaaring isulat ang mga ito nang paisa-isang
pangungusap o patalatang pangungusap.
 
4. Metodolohiya/ Pamamaraan- inilalahad dito
ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at sa pagsusuri sa
nakakalap na mga impormasyon.
5. Inaasahang Awtput O Resulta- dito inilalahad
ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng
Paksa  

Rasyonale  

Layunin Aalamin ang karaniwang sanhi ng


depression sa mga kabataan
Metodolohi
ya  

Makabubuo ng isang sulating pananaliksik


Inaasaha
na tutugon sa kadalasang sanhi ng
ng
depression sa mga kabataan ng bagong
Resulta
milenyo.
Paksa New Normal Education

Bunga ng pandaigdigang krisis sa


kalusugan na dulot ng COVID-19, malaki
ang naging pagbabago sa pamumuhay ng
mga tao, ekonomiya ng bansa at kahit na
Rasyonale
ang edukasyon ng mga kabataan. Kaya
ang tanong sa karamihan ng mga
kabataan at mga magulang, ano ba ang
tinatawag na “New Normal Education”?

Layunin  
Metodolohiy  
a
Inaasaha
ng  
Resulta
Ugnayan ng Mababang Marka ng
Paksa
Mag-aaral at Mga Larong Online
Rasyonale  
Layunin  

Magtatanong sa mga naglalaro


Metodolohiya online tungkol sa kalagayan ng
kanilang mga marka.

Inaasahag
Resulta  
Pangangalap ng
Datos at
Pagbuo ng Unang
Draft
ARALIN 1 - PANGANGALAP NG DATOS

Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala


itong sustansiya-nilalaman, diwa, bigat at katatagan.
Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa
ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng datos at
naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na maaaring
pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso
sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang
susuriin o sasaliksikin.
Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong
(3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan. Ito ay ang
sumusunod:
 
Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng
browsing, skimming at scanning ng mga aklat.
 Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng
browsing, skimming at scanning ng mga aklat at
artikulo at ng pagpili ng sipi o c itation mula sa mga
babasahin.
 Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat,
sanaysay, artikulo,kompyuter, printouts, at iba pang
sanggunian.
Nakakatulong ang mga yugtong ito
sa pagpapanatili ng kaayusan sa
  pangangalap ng mga impormasyon sa
gagawing pagsusulat. Maliban sa mga aklat na
nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting
sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba
pang babasahin (Bernales et al., 2009).
Mga
 
Hanguan ng Impormasyon o Datos
Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa Bernales, et
al., (2012) ang mga hanguang primarya (primary
sources)
 
ay:
• Mga indibidwal o awtoridad,
• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya,
asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga
minorya, negosyo, samahan, simbahan at
pamahalaan,
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at
pag-aasawa, sistemang legal at ekonomiks at iba
pa, at
• Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng
konstitusyon, batas kautusan, treaty o kontrata at
Ang mga hanguang sekundaryo
 
(secondary sources) naman ay:
• Mga aklat tulad ng diksyunaryo,
ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook,
almanak at atlas,
• Mga nalathalang artikulo sa dyornal,
magasin, pahayagan at newsletter,
• Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng
feasibility, nailathala man ang mga ito o
hindi, at
• Mga monograp, manwal, polyeto,
 
manuskrito at iba pa.
Mga Pamamaraan sa Pangangalap
ng
  Datos
1.Ang Survey ay isang pamamaraan o
metodolohiya na magagamit sa pag-
unawa ng katotohanan bilang
katibayan tungkol sa tiyak na
sitwasyon. Layunin ng survey na
maglarawan, maglahad, magsalaysay,
mangatuwiran ng tiyak na bilang ng
kasagutan na nasasakop na
Hakbang
 
sa Pagsasakatuparan ng Survey
• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng
survey
• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong
instrumento sa pagsasagawa ng survey
• Pagsasagawa ng aktuwal na survey
• Pagtatala at Pag-aanalisa
• Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa
survey
Halimbawa ng talatanungan sa survey

Pangalan (opsiyonal):
______________________________
Panuto: lagyan ng tsek (/) ang angkop na
impormasyon.
Kasarian:
____ babae _____ lalaki
Katayuan sa buhay:
____ mag-aaral
____ may trabaho
Edad:
____ 15-20 taong gulang
 
____ 21-25 taong gulang
2.Ang panayam o interview ay isang paraan
ng pagtatanong upang makakuha ng datos
mula sa pakikipag-usap. Ito ay agad-
agarang pagkuha ng impormasyon sa taong
kinakausap. Layunin ng panayam na
makakuha ng makabuluhang impormasyon
sa kinakapanayam. Samakatuwid, malaki
ang gampanin ng epektibong
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
upang mapagtagumpayan ang
pamamaraang pakikipanayam.
3. Imersiyon, ito ay pakikihalubilo at
pakikisangkot sa pagkuha ng datos
Madalas itong gawing paraan ng
pangangalap sa disenyong qualitative.
Karaniwang ginagamit sa
dokumentasyon upang mas maging
buo at komprehensibo ang datos.
TANDAAN!
Hindi lahat ng mga impormasyong
mula sa internet ay tama. Mayroong
mga impormasyon na hindi dumaan
sa pagwawasto. Ang mga manunulat
sa internet ay malayang sumulat
kahit hindi nakikita ang kamalian o
kakulangan ng kanilang naisulat.
Para sa dagdag na kaalaman hinggil
sa paksang ito maaaring tingnan ang
kasunod na link
https://www.slideshare.net/aliciamar
garetjavelosa/pangangalap-ng-datos
ARALIN 2 - PAGSULAT NG UNANG BURADOR
Ang Burador o draft ay ang tentatibong
kabuuan ng papel, isa ito sa unang hakbang para sa
aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang
bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa
pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay
nito.  
Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay
kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at ang
suliranin), katawan (nakapaloob dito ang mga
impormasyon na magpapatibay o magpapaliwanag
ng iyong paksa at pinakamahaba na bahagi), at
wakas (ang buod ng teksto at konklusyon o resulta).
Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang
hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod
na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda
bago sumulat, dito masusukat ang iyong
kasanayan sa pagsusulat. May mga simpleng
gabay
 
upang mabuo ang ninanais na teksto:
• Magsimula sa isang paksang
pangungusap. Simulan sa paksang
pangungusap ang iyong unang talata.
Mainam na sumusuporta sa paksang
pangungusap ang bubuo sa unang bahagi ng
unang talata.
• Suportahan ang paksang pangungusap ng
mga tiyak na katibayan. Nararapat na
maipresenta ang mga tiyak na detalye—
tulad halimbawa ng pangangatuwiran,
ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto
upang maging kapani-paniwala at
  makahikayat ng mga mambabasa.
• Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga ideya. Obserbahan ang
pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang
ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang
hindi maguluhan ang mga mambabasa sa
• Isulat nang malinaw o error-free ang
pangungusap. Hindi dapat
ipagwalang-bahala ang mga tamang
estruktura o kaayusan ng gramatika o
maging simpleng paggamit ng mga
bantas. Hangga’t maaari ay error- free
ang kabuuan ng ating teksto.
Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga
sumusunod ay dapat na isaalang-alang sa pagbuo ng
burador.
 
• Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap,
patalata, o biswal na paraan gamit ang grapikong
pantulong.
• Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa
mga tiyak na ideya o konsepto,
posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter
upang matukoy ang dibisyon ng mga konsepto.
• Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng
akademikong sulatin o pananaliksik. Maikli, malinaw,
pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.
Pagsasaayos ng
Dokumentasyon at
Pagbuo ng Pinal na
Draft
ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG
DOKUMENTASYON
Sa pangkalahatang terminolohiya, ang
dokumentasyon ay pangangalap at pagsasaayos
ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu,
aklat, magasin at iba pang ginamit sa isang
akademikong
 
sulatin (Bernardino, et al., 2016).
Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga
ang pagsasagawa ng dokumentasyon at may ilan itong
tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik:
 
• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa
mga datos o impormasyon na nakalap
  ng mananaliksik;
• Ito ang nagbibigay ng kapani-
paniwalang impresyon sa isang
pananaliksik lalo kung binabanggit
dito ang mga awtor na pinaghanguan
ng mga
datos,
• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o
patunay na balido ang mga nailatag
na impormasyon sa isang
  pananaliksik
• Nakatutulong ang dokumentasyon
upang makita ang partikular na
sanggunian upang maiwan ang
plagiarism o plahiyo.
In-text Citation
 
Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob
ng pagtalakay ng pananaliksik. Sa pagkakataong
gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa iba,
kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan
nagsimula ang ideyang hiniram at saan nagtapos.
Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik
ang pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng
pagbibigay ng apelyido at taon ng pagkalimbag ng
aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang
parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga
bilang
 
signal (Bernales, et al., 2012).
Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA
 
1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal
tulad ng Ayon kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa,
Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal na
kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging
ang taon ng pagkakalimbag ang nakapaloob sa
panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat gamitin
ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa
dalawang awtor. Madalas na gamitin ito maliban na
lamang sa mga hanguang walang mga awtor.
 
Halimbawa:
Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang
behikulo upang magkaunawaan ang…
2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa
katapusan ng ideya makikita at parehong nakapaloob
sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon ng
pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor,
gamitin ang ampersand (&) bilang panghiwalay sa
dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang
parentetikal sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa
parentetikal na pamamaraan lamang pwedeng
maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng
website o aklat na walang awtor.
 
Halimbawa:
Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang
magkaunawaan ang… (Santos, 2008).
Maraming pamamaraan ang in-text na
dokumentsayon, at ilan dito ay nakadepende
sa uri ng hanguan ng ideya. May mga
pangkalahatang pormat sa pagtatala ng in-text
tulad
 
ng mga sumusunod:
A.Isang awtor
Ayon kay Halliday (1973), may gamit na
instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga
tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto
niyang gawin.
May gamit na instrumental ang wika.
Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa
B. Dalawang awtor
Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at
Readman (2006), ang pisikal na kapansanan tulad ng
kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba
pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ito.
Ang pisikal na kapansanan tulad ng
kapansanan sa mga paa, pagkabulag,
pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang
sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga ito (Carpenter &
Readman, 2006).
C. Tatlo hanggang limang awtor
Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay
nagmungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-
aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa
bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na
siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng
bokabularyo.
Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na
mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng
maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa
mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas
pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo
(Oller, et al., 2007).
D. Grupo o Institusyon

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang


muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng
di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran
ng 1987.
Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod
ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang
Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang
Filipino, 2009).
E. Walang awtor

Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng


sigarilyo na nauubos ng mga
naninigarilyo ay labindalawang minuto
ang nababawas sa buhay ng mga ito (A
Fistful of Risks, 1996, pp. 82).
F. Di-direktang hanguan
Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009)
na ang wika ay isang masistemang balangkas na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.
Ang wika ay isang masistemang balangkas na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong nasa iisang
komunidad (Gleason, 1995, sa Bernales,
2009).
G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko
Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at
isang nakamamatay na sakit. Sa mahigit na 20
taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa
Estados Unidos ang unang nakakilala ng
naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso
lalo na sa San Francisco. Sa kasalukuyan,
mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit
na HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na
tatlong milyon ang namamatay sa ganitong
sakit sa bawat taon
(http://www.kidshealth.org).
ARALIN 2 - PAGBUO
NG PINAL NA DRAFT
Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na
draft sa papel pananaliksik
 
▪ Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay
kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel
tulad ng sa simula ng mga pangungusap, pangngalang pantangi,
mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag tulad Mang, Aling,
Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga tuntuning ito ay
pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng
pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa malalaking titik (all
caps)
▪ Basahing mabuti ang papel pananaliksik.
▪ Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik
▪ Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin,
spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa
Organisasyon ng Papel

▪ Kronolohikal– Ginagamit ang


prinsipyong ito kung ang datos o
impormasyon ay ayon sa
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. Kung ang iyong paksa
ay naglalahad ng proseso o
 
pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa
Pilipinas
Ang ebolusyon ng telepono
▪ Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at
  ipaliliwanag anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng
mga paaralan at Pamantasan Ang sistema
ng edukasyon sa kabihasnan
▪ Komparatibo – Ginagamit kapag
nais ipaliwanag o ipakita ang
pagkakatulad at/o angpagkakaiba
ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o
  kaisipan.
Halimbawa: Ang paggamit
ng e-book at ng tradisyonal
na aklat
Ang mano-manong pagbilang
ng boto at PCOS machine
▪ Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-
diin ang sanhi at bunga ng isang paksang
sinisiyasat.
 
Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga
mag-aaral na nalululong sa
Computer Games Ang dahilan
ng maagang pag-aasawa
▪ Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay
ginagamit kung nais ipakita ang
paghihimay-himay ng isang buong
  kaisipan.

Halimbawa: Ang
katotohanan sa likod ng
modus na “tanim/laglag –
bala”

You might also like