Aralin 5 at Aralin 6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

ARALIN 5

PAGBABAGO
Kakaunti sa mga gawaing
pampanitikan ni Achaemenid ng
Persia ang nakaligtas. Ito ay
maaaring dahil sa pagkasira ng
silid – aklatan sa Persepolis.
Marami sa mga natira ay binubuo ng mga
maharlikang iniukit ni Haring Achaemenid, lalo
na si Darius (522 – 486 BC) at ng kanyang anak
na si Xerxes.
Marami sa mga isinulat (Zoroastrian) ay sinira sa Islamic Conquest
ng Persia noong ikapitong siglo. Ang mga Persiyanong pumunta ng
India ay kinuha o dinala ang aklat ng Zoroastrian canon kasama ang
ilan sa mga Avesta at ilang matagal o luma ng komentaryo.
Ang ilan sa mga naisulat na heograpiya ng Sassanid ay nakaligtas maging sa pagsasalin sa Arabic.
Wala kahit isang teksto na tumutuon sa kritisismong panliterari ang nakaligtas mula sa pre – Islamic Persia.
Subalit may ilang sanaysay ng Pahlavi tulad ng Ayin – e namenebeshtan (Principles of Writing Book) at Bab
– edteda’l-ye (Kalileh o Demneh) ay ibinibilang na kritisismong panliterari.
May ibang mananaliksik ang nagpahayag na ang
Sho’ubiyye ay nagpapatibay na ang pre – Islamic
Persian ay may mga aklat sa sining ng isang matagal
at epektibong paghihikayat sa mga mambabasa tulad
ng “Karvand”.Walang makitang aklat tulad nito.
May mga indikasyon na ang ilang mayayaman at
makapangyarihang Persiyano ay pamilyar sa
retorikang Griyego at kritisismong panliterari.
PAGBIBINHI

Ano sa ating bansa ang


nakikita mong maunlad?
Iguhit mo sa isang puting
papel at kulayan.
ANALOHIYA
Ang analohiya ay isang paghahambing kung saan ang
ideya o bagay ay inihahambing sa iba pang bagay na may
kalayuan o kaiba sa pinaghahambingan. Madalas na
ginagamit ito sa pang – araw – araw na pag – uusap.
Gumagamit ng analohiya ang marami sa mga manunulat
upang maging madali para sa mga mambabasa na
maunawaan ang isang bagong ideya na maaaring mahirap
para sa kanila na unawain.
Higit na nagkakaroon ng interes ang isang
mambabasa lalo na kung inihahambing sa isang
bagay ang isang salitang pamilyar na sa kanila
sapagkat madali niyang maiuugnay ito sa kanilang
buhay.
HALIMBAWA
1. Kung: ang espada ang sandata ng mga mandirigma
noon, kay Rizal ay ang kanyang pluma na gumising sa
nag – aalab na damdamin ng mga Pilipino.
2. Puso niya ay isang bato na hindi matinag – tinag.
3. Huwag kang umiyak at marami pang isda riyan.
4. Mga salita mo ay balaraw na sumasaksak sa aking
pagkatao.
5. Ang ingay mo ay bulkang sumasabog sa kapaligiran.
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang akdang
pampanitikan na kung saan ang kuro –
kuro, opinyon o pananaw ng may – akda
ay inilalahad. Ito ay umiinog sa isang
sentral na kaisipang ipinahahayag.
URI NG SANAYSAY
1. Maanyo o Pormal – maingat at maayos na
inilalahad ang mga kaisipan. Ang mga salita ay pili
at maingat. Ang paksa ay pormal din.
2. Mahilway o Di – Pormal – Ito ay may himig ng
nakikipag – usap. Ang mga salitang ginagamit ay
pangkaraniwan.
BAHAGI NG SANAYSAY
1. Simula – Sa bahaging ito dapat ay Makita na ang
gustong talakayin ng manunulat. Kailangan ay
kawili – wili at kapana – panabik ang bahaging ito
upang tuloy – tuloy na basahin.
2. Gitna – Ito ang pinakamahalagang bahagi sapagkat
ito ang nilalaman ng kuro – kuro, pala-palagay,
pagpapaliwanag ukol sa paksa. Dapat ay maging
malinaw ang pagpapahayag na gagawin.
BAHAGI NG SANAYSAY

3. Wakas – Sa bahaging ito, dapat ay lubos na


naunawaan ng mga mambabasa ang nais
ihatid ng manunulat ukol sa paksa. Maaari
ding mag – iwan ng aral o mensahe ang
manunulat.
SANAYSAY

KAHARIAN NG PERSIA
Salin ni: Felicidad Q. Cuaño
Punla 10: pahina 249 - 250
Ang pahayag ay ang sinasabi ng
tao.
Dalawang Uri ng Pahayag
1. Tuwirang Pahayag – ito ay tiyak na ipinahahayag ng isang tao.
Gumagamit ito ng panipi (“ ”) upang ipakita ang eksaktong
pahayag o sinasabi ng tao.
Halimbawa:
A. “Ayaw kong pumunta kahit saan na hindi kita kasama”, sabi ni Zari.
B. “Nais ko ay tunay na pagbabago”, sabi ng pangulo.
C. “Di po ba’t may kasabihan tayo:Bigyan mo ng isda ang tao at
mapapakain mo siya ng isang araw”, sabi ng pangulo
2. Di – Tuwirang Pahayag – ito ang pagbanggit muli ng
mga siabi o tnuran ng isang tao. Gumagamit ito ng ayon
kay, sinabi ni, at iminungkahi ni.
Halimbawa:
A.Ayon kay Zari, ayaw niyang pumunta kahit saan na
hindi kasama ang asawa.
B.Ayon sa pangulo, nais niya ay tunay na pagbabago.
C.Sabi ng pangulo na may kasabihan tayo na bigyan ng
isda ang tao at mapapakain siya ng isang araw.
Tuwirang Pahayag
A. “Ang mga nananalo ay isang nagmimithi na hindi
nawawalan ng pag – asa” – Nelson Mandela

Di – Tuwirang Pahayag
A. Sinabi ni Nelson Mandela na ang mga nananalo
ay isang nagmithi na hindi nawalan ng pag – asa.
Di – Tuwirang Pahayag
B. Ayon kay Thomas A. Edison, ang talino ay isang
porsiyentong inspirasyon at siyamnapu’t siyam na
pagsisikap.

Tuwirang Pahayag
B. “Ang talino ay isang porsiyentong inspirasyon at
siyamnapu’t siyam na pagsisikap.” saad ni Thomas A.
Edison
ARALIN 6
PAGKILALA
Ang tradisyon
ng Africa ay
naipamamalas
sa pamamagitan
ng musika,
sining, sayawin,
estruktura at
beadwork.
Marami sa mga wikang ginagamit ng Africa
ay tinatawag ding tone languages. Ibig
sabihin, nalalaman ang kahulugan ng sinasabi
ng isang tao sa pamamagitan ng lebel ng
timbre ng kanyang tinig. Ang pag – awit ay
napakahalaga sa lipunan ng Africa dahil ang
melodiya at ritmo ay sumusunod sa
intonasyon ng nilalaman.
Ang mga
mananayaw
ay nagsusuot
ng mga
tradisyunal
na maskara
sa
pagsasayaw.
Isang tradisyon ng Africa ay
ang lobola na kung saan ang
lalaking ikakasal ay nagbabayad
sa ama ng babae upang
mapalitan ang pagkawala ng
anak na babae. Sa lumang
tradisyon, ang lobola ay
binabayaran ng baka, isang
mahalagang bagay sa kultura ng
Africa. Ngunit ngayon sa
bagong kalakaran, pera na ang
ibininigay.
Ang layunin ng lobola ay upang maging malapit sa
isa’t isa ang dalawang pamilya na kinikilala ang
parehong paggalang. Nangangahulugan din ito na
ang lalaki ay may kakayahan na suportahan ang
asawa. Ginaganap ang kasal sa gabi lalo na kung
bilog ang buwan. Masamang kapalaran kasi kung
ang kasal ay gagawin kapag maliwanag ang buwan.
Maaaring magkaroon ng maraming asawa ang
lalaki basta kaya niyang suportahan ang lahat ng
mga ito. Ang mga asawa naman ay naghahati –
hati sa responsibilidad sa gawaing – bahay tulad
ng pag – aalaga sa bata, pagdikdik ng mais,
paglalaba at paghahanda ng pagkain.
Ang pagpapatuli ay
hindi lamang para sa
mga lalaki kundi
maging sa mga
babae rin. Hindi
pinapayagang
umiyak o sumigaw
ang tinutuli
sapagkat tanda ito
ng karuwagan.
PAGBIBINHI
Alam mo ba kung ano ang kaibahan ng kultura sa
tradisyon? Isulat ang iyong kasagutan sa graphic organizer.

Tradisyo
Kultura n
NOBELA

Ang nobela ay isang mahabang kathang


pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
hinahabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
Ang pangunahing sangkap nito ay ilabas ang
hangarin ng bayani at katunggali.
A. Layunin ng Nobela
1. Gisingin o pukawin ang natutulog na damdamin
ng mga mambabasa.
2. Magsilbing-daan ang akda tungo sa pagbabago
at pag – unlad ng sarili.
3. Magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa.
4. Magbigay aral.
B. Mga Katangian ng Nobela
1. Maliwanag at maayos ang pagsulat ng mga
tagpo at kaisipan.
2. Maraming magagandang mga tagpuan kung saan
nakikilala pa ang mga tauhan.
3. Malikhain at mayaman sa guniguni ang sumulat.
4. May – aral na mapupulot.
PANG – UGNAY (CONJUNCTION)

Ito ang mga salitang nag – uugnay ng salita sa


kapwa salita, ng parirala sa kapwa parirala, ng
sugnay sa kapwa sugnay, at ng pangungusap
sa kapwa pangungusap.
May tatlong uri ang pang –
ugnay:
1. Pangatnig – ito ang mga salitang nag – uugnay sa
dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunuod
– sunod na pangungusap.
Halimbawa:
at, ngunit, upang, sapagkat, o, subalit, pati
1. Ang pag – aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng
mga gulay ay mabisa sa kalusugan.
2. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
3. Kumain ka ng gulay upang lumakas.
4. Kailangan na tumupad tayo sa ating sinumpaang
tungkulin sapagkat ito ay inaasahan sa atin.
5. Siya ay isang mabuting anak subalit hindi siya
gaanong masipag mag – aral.
2. Pang – angkop – Ito ang mga salitang nag –
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Halimbawa:
na, - ng, - g
1. Isang kahong tsokolate ang pasalubong niya
sa akin.
2. Sa malaking bato tumama ang kanyang ulo.
3. Isang maayos na libing ang gusto kong ibigay
para kay Itay.
3. Pang – ukol – Ito ang mga salitang nag – uugnay sa
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
para sa, tungkol sa, sa, ayon sa
1. Mag – aral kayo para sa inyong kinabukasan.
2. Ang kanilang pagsusulit ay tungkol sa kanilang
mga nakalipas na aralin.
3. Ang cellphone na naiwan ay sa kanyang mag –
aaral.
4. Uulan daw bukas ayon sa balita.

You might also like