Ang Lathalain 011

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Ang Lathalain

Inihanda ni: Josue Dela Cruz


LAYUNIN
1. Naipamamalas at natutukoy ang mga
konsepto sa isang lathalain
2. Natutukoy ang iba’t ibang uri at
katangian ng lathalain
3. Nakakapagsaayos ng isang lathalain
2
ANO ANG LATHALAIN?
Ang lathalain ay isang uri ng
pamahayagan na nag uulat ng mga
makatotohanang bagay o pangyayari
batay sa pag-aaral, pananaliksik o
pakikipanayam at sinusulat sa isang
paraang kawili-wili 3
MGA LAYUNIN NG
LATHALAIN
MGA LAYUNIN NG
LATHALAIN
• Magpabatid
• Magpayo at magbigay ng aral
•Magturo
•Mang-aliw

5
MGA KATANGIAN NG
LATHALAIN
MGA KATANGIAN NG
LATHALAIN
• May kalayaan sa paksa – Kahit anong paksa ay
maaaring isulat. Mula sa pinakakaraniwang hanggang sa
pinakabagong aspeto ng buhay ay maaring paksain. Kahit
na ang mga pinakagasgas na paksa ay maari paring
mapaganda ng manunulat sa pamamagitan ng kaniyang
mabisang istilo ng paglalahad.

7
• Walang tiyak na haba - maaring maikli o mahaba,
depende sa nais itampok ng manunulat
• Maaring napapanahon o di napapanahon . Maaring ang
ang pinagbatayang paksa, impormasyon o balita ay matagal
na o bago pa lamang. Kaiba sa balitang napapanis na
pagkakatapos nitong mailahad, ang lathalain ay karaniwang
nagtatagal ang kawili-wili nitong kakanyahan.
8
• Laging batay sa katotohanan. Bagamat kung minsan
ay ginagamitan ng maimahinasyong paglalahad, ang
lathalain ay nakaangkla pa rin sa katotohanan.
• Maaring sulatin sa una, ikalawa, o pangatlong
panauhan.
• Bagama’t may Kalayaan, naroon pa rin ang
kaisahan,kaugnayan, kalinawan at ang kariinan sa
kabuuan ng akda

9
MGA URI NG
LATHALAIN
1. LATHALAING NAGPAPABATID
karaniwan, ito ay batay sa pakikipanayam o mula sa
pananaliksik. Ang ilan sa mga paksang nabibilang rito
ay tungkol sa mga batang lansangan, problema sa
kawalan ng trabaho at mga napapanahong isyu

11
2. LATHALAING PAANO
Ang layunin nito ay ilahad ang proseso o kung paano
ginagawa ang isang produkto o serbisyo kalakip din dito
ang mga tips sa pagpapaganda, pagaalis ng
mantsa,pagtitipid at iba pa.

12
3. LATHALAING PANGKATAUHANG DAGLI
Ito ay isang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang
kanilang mga naging karansan sa buhay, ang kanilang
pag-uugali at kanilang paniniwala na siyang dahilan ng
kanilang tagumpay o kabiguan

13
4. LATHALAING PANSARILING KARANASAN
Ito ay tumatalakay sa mga di karaniwang karanasan ng
tao

5. LATHALAING PANG-ALIW
ang layunin nito ay libangin ang mga mambabasa sa
kakaiba, hindi lamang sa paksa , kundi sa istilo ng
pagkakasulat at sa uri ng mga pananalitang ginamit.
Maaring halimbawa dito ang mga 14
6. LATHALAING PANGKASAYSAYAN
Tinatalakay nito ang kasaysayan ng tao, lugar o bagay

7. LATHALAING PAKIKIPANAYAM
Tumatalakay sa opinion,damdamin o kaisipan ng mga
tao,awtoridad sa paksang inilahad sa pamamagitan ng
pakikipanayam

15
8. LATHALAING DI-PANGKARANIWAN
ito ay tumutukoy sa mga bagay na paranormal at di
kapani-paniwala tulad ng, engkanto,dwende, kapre at
iba pang kauri nito.

9. LATHALAING PANG-AGHAM
tumatalakay sa mga paksang pang-agham

16
10. LATHALAING PANG-ISPORTS
Nahihinggil ito sa mga paksang pampalakasan

17
MGA DAPAT IWASAN SA
PAGSULAT NG
LATHALAIN
•Maligoy
•Masalita
•Paggamit ng malalalim na mga salita
•Sobrang haba ng mga pangungusap at talata
•Kulang sa dramatikong kalidad
•Sabog ang pagkakaayos ng mga ideya
19
MGA KATANGIAN NG
MANUNULAT NG
LATHALAIN
• Mapagmasid
•Mapagbasa
•Marunong makisimpatiya sa damdamin ng iba
•May malawak na kaalaman sa paksang
tinatalakay
•May malawak na kaalamang pangwika
21
PANGKATANG GAWAIN

22
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman - 50% 
Pagkakasulat - 30%
Kalinisan - 20%
Kabuuan 100%
23

You might also like