Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

(MELC)
1. Natutukoy ang pagkakaiba ng Wikang Pambansa,
Opisyal at Panturo

2. Nakikilala at napahahalagahan ang iba’t ibang


wikang panturo sa bansa.

3. Nakasusulat ng isang sanaysay hinggil sa


kahalagahan ng pagkakaroon ng Wikang Pambansa,
Opisyal at Panturo.
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga
sumusunod na katanungan.
 
1. Mas mabuting ________________________.
a. gamitin ang Filipino bilang tanging paraan
ng pakikipag-usap sa buong bansa
b. gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa
pangangailangan
c. gamitin ang Ingles lamang
d. huwag gamitin ang Ingles o Filipino
1. Mas mabuting ________________________.
a. gamitin ang Filipino bilang tanging paraan
ng pakikipag-usap sa buong bansa
b. gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa
pangangailangan
c. gamitin ang Ingles lamang
d. huwag gamitin ang Ingles o Filipino
2. Sino ang itinuturing na Ama
ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas
b. Jose Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Jose Palma
2. Sino ang itinuturing na Ama
ng Wikang Pambansa?
a. Francisco Balagtas
b. Jose Rizal
c. Manuel L. Quezon
d. Jose Palma
 3. Mahalagang magkaroon ng Wikang Pambansa
dahil ito ay:
a. Nagpauunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng
interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng
mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng
interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
 3. Mahalagang magkaroon ng Wikang Pambansa
dahil ito ay:
a. Nagpauunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng
interaksyon ng guro at mag-aaral
b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng
mga kaisipan at impormasyon
c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng
interaksyon ang mga ito
d. Lahat ng ito
 4. Ipinagagamit sa pagtuturo
mula Kinder hanggang Baitang 3.
a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Mother Tongue
d. Wikang Ingles
 4. Ipinagagamit sa pagtuturo
mula Kinder hanggang Baitang 3.
a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Mother Tongue
d. Wikang Ingles
5. Ito ay kailangang nasa estado ng
pagiging lingua franca at nararapat
na sumailalim sa pagkilala ng batas
a. Pantulong na Wika
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang panturo
5. Ito ay kailangang nasa estado ng
pagiging lingua franca at nararapat
na sumailalim sa pagkilala ng batas
a. Pantulong na Wika
b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal
d. Wikang panturo
A. Pagsusuri sa awit.
Ibigay ang mensaheng
nais iparating ng awit.
B. Suriin ang larawan
1. Ano ang mahihinuha
ninyo sa larawan?
2. Ilang wika ang
ginamit sa
halimbawang salita?
Walong pangunahing wika ng bansa
1.Bikol,
2.llokano,
3.Hiligaynon,
4.Pampanggo,
5.Pangasinan,
6.Sebwano,
7.Tagalog, at
8.Waray (Samar-Leyte).
Malimit ding tawagin ang
mga ito na wikang rehiyonal.
May pagkakataóng
isinasáma sa pangkat ang
Mëranaw, Tausug, at
Magindanaw.
Ang karaniwang katwiran sa
"pangunahing wika" ay dahil may
malaking bílang ito ng tagapagsalita,
karaniwang umaabot sa isang milyon
ang tagapagsalita, o may mahalagang
tungkulin ito sa bansa bílang wika ng
pagtuturo, bílang wikang opisyal, o
bílang wikang pambansa."
KONSEPTONG
PANGWIKA
(WIKANG
PAMBANSA,
OPISYAL AT
WIKAN
G
Ang Wikang Pambansa
 ang nangingibabaw na lingua
franca ng isang bansa.
 Ito ang kumakatawan sa identidad
at masasabing wika ng politika,
kultura at ng lipunan.
 Ito rin ang nagsisilbing daan o
instrumenting pangkomunikasyon.
 Pagkakilanlan ng isang lahi at/o
bansa.
 Ito ang wikang ginagamit sa
pang-araw-araw na pamumuhay
ng lahat ng mamamayan sa isang
bansa.
de facto ang isang wika kung
ito ay malawakang ginagamit
ng isang bansa bagaman hindi
itinatadhana ng batas
de jure kung ito ay isinasaad
mismo ng pinakamataas na
batas ng isang bansa.
Samakatuwid, ang wikang
de facto ng Pilipinas ay
Ingles at ang wikang de jure
naman ay Filipino.
Konstitusyon 1987 Artikulo XIV Seksyon 6
at 7.
 
Seksyon 6- Ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika
Seksyon 7 – Ukol sa layunin ng
komunikasyon at pagtuturo,
ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas,
Ingles
WIKAN
G
 Wikang opisyal ay ang itinadhanang
batas na maging wika sa opisyal na
talastasan o sa iba’t ibang transaksyon
ng pamahalaan.
 Itinadhana ng Batas na maging wika sa
opisyal na talastasan ng Pamahalaan.
 Isang wika o lenggwahe na binigyan ng
bukod tanging istatus sa saligang batas
ng mga bansa, at iba pang teritoryo.
 Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
lehislatibong mga sangay ng bansa,
bagama't hinihiling din ng batas sa
maraming bansa na isalin din sa ibang
wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek.3
ay nagsasaad na…
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pag papatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika,
hanggang hindi nag tatadhana ng iba pang
batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy na
gagamiting mga wikang opisyal.”
 Ito ang wika na maaaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon,higit sa
lahat ang anyong pasulat,sa loob at
labas ng alinmang sangay o ahensya ng
pamahalaan.
 
1899 Konstitusyon, ang opisyal na wika ng
Republikang Malolos ay Espanyol bagaman
itinadhana ding “opsiyonal”ang gamit sa mga
wikang sinasalita sa kapuluan.

1935 Konstitusyon, itinadhana na ang Ingles at


Espanyol ang maging wikang opisyal habang
hinihintay ang pagkabuo ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
wikang katutubo.
Hunyo 7, 1940 Batas Komonwelt Blg.570
ay ipinahayag na wikang opisyal ang
Wikang Pambansa mula Hulyo 4, 1946.
 
Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili
ng wika para sa buong kapuluan at
nabigyan daan ito sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang iba't ibang salik.
WIKAN
G
 Ang opisyal na ginagamit sa pormal na
Edukasyon. Ito ang wika na ginagamit
sa pagsulat ng aklat at ng mga
kagamitang panturo sa mga silid
aralan.
 Wikang ginagamit sa akademya. Ika-20
siglo (Amerikano) monolinggwalismo
ang wikang panturo ay Ingles.
 Panahon ng Komonwelt ipinagamit
ang wikang pambansa bilang
wikang panturo
 Prokmasyong Blg.1041 (Enero
1957), idineklara naman ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang
buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng wika.
Sa Prokmasyon Blg.19 (Agosto 1988)
idineklara ang pagdiriwang ng Linggo
ng Wika mula ika 13-19 ng Agosto
kada taon.
Ang Memorandom Sirkular Blg. 59
(Disyembre 1996) ay nag tadhana na
ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum
na Pangkolehiyo, ayon sa CHED.
Sa isang Sirkular noong 3 Mayo 1940, iniatas ni
Direktor Celdorio Salvador ng kawanihan Edukasyon
ng ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang
regular na asignatura sa ikaapat na taon sa paaralang
sekundarya.
Patakarang Bilinggwal hinati ang asignatura sa
Filipino at Ingles.
 
Sa kasalukuyan, multilinggwalismo ginagamit ang
vernakular na wika o wikang katutubo sa akademya
at sa mga ahensya ng gobyerno.
I. Pagsusuri sa tinalakay
 
1. Ano ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas?
2. Kailan masasabing de facto ang isang
wika?
3. Ano ang wikang de jure sa bansa?
4. Ano ang ginamit na wikang opisyal sa
Republika ng Malolos?
5-7. Ano-anong wikang panturo ang ginamit sa
bawat kategorya?
a. Monolinggwalismo
b. Bilinggwalismo
c. Multilinggwalismo
8-10. Ibigay ang kabuuang batas hinggil sa
pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
Batas
Artikulo
Seksyon
Mga Kasagutan
 
1. Filipino
2. Kapag malawakang ginagamit pero
hindi isinasaad sa batas
3. Filipino
4. Espanyol
5-7.
a. Monolinggwalismo - Ingles
b. Bilinggwalismo – Filipino at Ingles
c. Multilinggwalismo – Mother Tongue
Based_Multilinggwal Education
8-10.
Batas- Saligang Batas (Konstitusyon )1987
Artikulo- XIV
Seksyon-6-7
II. Pagsulat ng sanaysay
Sumulat ng tatlong (3) talataang sanaysay na tumutugon
sa mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa malinis na
papel.
 
1. Mainam kaya na isagawa sa Pilipinas ang patakarang
Monolinggwalismo?
2. Ano kaya ang naging epekto ng patakarang
Bilinggwalismo sa bansa? Ano ang naging kalakasan at
kahinaan nito?
3. Tama bang ipatupad ng Pilipinas ang Multilinggwalismo?
Pamantayan sa Pagmamarka
10 puntos – kaangkupan sa
paksa
5 puntos – kawastuhang
panggramatika
5 puntos – orihinalidad
20 puntos - kabuoan
GAWAING PANTAHANAN
Panuto: Magsaliksik tungkol sa isa sa
sampung mga pangunahing wika sa
Pilipinas ayon sa mga sumusunod na
impormasyon:
 
1. Lugar kung saan ginagamit ang wika
2. Dami ng mananalita
3. Mga wikang panturo mula sa iba’t ibang
paaralan sa Pilipinas
Pamantayan sa Pagmamarka
 
10 puntos – kaangkupan sa paksa
5 puntos – kaayusan ng
pagkakabuo o pagkakasulat
5 puntos – orihinalidad
Kabuoan – 20 puntos

You might also like