Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

FILIPINO 9

Kayarian ng Pangungusap
Mga Layunin:
• Nasusuri ang kayarian ng
pangungusap.
• Nakabubuo ng pangungusap
ayon sa kayarian nito
Mahalagang Tanong
Bakit kailangang
maipakita ang ating
pantay- pantay na
paggalang sa lahat sa
kabila ng kasarian nito?
PANGKATANG
PAGSUSURI
Suriin ang mga pangungusap na natanggap.
Tukuyin kung alin sa mga pangungusap ang
PAYAK, TAMBALAN, HUGNAYAN at
LANGKAPAN. Pag-usapan sa pangkat ang
iyong pagsusuri at magtatawag ang guro ng
magpapaliwanag.
Ang kababaihan ay hindi
lamang hanggang sa
tahanan.
PAYAK
Ang payak na pangungusap ay
nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring
nagtataglay ng payak o tambalang simuno at
panaguri.
May apat itong kayarian:
a. 1 simuno at 1 panaguri
b. 1 simuno at 2 panaguri
c. 2 simuno at 1 panaguri
d. 2 simuno at 2 panaguri
HALIMBAWA:
1. (1 Simuno + 1 Panaguri)

Ang pamahalaan ay masigasig sa


mabilisang pagsugpo ng
kriminalidad sa bansa.
*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
HALIMBAWA:
2. (2 Simuno + 1 Panaguri)

Ang mga lalaki at babae ay


naghahanda ng palatuntunan
para sa darating na pista.
*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
HALIMBAWA:
3. (1 Simuno + 2 Panaguri)

Ang aming pangkat ay naglinis ng mga


kalye at nagpinta ng mga pader sa
paaralan.
*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
HALIMBAWA:
4. (2 Simuno + 2 Panaguri)

Ang mga guro at mag-aaral ay aawit


at sasayaw para sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika.
*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
May mga babaeng nagpapakita na
ng kanilang kakayahan, ngunit
may mga tao pa ring mababa ang
kanilang pagtingin sa mga ito.
TAMBALA
Ang tambalangN
pangungusap ay
binubuo ng dalawa o higit pang sugnay
na makapag-iisa. Ito ay pinag-uugnay
ng mga pangatnig na magkatimbang.
(at, o, ngunit, datapwat, subalit,
ngunit, habang, samantala,
gayunpaman, saka, kaya)
Paano mo malalaman na ito ay
sugnay na makapag-iisa?

Simple lang. Mayroon siyang


simuno at panaguri.
HALIMBAWA:
1. Nagtatag ng isang samahan sina Arnel, at
agad silang umisip ng magandang
proyekto para sa mga kabataan ng
kanilang pook.
*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
Kung mapapansin mo, may dalawang sugnay
na makapag-iisa (may simuno at panaguri) ang
pangungusap na ito. Parang dalawang payak na
pangungusap na pinag-isa.
HALIMBAWA:
1. Maraming balak silang gawin sa
Linggo gaya ng pamimigay ng pagkain
sa mga batang lansangan, saka
maghahandog sila ng palatuntunan
para sa mga maysakit sa gabi.

*sinalungguhitan – simuno
*bold - panaguri
Hindi natin dapat limitahan ang
kakayahan ng kababaihan dahil
kaya nilang makipagsabayan sa
lahat.
HUGNAYAN
Ang hugnayang pangungusap ay
binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at isa o dalawang
sugnay na di-makapag-iisa.
Ano ang pagkakaiba ng sugnay na
makapag-iisa at di magkapag-iisa?

Sugnay na Makapag-iisa: buo ang diwa, may


simuno at panaguri
Di- makapag-iisa: hindi buo ang diwa,
pinangungunahan ng mga pangatnig na di-
magkatimbang (dahil, upang, para, kung, kapag,
nang, sapagkat, bagaman, kasi)
MGA HALIMBAWA:
1. Gaganda ang iyong buhay
kung susunod ka sa mga
pangaral ng inyong magulang.
2. Nanginig ang aking katawan
nang marinig ko ang malakas
na pagsabog.
*sinalungguhitan – sugnay na di makapag-iisa
Ang kababaihan natin ngayon ay
nagpapakita ng katatagan, at sila ay
patuloy na lumalaban para sa kanilang
karapatan upang maipakita ang tunay
nilang kakayahan.
LANGKAPAN
Ang langkapang pangungusap ay
binubuo ng dalawa o mahigit
pang sugnay na makapag-iisa at
dalawa o mahigit pang sugnay na
di-makapag-iisa.
HALIMBAWA
1.Nahuli na ang mga masasamang-loob,
kaya payapa na kaming nakatutulog
sa gabi, kasi sila lamang ang
gumugulo sa amin.
*sinalungguhitan – sugnay na makapag-iisa
*bold - sugnay na di makapag-iisa
Kung mapapansin mo, may dalawang sugnay na
makapag-iisa (may simuno at panaguri) ang pangungusap
na ito na parang tambalang pangungusap, ngunit may
idinagdag na isang sugnay na di-makapag-iisa na
pinangungunahan ng kasi.
HALIMBAWA
1.Ang mga bayani natin ay namuhunan ng
dugo, at nakipaglaban sila sa mga dayuhan
upang makamtan ang kalayaan ng ating
bayan.
*sinalungguhitan – sugnay na makapag-iisa
*bold - sugnay na di makapag-iisa
Kung mapapansin mo, may dalawang sugnay na makapag-
iisa (may simuno at panaguri) ang pangungusap na ito na
parang tambalang pangungusap, ngunit may idinagdag na
isang sugnay na di-makapag-iisa na pinangungunahan ng
upang.
Subukin
Natin!
TAMBALA
Ang yaman N at ganda ay
mahalaga, ngunit ang mga ito ay
maaaring mawalan ng saysay sa
tunay na umiibig.
PAYAK
Ang lahat ng bansa ngayon ay
nagnanais na makakuha ng
vaccine laban sa COVID-19.
HUGNAYA
N
Biglang nahinto ang ating
buhay dahil sa pandemyang
mga

hatid ng virus.
TAMBALA
Mas mabutingN
mag-ingat tayo sa
panahon ngayon, o magsisisi na
lang tayo sa huli.
LANGKAP
AN
Ang mga Pilipino ay humaharap
ngayon sa iba’t ibang krisis, ngunit
nananatitili pa rin tayong lumalaban
dahil likas na sa atin ang pagiging
matatag sa kabila ng lahat ng pagsubok
na dumaan.
PAYAK
Ang pangulo ay umakyat sa
entablado at nagbigay ng
talumpati.
PAYAK
Mamamasyal kami sa plaza
pagkatapos namin
magsimba.
HUGNAYAN
Pumasok ang mga bata
nang marinig nila ang tunog
ng kampanilya.
LANGKAPAN
Dahil nagmadaling umalis si Jess,
hindi siya nakapagpaalam kay Inay,
at nakalimutan niyang dalhin ang
kanyang baon.
TAMBALA
N
Ang tela ay maganda,
ngunit kulang ang dami
nito.
PAGSASANAY
HUGNAYAN
Inaalagaang mabuti ni
Grace ang kanyang sarili
dahil alam niyang iisa
lamang ang buhay.
PAYAK
Tayong lahat ay maaaring
maging mga bayani.
TAMBALA
Nipinakita ay
Ang kanyang
hindi mabuti, ngunit
pinagsisihan niya naman
ito.
PAYAK
Ang paaralan at ang tahanan
ay parehong humuhubog sa
ating mga pagkatao.
LANGKAPAN
Nakakamangha ang mga taong
masipag, at sila rin ay nagsisilbing
inspirasyon sa atin upang maging
pursigido sa buhay nating
hinahangad.
HUGNAYAN
Ang mga pagsubok ay
hindi natin maiiwasan kasi
ito ay bahagi na ng ating
mga buhay.
TAMBALA
N ba sa yapak ng
Ikaw ay susunod
iyong mga magulang, o ikaw ay
gagawa ng sarili mong landas?

You might also like