Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

)

Atimona I District
Atimonan, Quezon
PONON ELEMENTARY SCHOOL

Kuwento
Mahiwagang Pabo
(Pang- abay na Pamaraan)
Inihanda ni Gng.

Gng. ESTELA R. ANDA


Mahiwagang Pabo
(Pang- abay na Pamaraan)

Mabagal na lumakad ang pabo. Patingkayad itong sumisilip sa


halamanan. Nakita niya ang nagtatalong kambing at usa.
Matuling tumakbo ang usa kaya nilagyan ng kambing ng
harang ang daraanan nito upang makausap. Narinig niya ang pag-
uusap ng dalawa.
“Huwag mong sirain ang mga pananim. Kailangan natin ito.
Lahat nalang kinain mo. Prutas, gulay at mga dahon ng halamang
gamot”,puna ng usa.
Dahan-dahang lumapit ang kambing sa usa
at akmang sisipain ito. Mabilis na sinuwag ito ng
usa. Lumitaw ang pabo.
“Tigil, ikaw kambing parurusahan kita sa
ginawa mo,” sabi ni pabo.
“Aba , ang tapang ng pabo. Gusto mo kagatin
din kita,”pagalit na sigaw ng kambing.
Nagalit ang pabo. Itinaas nito ang kamay. Ang
matikas na kambing ay nagkaroon ng balbas at
sungay tanda ng masamang ugali nito. Ang pabo
ay naging diwata.
Sagutin:
1. Nakakita kana ba ng pabo? Ilarawan.
2. Ano-anong hayop ang nakita ng pabo na nagtatalo?
3. Sino ang matapang sa dalawang hayop na
nagtatalo?
4. Ano ang ginawa ng pabo?
5. Bakit naging diwata ang pabo?

Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Ito ay


mga pang-abay na pamaraan
Tandaan:
Ang pang-abay ay salitang nagbibigay- turing o
naglalarawan sa salitang- kilos o pandiwa.
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad ng
paraan kung paano ginawa ang kilos.
GAWIN ang mga PAGSASANAY.
A.Bilugan ang pandiwa sa parirala at guhitan ang pang-
abay.
1. pagalit na tumayo
2. dahan-dahang bumaba
3. patingkayad lumakad
4.matuling magmaneho
5. masayang tumakbo
B. Angkupan ang mga pang-abay na pamaraan
sa mga sumusunod na pandiwa.
6. ____________ tumakbo
7. ____________ bumangon
8. ____________ magsalita
9. ____________ nagpaalam
10.____________ tumawa

You might also like