Yunit 6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Yunit 6:

Gamit ng Wika 2
Impormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika
bilang Personal
Exclamation
Sa exclamation, nakabubulalas ng mga pahayag bunsod ng matinding
pagkagulat, sakit, at iba pang masidhing damdamin.
Halimbawa:
● Pagsigaw ng "Ay! Ipis!" kapag ang isang tagapagsalita na may takot
sa ipis ay biglang nakakita o nadapuan nito.
● Pagbulalas ng "Aray ko po!" kapag natapakan ng iba ang iyong paa.
● Kagyat na pagsigaw ng ”Whooooh!” na may kasabay pang pagtalon
kapag naipasok ng paboritong manlalaro ng basketball ang bola na
siyang ikapapanalo ng kaniyang koponan.
Curses
Sa curses naman ay nakabubulalas ng pahayag bunsod
ng matinding emosyon, ngunit may kasamang
pagpapahayag ng negatibong reaksiyon.
Halimbawa:
● Pagsabi ng “Susmaryosep!” kapag ginugulat ng ibang
tao.
● Pagbulalas ng “Anak ng...!” bilang inisyal na
reaksiyon na nagpapakita ng galit.
Hesitation Markers
Ang hesitation markers naman ay mga personal na
ekspresiyon at manerismo kapag nagpapahayag. Maaaring
hindi matiyak ng tagapagsalita kung ano ang nais niyang
tukuyin habang nagpapahayag.
Halimbawa:
● Ang salitang “ like ” sa “Gusto ko na sanang like kumain
now na.”
● Ang salitang “ano” sa “Paki ano nga ang ano nitong ano.”
Greetings
Sa greetings naman ay naipapamalas ang idyolek ng
tagapagsalita. Ibig sabihin, hindi ito ang kumbensiyonal na
pagsabi ng “Magandang umaga!” at “Paalam.” Naipararating
ng tagapagsalita ang personal niyang pagtrato sa kausap.
Halimbawa:
● “Beshie! Kamusta ka na?”
● “Uy! Halika rito. “
● “Babay na! Babay na.”
Pormal na Tungkulin ng Gamit ng Wika
bilang Personal
Sa pormal na tungkulin, may organisadong pagpapahayag
ng opinyon o damdamin sa pasulat o pasalita mang
pamamaraan.
Halimbawa:
● pagsulat ng reaksiyong papel tungkol sa napanood na
pelikula
● pagpapahayag ng opinyon tungkol sa pinag-uusapang
isyu sa klase
● pagsasabi ng damdamin sa loob ng isang debate.

You might also like